ARABELLA:
PARANG lulukso ang puso ko sa ribcage nito nang dahan-dahan akong lumingon at sa akin nga nakamata si Dexter! Para akong matutumba na sa unang beses. . . nagsalubong ang mga mata namin!
“A-ano? S-sino ba ang tinawag mo?” nauutal kong tanong dito na napangisi.
“Sino pa ba ang panget dito, hmm?” sarkastikong tanong nito na ikinalunok ko.
Pinagtitinginan na kami ng mga schoolmates naming palabas na ng school at nagbubulungan.
“Tsk, sakay, may pupuntahan tayo,” utos nito!
“A-ako? Sasakay ako sa m-motor mo?” pangungumpirmang tanong ko ditong nag-igting ang panga at nagalit!
“Punyeta! Pangit ka na nga, ang bobo mo pa! Sino ba ang kausap ko, huh?!” madiing sikmat nito!
Nasaktan ako sa kanyang tinuran at pagtawag sa akin ng ‘pangit’ at ‘bobo’ pero kahit gano'n, humakbang ako at kitang galit na ito. Nangangatog pa ang mga tuhod ko na umangkas sa kanya. Pinagbubulungan na kami at naiinggit pa ang mga kaklase kong iniangkas ako ni Dexter.
Pagkaupo ko, pinatakbo na nito ang motor kaya sa sobrang kaba at pagkabigla ko– napayakap ako sa kanya! Mariin kong nakagat ang ibabang labi at sobrang bilis ng t***k ng puso ko! Gusto ko mang umayos ng pagkakaupo pero– hindi ako makakilos. Bukod sa hindi ako sumasakay sa motor, si Dexter ito! Yakap-yakap ko ang crush ko habang nakaangkas ako sa kanyang bigbike!
Hindi ko mapigilang kiligin at mapairit sa isipan ko sa kaisipang yakap-yakap ko si Dexter! Tiyak na mahihimatay sa gulat sina Tina at Jessa mamaya kapag sinabi ko sa kanila na iniangkas ako ni Dexter!
“Where do you live? Ihahatid na kita,” aniya na ikinalunok ko.
Ihahatid niya ako sa bahay namin?! Para akong nananaginip ng gising sa mga sandaling ito! Kung panaginip man ito– ayoko nang gumising pa.
“Uhm, m-malapit kami sa barangay hall, ituturo ko na lang,” sagot ko na nauutal pa.
Hindi naman na ito sumagot. Binagtas lang ang daan pauwi sa amin na ikinangiti ko. Hindi ko namamalayan, ini-enjoy ko na ang pag-angkas sa bigbike ni Dexter habang yakap-yakap ito. Kahit malakas ang hangin, naaamoy ko pa rin ang perfume niya at napakabango niya. Kahit naglaro siya kanina ng basketball at pinagpawisan, napakabango niya pa rin.
“Uhm, ‘yong kulay asul na bahay, iyon ang bahay namin,” wika ko nang malapit na kami sa bahay at matanaw na ito.
Hindi ito sumagot pero tumuloy siya sa harapan ng bahay. Nanghihinayang man, bumaba na ako sa motor niya. Pilit akong ngumiti sa kanya nang nakamata siya sa bahay namin. Hindi ito kalakihan pero malinis at maganda naman ang labas. Dahil may mga pananim akong bulaklak sa harapan ng bahay.
“G-gusto mo bang tumuloy na muna sa loob?” tanong ko na hindi makatingin sa kanyang mga mata.
Nilingon ako nito na pinasadaan ang kabuoan ko. Hindi ko alam kung minamaliit niya ako o nandidiri siya. Hindi kasi madaling mabasa ang reaction sa mga mata niya.
“Hwag na, panget. Maybe next time,” sagot nito na ikinabusangot ko.
“Hindi panget ang pangalan ko,” ingos ko ditong napangisi.
“E sa panget ka e.” Aniya pa sabay ngisi na umalis na.
