Halos huminto ang pag-inog ng mundo ko, tila pa nag-slow motion ang paligid habang pinagmamasdan ko ang kabuuan nito. Suot ang kaniyang uniporme, iyong purong puti, tanda ng kinuha niyang kurso. Dagli pang nangunot ang noo ko sa katanungang bumalatay sa isipan ko. Kauuwi lang ba nito? Anong oras na, ah? Ganoon ba siya kaabala at ganitong oras na ito umuuwi? Napakurap-kurap pa ako nang makita ang seryosong mukha nito, maang lang siyang nakatitig sa akin na para bang kinakalkula pa ang emosyon ko. Sa katititig niya ay halos matumba ako dahil sa panginginig ng dalawang tuhod ko. Mayamaya pa nang humakbang ito palapit sa akin, huminto lang nang ilang dangkal na lang ang pagitan ng mga katawan naming dalawa. Rason din iyon upang maliyo ako nang malanghap ko ang mabangong hininga niya. Kasun

