MATAPOS naming kumain, naiwan kami ni Dexter dito sa kusina. Nasa sala ang mga magulang namin at masayang nagkukwentuhan at naglalambingan. Malakas pa rin ang ulan. Mukhang may habagat kaya gan'to ang panahon.
Naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin. Habang si Dexter? Hayon at naka-sitting prince. Nakadekwatro pa ang binti at relax na relax na nagce-cellphone. Ang sabi ni gov, tulungan niya akong magligpit pero heto at kahit iniligpit ang pinagkainan niya o punasan ang mesa, hindi niya ginawa.
“Bilisan mo d'yan, panget. Inaantok na ako,” aniya na ikinalingon ko sa kanya.
“Problema mo? E ‘di umakyat ka na sa taas at matulog,” naiinis kong sagot dito na ngumisi sa akin.
“Kung ikaw, kaya mong matulog na walang ligo? Ako hindi. Ibahin mo ako, okay? Nakalimutan mo yata ang sinabi ni mama kanina, mag-init ka ng tubig na pangligo ko,” aniya na inismiran ko.
“Mama? Hindi mo siya mama. Mama ko lang siya. Ikaw nga e, ayaw mong tawagin kong papa ang papa mo. Ipinagdadamot mo ang papa mo sa akin, kaya dapat ipagdadamot ko rin ang mama ko sa'yo. Ano ‘to, pwede mong maging mama ang mama ko, pero hindi ko pwedeng maging papa ang papa mo? Huh, ang galing mo naman masyado,” inis kong litanya ditong mahinang natawa sabay iling.
Hindi ‘yong tawa na natutuwa kundi– pinagtatawanan niya ako. Na para akong katawa-tawa sa paningin niya. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang sinabi niya kanina sa mga kaklase niya. Kung paano nila ako ginawang katawa-tawa sa usapan nila.
“Let me just remind you, panget. Mas nakakatanda ako sa'yo. Matuto kang gumalang sa mas nakakatanda sa'yo. Kung dati, walang nangdidisiplina sa'yo, ibahin mo ngayon. Susunod ka sa akin, wether you like it or not. At isa pa, si mama ang nagsabi no'n kanina, hindi ako.” Aniya na napaka-bossy ng pagkakasabi at muling bumaling sa cellphone nito.
“Hindi kita gustong maging kuya. Kaya hinding-hindi kita ituturing na kapatid, asa ka,” inis kong ismid na tumalikod na at nagpatuloy sa hugasin.
“You don't want me to become your older brother because you want me. . . to become your boyfriend? But that's impossible, panget.” Aniya na ikinatigil ko at parang pinipiga ang puso ko sa sinaad niya.
Kahit english ang pagkakasabi niya no'n, naintindihan ko pa rin naman at katulad kanina sa locker room, parang winasak ang puso ko sa narinig mula sa kanya. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang patuloy sa ginagawa.
“H-hindi na kita gusto. Binabawi at winakasan ko na iyon,” sagot ko na pilit pinatatag ang boses.
Naramdaman ko itong tumayo. Napalunok ako na nagkarambola ang pagtibok ng puso ko na humakbang siya palapit. Sumandal siya sa gilid ng countertop na napahalukipkip ng braso sa dibdib na nakatitig sa akin. Yumuko ako para ikubli ang luha kong patuloy sa pagtulo.
“Really? Since when, panget?” tila balewalang tanong niya na nakamata sa akin.
“Kanina lang. Tapos na ako sa highschool. Wala na sa akin ang crush crush na ‘yan. Pagpasok ko sa college, marami na akong ibang makikilala at tiyak na burado ka na sa crush list ko. Hindi lang ikaw ang gwapo na makakasalamuha ko. Si Inigo nga e, gwapo rin– at nanliligaw sa akin,” sagot ko na ipinagmalaki sa kanya ang tungkol kay Inigo.
Kita ko sa peripheral vision kong napatuwid siya sa pagkakatayo at naikuyom pa ang kamao. Dama ko ang matiim niyang mga matang nakatutok sa akin pero nagpatuloy ako sa ginagawa na hindi siya nililingon.
“You can't do that, panget. Alam kong. . . ako pa rin ang gusto mo. Imposibleng– magkagusto ka pa sa iba,” aniya na buong-buo ang kumpyansa sa sarili.
“Kaya ko ‘yon. Dahil hindi ka naman. . . karapat dapat mahalin,” sagot ko na tinalikuran na ito at muling pinunasan ang mesa bago nagtungo sa banyo namin.
