ARABELLA: KINABUKASAN ay mas maayos na ang pakiramdam ko. Kahit ilang beses ulit na may namagitan sa amin ni Dexter kagabi sa farmhouse nila, hindi na ako muling nilagnat. Bumaba na kasi kami sa farmhouse kahapon at gusto nitong maranasan kong matulog sa silid niya sa farmhouse nila. Ang old room nito noong bata pa siya. “Baka nahamugan ka kaya nilagnat ka, anak. Idagdag pang malamig doon kaya marahil nabigla ang katawan mo,” wika ni mama habang yakap-yakap ako dito sa kama. Napangiti ako na mas nagsumiksik pa sa dibdib niya. Maayos-ayos na ang pakiramdam ko, pero gusto ko pa ring magpa-baby kay mama. Lalo na't. . . may nagawa akong malaking atraso sa kanya. “Siguro nga po, Mama. Pero– ang ganda po kasi doon, lalo na sa gabi. Ipinakita pa sa akin ni Dexter ang puno sa burol na nababa

