Chapter 10

1748 Words
ARABELLA: PASADO alasotso na nang may humintong kotse sa tapat ng bahay. Tapos na rin naghain ang mama ng hapunan. Nagugutom na nga ako pero hinihintay kasi namin si gov. “Baka si Damian na iyan. Sandali lang ha?” ani mama sa amin ni Dexter. Tumango kami dito na tumayo at nagtungo sa pintuan. Sakto namang kumatok na ang bisita. Pinagbuksan ito ni mama at hindi nga kami nagkamali, si gov na ang dumating. Napayuko ako na nag-kiss pa sila ni mama. Parang kinurot ako sa puso na makita iyon. Ibig sabihin, wala ng pag-asa na mabuo pa ang pamilya ko. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ang papa ko e. “Ikaw talaga, akin na ‘yan,” ani mama. “Okay lang, honey, mabigat ito,” tugon ni gov na isinarado na ang pintuan. Tumayo na din si Dexter. “Oh, bakit hindi ka pa nagbibihis, anak?” tanong ni gov dito. Nanatili akong nakayuko. Kilala ko naman na si gov pero– hindi ko pa ito nakakasalamuha nang gan'to. Na nasa iisang bahay kami at higit sa lahat? Magiging iisang pamilya na kami. Magiging– padre na siya ng pamilya namin ni mama. “Uhm, I don't know how to use their things in the bathroom, Dad. Wala pong shower,” sagot ni Dexter na ikinaangat ko ng mukha. Napangiwi pa ang mama ko. “Naku, pasensiya ka na, hijo. Hayaan mo, magpapalagay ako bukas na bukas din ng shower sa banyo. Pagtyagahan mo na munang gumamit ng tabo at timba. Mag-iinit na lang si Ara mamaya ng tubig para hindi malamig ang pangligo mo,” wika ni mama na ikinaasim ng mukha ko. “Bakit ako?” reklamo ng isipan ko. “Thank you po, Mama.” Sagot ni Dexter na ikinataas ng kilay kong tinawag niya na namang mama ang ina ko. Napalingon sa akin si gov na matamis na ngumiti. May dala siyang box ng cake, dalawang bouquet ng roses at sunflower, at ilang shopping bag. “Ara anak, halika,” pagtawag ni mama sa akin kaya tumayo na ako at lumapit. Yumuko ako kay gov na nakangiti sa aking hinaplos ako sa ulo. “Uhm, Damian, siya si Ara, ang anak ko.” Pagpapakilala sa akin ni mama. “Kumusta, hija, masaya akong makilala ka. Congratulations nga pala sa pagtatapos mo, hmm? Heto, may regalo ako para sa'yo,” magiliw na saad ni gov na iniabot ang sunflower bouquet sa akin at mga hawak niyang shopping bag. Nahihiya akong tinanggap ang mga iyon at nakamata si Dexter sa akin. Hindi naman siya mukhang galit pero wala din kasi itong kangiti-ngiti. “S-salamat po, Gov, nakakahiya naman. Hindi niyo po ako kailangang ibili ng mga ito,” nakangiwi at nahihiyang wika kong ikinangiti nito. “Pagbigyan mo na ako, hija. Alam mo, gusto ko rin ng anak na babae e. Kaya hayaan mo na akong spoiled-in ka at magiging isang pamilya naman na tayo,” aniya na bakas ang sensiridad. Kaya nahihiya akong tanggapin ang mga regalo niya. Bukod sa nakaharap si Dexter, kita kasing mamahalin ang mga ito. Baka mamaya ay iniisip ni Dexter na gustong-gusto ko na nireregaluhan ako ng papa niya. “Salamat po, Gov.” Tugon ko. “Hmm. . . ang formal mo naman masyado, hija. Hindi ba pwedeng papa na lang din ang itawag mo sa akin?” pabirong saad niya na ikinainit ng mukha kong hindi makaapuhap ng maisasagot. Naalala ko kasi ang sinabi noong nakaraan ni Dexter sa akin. Na tinanong ako kung