ARABELLA: NANGUNOTNOO ako na sobrang ngalay na ngalay ang buong katawan ko. Para akong natulog na may batong nakadagan sa akin sa buong magdamag! “Uhmm–” reklamong ungol ko na halos hindi makagalaw. Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata. Unang bumungad sa malabo kong paningin ang liwanag na nagmumula sa labas. Maliwanag na pa at nasisikatan na rin kami ng araw dahil may bintana sa tapat namin. “Gagi 'to, ba’t d'yan ka naman kasi natulog,” paos kong reklamo na makagisnan ang mochi kong payapang nahihimbing. . . sa ibabaw ko! Kaya naman pala sobrang nangangalay ang buong katawan ko e. Dahil hindi na siya umalis sa ibabaw ko at ramdam kong. . . nakabaon pa rin siya sa akin! “Oh my God! Nakabaon pa rin siya!?” impit kong tili sa isipan na gumapang ang init sa mukha at nakadama ng hiya

