ARABELLA: KINABUKASAN, tinanghali ako ng bangon. Wala na din si Dexter sa tabi ko kaya sa isip ko, bumaba na siya. Tinatamad akong bumangon na nagtungo ng banyo at ginawa ang morning routine ko. Pasado alasdyes na rin ng umaga kaya kumakalam na ang sikmura ko. Para ngang nabugbog na naman ang katawan ko sa ilang beses naming pagniniig kagabi ng mochi ko. Hindi ko naman siya matanggihan dahil aminado ako na gustong-gusto ko ang pinagsasaluhan naming dalawa. Nagulat ako na makita dito sa sala si mama, na tila naghihintay sa akin! Bigla akong binundol ng kakaibang kaba sa dibdib dahil ang seryoso nito! Malalim ang tinging ipinupukol sa akin na tila binabasa niya ang galaw at nasa isip ko. “Magandang umaga po, Mama. Wala po kayong lakad ni gov?” wika ko na pilit pina-normal ang boses at