Mapait akong napangiti na napalapat ng labing napahikbi. Ang sakit niyang magsalita. Dahil lang nalaman niyang gustong-gusto ko siya, ginagamit niya iyon para durugin ako lalo. Kung alam ko lang na sa gan'to mapupunta ang lahat? Hindi ko na siya sinulatan pa. Dahil sa love letter ko, may bala na tuloy siyang ginagamit na laban din mismo sa akin. Ginagawa niyang katawa-tawa ang feelings ko sa kanya.
Nagpahid ako ng luha na naghilamos na muna. Matapos maghilamos, nag-ipon ako ng tubig sa timba mula sa gripo hanggang napuno iyon. Inilagay ko ang heater namin doon at nang maayos na lahat, lumabas na ako. Nandito pa rin naman sa kusina si Dexter. Nakaupo na ulit sa silya.
“Maghintay ka up to twenty minutes. Tanggalin mo na muna ‘yong heater sa saksakan bago mo hawakan ang tubig para hindi ka makuryente. Magpapahinga na ako. Malaki ka na, bahala ka na sa buhay mo,” saad ko na hindi siya nililingon.
Hindi ko na ito hinintay na sumagot. Iniwan ko na siya at lumapit kina mama at gov na napangiting makita ako.
“Mama, Gov, magpapahinga na po ako,” pamamaalam ko.
Ngumiti at tumango naman ang mga ito. “Sige, anak. Magpapahinga na rin kami maya-maya. Hintayin lang namin makaligo si Dexter. Ay, nag-init ka ba ng pangligo ng kuya mo, anak?” ani mama na tinanguhan ko.
“Opo, Mama. Tapos na po.”
“O siya, sige. Magpahinga ka na, anak.” Aniya na ikinangiti kong yumuko muna sa kanila bago umakyat ng hagdanan.
“Honey, alam ba niya?” dinig kong mahinang tanong ni gov kay mama at dama kong nakamata sila sa akin.
“Hindi pa, honey. Ano ka ba, walang alam si Ara tungkol doon,” mahinang sagot din ni mama.
Nangunotnoo ako pero nagpatuloy na ako sa pag-akyat sa hagdanan at umaktong walang narinig. Pagpasok ko ng silid, napasandal ako sa pintuan. Saka ko lang napansin na kay bilis na pala ng t***k ng puso ko! Hindi ko alam kung dahil kay Dexter– o dahil sa narinig ko kanina kay gov at mama.
“Ano kaya iyon? Bakit ang sabi ni mama. . . wala akong alam sa bagay na iyon? May hindi pa ba sinasabi si mama na dapat kong malaman?” usal ko na napapaisip. “Nasabi naman na niya na magpapakasal na sila ni gov next month at lilipat din kami ng matitirahan pagkatapos ng kasal. Nasabi na rin niya na dito muna makikitira si Dexter at dadalo kami bukas sa party nito sa bahay nila sa bayan. Kaya ano pa ang hindi nasasabi ni mama?”
Napailing ako na winaglit sa isipan ang tungkol sa bagay na iyon. Hihintayin ko na lang na si mama ang magsabi no'n sa akin. Hindi naman palalihim ang mama sa akin kaya tiyak kong sasabihin niya rin ang tungkol doon.
Napangiti ako na makita ang mga regalo ni gov sa akin na nasa kama. Nagtungo ako sa kama na inabot muli ang shopping bag na kinasisilidan ng iPhone. Kinikilig akong inilabas din ang iba pang laman ng ibang shopping bag at inilatag sa kama. Kinunan ko na muna ng picture ang mga ito at saka inisend sa group chat naming magkakaibigan.
Kaagad na nag-seen ang dalawa at nag-wow emoji react ang mga ito! Napahagikhik ako na makitang nagtitipa na kaagad sila.
“Wow! Daig mo pa ang nag-validictorian, Ara!”
“Kanino galing, bestie? Kay Dexter ba?”
Napangiwi ako sa tanong ni Jessa. “Hindi noh? Kay gov galing lahat ng mga ito. Regalo niya raw para sa pagtatapos ko. Bumili nga rin ng cake at sunflower bouquet ko e. Kay mama naman ‘yong rose bouquet na dala niya kanina,” reply ko.
"Ang swerte mo naman, bestie!"
"Pasilip naman sa mga laman, bestie, at 'yong iPhone mo, buksan mo na, dali!"
Natawa ako na sa mga chat nila at parang naririnig ko pa ang boses nilang dalawa na napapatili sa saya at kilig!