Lihim akong napangiti. Tumuloy na ako sa bahay. Kahit tinatawag niya akong panget ay okay lang. Ang mahalaga, naranasan kong umangkas sa bigbike niya at nayakap ko pa siya! Pakiramdam ko ay unti-unting bumalik ang dating pagtingin ko sa kanya na kinausap niya ako ngayon at inihatid pa ako dito sa bahay namin!
LUMIPAS ang mga araw. Akala ko ay iyon na ang simula na mapapansin ako ni Dexter pero– akala ko lang pala. Muli akong bumalik sa dating nakagawian ko. Pinapanood si Dexter sa mga activities nila at palaging lumalabas ng klase para lang masulyapan ko siya sa classroom nila. Masaya ako dahil iba na ang katabi ni Dexter sa classroom nila. Lumipat ito ng pwesto at hindi na si Rebecca ang katabi niya sa upuan.
“Ang saya mo yata ngayon, Ara?” tudyo ni Tina sa akin.
Napangiti ako na nagpatuloy sa isinusulat sa notebook ko. “Halata ba?”
“Oo, halatang halata.” Sagot pa nitong ikinahagikhik ko.
“May ibabalita ako sa inyo pero– atin-atin lang ito ha?” bulong ko.
Tumango-tango naman sila ni Jessa na mas inilapit ang ulo sa akin.
“Ang totoo niya'n, nakuha ko na ang cellphone number ni Dexter,” pabulong pamamalita ko sa mga itong namilog ang mga mata!
“Totoo–”
“Shhh,” agap ko na sinenyasan ang mga itong hwag maingay!
“Reyes, Garcia, Valencia, get out!”
Napangiwi kaming tatlo na marinig ang teacher namin at huling-huli niya kaming nagbubulungan!
“Opo, ma'am, sorry po.” Paumanhin namin at napapayukong lumabas ng classroom.
Tumayo kami sa harapan ng classroom namin. Istrikto kasi ang guro namin sa math. Kapag may nahuli siyang nagbubulungan sa oras ng klase niya, palalabasin niya.
“So, paano mo nga nakuha ang number ni Dexter, bestie?” pabulong tanong ni Jessa.
“Oo nga, bestie, sabihin mo na sa amin,” segunda ni Tina na nagpa-puppy eyes pa sa akin.
Napangiti akong napailing. “Kasi, kaninang umaga. Naabutan ko si Dexter sa store e. Narinig kong nagpa-load siya kaya kinuha ko ang number niya sa store nang makaalis na siya,” sagot kong ikinairit pa ng mga ito na hinampas ako sa braso.
Natatawa naman ako sa reaction nila. “Tinext mo na ba, bestie?” kinikilig at excited na tanong ni Jessa sa akin.
Napangiwi naman ako na napakamot sa ulo. “H-hindi e. Nahihiya ako. Noong nakaraan nga na siya ang lumapit sa akin, napakasungit niya,” sagot ko.
Napanguso naman ang mga ito at sabay-sabay kaming napabuntong hininga ng malalim.
“Kung sabagay, baka hindi rin mag-reply, bestie.” Mababang saad ni Tina.
“Iyon din ang iniisip ko, bestie. Okay na iyon. Kuntento na akong nasa akin na ang number niya,” sagot ko.
“Pero bakit ka nga ba niya inihatid sa inyo noong nakaraan, bestie? Walang nabanggit sa'yo habang nasa daan kayo?” tanong ni Jessa na ikinailing ko.
“Hindi naman kami masyadong nagkausap e. Tinanong niya lang ako kung nasaan ang bahay namin. Inihatid niya ako sa tapat ng bahay, niyayaya ko nga siyang pumasok na muna sa bahay pero tumanggi siya.” Sagot ko na napalingon sa gawi ng classroom nila Dexter.
Mapait akong napangiti. Akala ko ay mapapalapit na ako sa kanya noong nilapitan niya ako. Buong magdamag nga akong hindi nakatulog na iniisip ito at mga magaganap sa amin in the future. Pero heto at para lang akong sinampal ng masakit na katotohanan na siya at ako– imposibleng magsama at magmahalan.
“Pero at least, malinaw na sa lahat na hindi naman talaga naging magkarelasyon ni Becca. Ibig sabihin, single pa rin si Dexter,” kinikilig na tukso sa akin ni Jessa na ikinangiti ko.