gusto ko bang maging papa ang ama niya. Ang ibig sabihin, alam na ni Dexter noon na may relasyon ang mama ko at papa niya. Kaya pala siya lumapit sa akin at inihatid ako ng bahay. Hindi ko manlang napansin noon na sa tuwing ihahatid niya ako, tinatanong niya kung nasa bahay ang mama ko. Kaya pala siya lumalapit sa akin noon. . . dahil alam niyang mama ko ang girlfriend ng papa niya. Malinaw pa sa akin na sinabi niyang– ayaw niyang tawagin kong papa ang ama niya. “Eh–” napakamot ako sa ulo na nahiya kay gov. Napangiti naman ito. “It's okay, hija. Hwag mong madaliin kung hindi ka pa komportable na tawagin akong papa mo,” aniya. Tumango ako na nahihiyang ngumiti sa kanya. Madali lang naman sana. Pero natatakot ako kay Dexter at sinabi na niya minsan na ayaw niyang tawagin kong papa ang kanyang ama. “O siya, Ara anak, dalhin mo na muna ang mga ‘yan sa silid mo at bumaba ka kaagad para makakain na tayo, hmm?” ani mama na ikinatango ko. “Sige po, Mama. Gov, salamat po ulit sa mga ito.” Baling ko kay gov na nakangiting tumango. “You're welcome, anak.” Sagot nito. Parang hinaplos ang puso ko sa pagtawag niya sa akin ng ‘anak’ lalo na't bakas ang sensiridad sa mga mata nito at kilala naman talagang mabait na tao si gov. Kaya nga mahal na mahal siya ng mga tao dito sa probinsya namin. Bukod kasi sa hindi ito mahirap lapitan at hingan ng tulong, pinapaunlad talaga niya ang buong probinsya namin at tinutulungan ang mga nasasakupan niya. Tumutupad siya sa mga ipinapangako niya sa kada kampanya at hindi nakakalimot sa mga nagmamahal sa kanya. Umakyat ako ng silid ko at dinala sa kama ang nasa limang shopping bag. Napasilip ako sa mga iyon. Ang isang shopping bag ay halos mapuno ng mga damit, ang dalawa ay shoes at sandal na pawang mamahalin at naka-box pa. Ang isa naman ay beauty products at ang isa, brand new iPhone Pro Max! Namilog ang mga mata ko na nasilip ang mga laman ng shopping bags! Para akong nananaginip ng gising sa mga sandaling ito! Unang pagkikita pa lang namin ni gov dito sa bahay bilang nobyo siya ni mama, sobrang spoiled na ako sa mga regalo niya at tiyak kong malaki ang ginastos niyang pera para sa mga ito! Nangilid ang luha ko na gusto kong mapairit sa sobrang saya ko! Ito kasi ang unang beses na makatanggap ako ng gan'to kamamahal na regalo! Alam ko namang mayaman si gov at barya lang ang mga ito sa kanya pero– sa akin kasi, ang imposible na makaya kong makabili ng gan'to kamamahal na gamit lalo ng beauty products at brand new iPhone Pro Max! Hindi ko maitago ang saya at kilig na nadarama ko habang hawak ang naka-box ko pang cellphone! May cellphone naman ako pero mumurahin lang ito at ilang taon na rin sa akin. Iniingatan ko lang dahil walang pambili si mama kapag nasira ito. Second hand pa nga ito na binili ni mama sa halagang 1500 sa mga muslim na nagtitinda ng cellphone sa loob ng palengke. Dati pangarap ko lang na magkaroon ng mas maayos na cellphone at mula sa mga kilalang brand katulad ng oppo, vivo, samsung at iba pa. Pero heto at– iPhone Pro Max ang iniregalo sa akin ni gov! Pakiramdam ko, naglahong parang bula ang bigat at kirot sa dibdib ko na kagagawan ni Dexter dahil sa regalo ng papa