NANGINGITI ako habang maingat na binubuksan ang brand new iPhone ko. Tumawag pa talaga sa GC namin ang dalawa kaya heto at pinapanood nila akong buksan ito. Napapairit pa sila na bakas na sobrang saya nila para sa akin. Sa aming magkakaibigan kasi, ako ang matatawag na pinakamahirap. Si Tina at Jessa, may mama at papa na nagtataguyod sa pamilya nila. Si Tina, isang pulis na naglilingkod sa bayan ang ama niya. Nasa bahay lang naman ang mama nito. Si Jessa naman, doctor ang mama niya at ang papa niya ay nurse sa hospital sa bayan. Habang ako? Solo parent si mama at tindera sa palengke.
Hindi ko naman ikinahihiya na iyon ang trabaho ni mama. Ipinagmamalaki ko ang ina ko. Mahirap magtaguyod ng anak na mag-isa ka at pinapaaral ito pero– ni minsan, hindi ako ginutom ni mama. Oo, mahirap kaming matatawag pero may masipag at madiskarte akong ina na kahit mapagod sa maghapon kakakayod, gagawin niya pa rin. Kaya sobrang mahal na mahal ko si mama at ipinagmamalaki kong siya ang mama ko. Para sa akin, siya ang dabest mama sa buong mundo– dahil siya ang mama ko.
“Heto na!” impit kong irit na sa wakas ay ma-unboxed ang Iphone!
“Ang ganda, bestie!”
“Ang bongga naman ni gov!”
“Happy for you, Ara!”
“Pasilip kami, bestie, ilapit mo sa camera!”
Naiiling ako sa mga pag-irit ng mga ito na kilig na kilig. Ito ang isang gusto ko sa ugali ni Jessa at Tina. Masayahin sila at totoo ang pinapakitang pagmamahal at suporta sa'yo. Kaming tatlo, kami-kami lang din ang nagchi-cheer sa isa't-isa. Ang nagsusuportahan at masaya sa achievement o natatanggap ng isa sa amin. Kahit matatawag na nasa low class kaming magkakaibigan at hindi popular sa school, hindi rin matatawag na magaganda, at least, mahal namin ang isa't-isa at genuine kami sa aming friendship.
“Ang ganda niya. Nakakatakot gamitin, mga bestie. Ang mahal siguro nito noh?” usal ko na maluha-luhang sinusuri ang bagong cellphone ko.
Napangiti naman ang mga ito. “Oo naman, bestie. Isa pa, mula kay gov ‘yan galing kaya tiyak na brand new ang bibilhin para sa'yo,” ani Tina na nakangiti.
“E ano'ng sinabi ni Dexter sa mga regalo mo mula sa papa niya?” tanong pa ni Jessa.
Napanguso ako. Napailing na mapait na napangiti. “Naalala ko, noong minsang inihatid niya ako sa bahay, tinanong niya ako kung gusto ko bang tawaging papa ang ama niya. Tapos ang sabi ko, kung may karapatan ako e ‘di oo, pero ang sagot niya– ayaw niyang tawagin kong papa ang ama niya.” Pagkukwento ko sa mga itong lumamlam ang mga mata.
Napailing ako na pilit ngumiti. “Malinaw na sa akin ngayon kung bakit siya lumapit noon. Naalala niyo noong araw na iyon na ihatid niya ako at natalo siya sa laro nila sa basketball? ‘Di ba, usap-usapan noon na nagpatalo si Dexter sa laro at bad trip ito. Tingin ko, problemado siya noon at nalaman na niyang. . . girlfriend ng papa niya si mama. Kaya nilapitan niya ako at inihatid sa amin. Kaya panay ang tanong kung nasa bahay na si mama sa tuwing ihahatid niya ako. Wala talaga siyang interes sa akin, mga bestie. Kundi, si mama ang sadya niya kaya siya lumalapit. Umasa kasi kaagad ako e. Alam ko na ngang wala siyang pagtingin sa akin. Sobrang sakit tuloy nang marinig ko kanina sa school natin ang sinabi niyang. . . hindi ako ang type niya.” Pagkukwento ko na mapait na napangiti at nangilid ang luha.
Napahinga sila ng malalim na pilit ngumiti sa akin.
"Pabayaan mo na siya, Ara. Sinira na niya ang mood mo kanina sa graduation day natin. Kaya hwag ka na ulit malungkot ngayon dahil sa kanya. Isipin mo na lang ang positive sides. Tignan mo ang mga regalo ni gov sa'yo, hindi ba, ang gaganda?" pagpapasigla ni Jessa sa akin.
"Oo nga, bestie. Hayaan mo na muna ang Dexter na iyon. Akala mo kung sinong gwapo e," pagsegunda ni Tina na ikinangiti ko.
"Tama kayo. Tuturuan ko na rin ang sarili kong. . . makalimutan siya."