Mabuti na lang at naging malinaw na ang issue na iyon. Dahil si Dexter mismo ang nagsabi na hindi niya girlfriend si Rebecca. Marahil nainis na siya sa mga chismis dito sa school kaya lumipat din ng upuan para hindi sila magkatabi ni Rebecca. Hindi na rin naulit na iniangkas niya ito sa bigbike niya.
“Hi, girls, gusto niyo bang magmeryenda?”
Napangiwi ako na marinig ang pamilyar na boses ng bagong kaklase namin– si Inigo.
“Libre mo ba?” kinikilig na tanong ni Jessa dito na matamis na napangiti.
“Oo ba, basta. . . sasama sa atin si Ara e.” Sagot nitong napasulyap sa akin.
Hindi ko tuloy mapigilang mapataas ng kilay. Ngumiti ito na napakindat pa kaya napapairit ang dalawang maharot kong mga kaibigan. Gwapo naman si Inigo. Matangkad din pero moreno siya. Isa pa, hindi ko siya type noh? Ang dami ko na kayang nakasalamuhang gwapo pero tanging si Dexter lang ang gusto ko.
Kumapit naman sa magkabilaang braso ko ang dalawang kaibigan ko. Parang mga tuko na inuuga-uga ang braso ko at nagpa-puppy eyes sa akin para pumayag ako. Sinimangutan ko ang mga ito.
“Tara na, Ara. Pumayag ka na, hmm? Libre oh?” wika ni Tina sa akin.
Recess na kasi namin. Naglalabasan na ang mga kapwa namin estudyante.
“Ayoko, hindi naman ako nagugutom. Saka, bakit tayo magpapalibre sa kanya? Hindi naman natin siya lubusang kakilala e.” Sagot ko.
“Ahem! Ayaw yata ni Ara, girls.” Wika ni Inigo.
Napalingon ako sa classroom nila Dexter na palabas na ang mga ito. Napalunok ako na parang nag-slow motion pa ang paligid ko nang lumabas ito ng kanilang classroom. Napangiti ako na tanging sa kanya nakatutok ang paningin. Pero kaagad ding napalis ang ngiti ko na makitang hinabol ito ni Rebecca at sinabayan ito.
Nag-iwas ako ng paningin bago pa kami magkatitigan. Ewan ko pero– nasaktan ako na makitang nag-uusap sila.
“Sige, libre mo ha? Matakaw kami, baka akala mo,” wala sa sariling pagpayag kong ikinahiyaw pa ng mga ito na pumayag ako.
Naiiling at ngiti akong nagpatianod sa mga ito na hinila na ako. Sakto namang makakasabay namin si Dexter at Rebecca. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na parang sumikip ang lugar na kasabayan namin si Dexter.
“Siya nga pala, Ara, pwede ba kitang ihatid mamaya sa bahay niyo?” tanong ni Inigo habang pababa kami ng hagdanan.
Napasulyap ako kay Dexter na huminto at naikuyom ang kamao na tila nagalit sa narinig.
“Uhm, s-sige–”
“Hoy, panget. Ilibre mo ako, bayad mo sa paghatid ko sa'yo noong nakaraan,” ani Dexter na halos ikaluwa ng mga mata naming magkakaibigan!
“H-ha? Ako?” tulala kong tanong na naituro ang sarili.
“Tsk, bakit ba ang slow mo?” pagalit nito na hinila ako sa kamay at inakbayan!
Para akong natuklaw ng ahas at pinagpawisan na nakaakbay ito sa akin! Ni hindi alintana ang mga schoolmates namin na pinagtitinginan kami at namimilog ang mga mata na makitang nakaakbay ang campus hearttrob sa isang nerd na katulad ko!
“Bwisit, sino ba ang malanding iyan?” dinig ko pang ismid ni Rebecca na nasa likuran namin.
“Bleh, sorry, girl, mas maganda ang freenie namin kaysa sa'yo,” pagbelat pa ni Jessa dito na lihim kong ikinangiti at sinadyang. . . yumapos sa baywang ni Dexter.