niya! Bawing-bawi ang pag-iyak ko at pagkadurog ko kanina sa mga regalo ni gov sa akin! “Iingatan kita, pangako,” usal ko na tumulo ang luhang hinagkan ang box ng cellphone ko bago isinilid muli sa shopping bag at lumabas na ng silid. MAGKAKAHARAP kaming apat na nagsalo-salo ng hapunan. Para na nga kaming iisang pamilya kung titignan. Magkatabi si mama at gov. Nag-aasikasuhan pa sila. Si Dexter naman, nasa tabi ko. Tahimik na kumakain at hindi ko mabakasan ng emosyon ang mga mata niya. Sa buong buhay ko, ngayon lang may naging nobyo ang mama ko. Kaya ayoko namang ipagkait sa kanya ang bagay na ito. Ang maging masaya siya sa piling ng lalakeng pinili niya. Sa nakikita ko naman, totoong mahal nila ni gov ang isa't-isa. Ibang-iba ang kinang sa mga mata nila at mga ngiti sa labi sa tuwing nagkakatitigan sila. Kahit narito kami ni Dexter sa harapan nila, hindi sila naiilang na mag-asikasuhan. “Dexter anak, kumain ka pa ha? Marami akong niluto para sa atin,” ani mama na mapansing wala ng laman ang plato ni Dexter. “Opo, Mama. Salamat. Masarap po ang luto niyo kaya mapaparami talaga ako ng kain.” Sagot nito na inabot ang kanin at muling kumuha ng ulam. Napangiti naman si mama. “Ikaw rin, Ara anak, kumain ka pa, hmm?” baling niya sa akin na ikinatango ko. Nangingiti din si gov na napasulyap sa amin ni Dexter. Maliit lang kasi ang mesa namin. Sakto lang para sa aming apat kaya magkakalapit din kami. Puno na nga ang mesa namin dahil nasa tatlong putahe ang niluto ni mama na ulam at may chocolate cake pa kaming binili ni gov sa bayan kanina. Ito ang unang beses na may iba kaming kinasabay na kumain ni mama dito sa bahay. Wala naman kasing nagagawing kamag-anak si mama dito. Nagkakaroon lang ng ibang tao dito kapag narito sila Tina at Jessa o kaya kapag may konting salo-salo kami dahil birthday namin ni mama. Minsan ay tinatanong ko si mama tungkol sa papa ko. Dahil ni minsan, walang dumating dito na nagpakilalang ama ko. Pero palaging sinasabi ni mama, na hindi niya kilala ang nakabuntis sa kanya noon at one night stand lang iyon kaya ako nabuo. Kaya hindi na rin ako nangungulit pa tungkol sa aking ama, na ngayon may kapalit na talaga sa puso ni mama. Hindi tumatanggap ng manliligaw si mama. Nagpupursige siya sa pagkayod para sa aming dalawa at para din sa pag-aaral ko. Naging responsable si mama sa pagpapalaki sa akin at hindi ko naranasang magutom o hindi kumain dahil wala kaming makakain. Kahit solo parent si mama, hindi niya ako pinabayaan. Palagi ‘yan nakagabay sa akin at hindi kami nagtatalong mag-ina. Hindi kasi ito gano'n kaistrikto pero palagi siyang nagpapaalala sa akin. Hindi ko lang basta ina si mama kundi– siya rin ang unang naging best friend ko. Kaya sino ako para humadlang sa kasiyahan niya ngayon? Kahit na ang kapalit nito ay maging kuya ko. . . ang lalakeng matagal ko nang minamahal. Imposible din namang maging kami ni Dexter. Siya na mismo ang nagsabi na hindi niya ako type at hindi ko naman siya masisisi sa bagay na iyon. Tanggapin ko na lang ang masakit na katotohanan na magiging kuya ko na siya at higit sa lahat? Hindi kami para sa isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD