Chapter 12

1909 Words
ARABELLA: MATAPOS kong makakwentuhan ang mga kaibigan ko at mabuksan lahat ng mga regalo ni gov sa akin, itinabi ko na muna ang mga ito. Inilipat ko rin sa bagong cellphone ko ang sim card ko at mga account ko. Maganda pa naman ang lumang cellphone ko pero– mas gusto kong gamitin ang bago ko. Matutulog na sana ako nang may kumatok sa pintuan na ikinalingon ko doon. Nagsalubong ang mga kilay ko na bumangon ng kama at baka si mama ang kumakatok. Malakas pa naman ang ulan sa labas. “Bakit po, Ma–” natigilan ako na makita kung sino ang narito sa tapat ng pintuan. “Ano'ng kailangan mo?” inis kong tanong. Ngumisi naman ito. Napalunok ako na hindi mapigilang mapasuri sa kabuoan niya. Ngayon ko lang kasi nakita itong nakapantulog at aminado akong napakagwapo at hot niya pa rin! Nakasuot siya ng gray pajama at black sando na bumagay sa kanya lalo na't nakabakat ang malapad niyang dibdib sa suot na sando. Napatukod siya ng isang kamay sa pintuan kaya napabalik ang ulirat kong naglalakbay at napatingala sa kanya. Bagong ligo pa siya at namamasa ang buhok. Sumisingaw pa nga ang showergel na gamit niya at aminado akong napakabango niya. “A-ano ba kasi iyon? Matutulog na ako,” tanong ko na hindi nagpahalatang pinupuri ko siya sa isipan. Napalunok ako na bumilis ang pagtibok ng puso ko nang dahan-dahan siyang yumuko hanggang magpantay ang aming mukha. Para tuloy akong kandilang nakasindi na unti-unting natutupok! Pakiramdam ko, matutumba na ako at mauubos ang lakas ng mga tuhod ko! “Nagpapaligaw ka pala do'n sa payatot na transferee,” aniya na mahina lang. Napasinghap ako na maamoy ang mainit at mabango niyang hininga. Amoy ko pa ang toothpaste at mint na ginamit niya at nakakatayo ng mga balahibo na masamyo siya! “A-ano naman ngayon?” sagot ko na pilit pinatapang ang itsura. “Pero baliw na baliw ka naman sa akin, panget.” Aniya na ngumisi. Muli akong napalunok. Napakapit sa laylayan ng blouse ko na pilit pinatatag ang sarili. Naalala ko naman ang sinabi niya kanina sa mga kaklase niya at ang sinabi niya kanina nang kaming dalawa na lang sa kusina. Matapang kong sinalubong ang mga mata nito. Ayokong maging mahina at iiyak ngayon sa harapan niya kahit gusto ko na siyang yakapin! “Hindi na kita crush, Dexter. Oo, gusto kita, gustong-gusto.” Sagot kong lalong ikinangisi nitong matiim na nakatitig sa akin habang magkalapit ang mukha namin. “Pero dati iyon. Hindi ibig sabihin na dahil crush kita sa mahabang panahon, hindi na kita makakalimutan. Minahal lang kita, Dexter, pero hindi ka kawalan sa akin. Walang rason para ipagpatuloy kitang mahalin. Ayoko na sa mga katulad mong arogante, mayabang at walang pakialam sa feelings ng iba. Makasarili ka, dahil gwapo ka, dahil matalino ka, dahil maraming nagkakagusto sa'yo, kaya napakayabang mo. Akala mo ba ay ikaw lang ang pwede kong magustuhan? Tss. Gusto ko na rin– si Inigo. At ikaw? Inaalis na kita sa puso ko. May kapalit ka na dito,” matatag kong sagot na itinuro ang puso ko. Napalunok siya na napalis ang mayabang niyang ngisi. “Hindi mo magagawa iyon, panget. I'm pretty sure. . . you can't forget me,” sagot niya na muling ngumisi. Napalunok ako. “N-nagkakamali ka, Dexter. Kayang-kaya kitang palitan at kalimutan,” matatag kong sagot. “Let's see, panget. Kakainin mo rin. . . ‘yang mga sinasabi mo,” aniya na ikinalunok kong muli. “Anyway, goodnight.” Nanigas ako sa kinatatayuan na bigla na lang lumapat ang kanyang mga labi sa aking mga labi! Namilog ang mga mata ko at hindi makakilos! Damang-dama ko ang paglapat ng mga labi niya sa aking mga labi at ang paghagod no'n na marahang sinipsip pa ang ibabang labi ko! “Oh my God! For real!? Si Dexter– hinahalikan niya ako at sa mga labi pa! Ang ultimate first crush ko ng anim na taon. . . siya rin ang first kiss ko!” impit na sigaw ng isipan ko na namimilog ang mga mata! Pinakawalan niya ang mga labi ko na tumitig sa mga mata kong gulat na gulat sa kanyang ginawa. Mahina pa siyang natawa. “Ano na, panget? Kaya mo pa kaya akong. . . makalimutan?” pang-aasar niya habang nakangisi. Naitulak ko ito sa dibdib. “B-bwisit ka,” tanging sagot ko na nagmamadaling isinarado ang pintuan! Dinig ko pang napahagikhik ito at umalis na rin sa tapat ng pintuan ko. Napalunok ako na napahaplos sa aking ibabang labi. Parang nakalapat pa dito ang malambot niyang mga labi! Naipikit ko ang aking mga mata. Sinasariwa sa isipan kung paano niya ako hinalikan kanina! Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko at alam kong. . . hindi ito isang panaginip! Totoong totoo ang nangyari! Hinalikan ako ni Dexter sa mga labi! PAGULONG-GULONG ako sa kama habang nakabalot sa akin ang makapal na kumot. Ang lamig kasi ng panahon. Mukhang may bagyo nga sa lakas ng ulan e. Hindi ako makatulog dahil sa namagitan sa amin ni Dexter kanina! Pakiramdam ko, unti-unting naglahong parang bula ang sakit na naramdaman ko sa mga nangyari sa amin kanina dahil sa kanyang paghalik sa mga labi ko! Para akong lumulutang sa kaulapan at hindi makatulog na naalala ang paghalik niya sa akin sa aking mga labi! “Nakakainis! Bakit niya ba kasi ginawa iyon?! Bakit niya ako hinalikan? Bakit?” impit kong irit na napapadyak ng mga paa! Kanina ko pa iniisip kung bakit niya ako hinalikan gayong hindi naman niya ako gusto. Ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan ng lalakeng iyon? Imposible namang natakot siya sa sinabi kong kakalimutan ko na siya at si Inigo na ang papalit sa kanya?! “Imposible, Ara. Imposibleng magselos ang isang iyon. Wala naman siyang pagtingin sa'yo at siya mismo ang nagsabing. . . probinsyana ka at hindi ikaw ang type niya,” kastigo ko sa sarili. Pero kahit itinatatak ko iyon sa isipan ko, hindi ko pa rin maitago at hindi ko mapigilang kiligin na maisip na hinalikan niya ako! Naghalikan kami ni Dexter at sa mga labi pa! Ilang beses ko na siyang na-back hug noong inaangkas niya ako sa bigbike niya, at ngayon naman. . . hinalikan niya ako sa mga labi! Pakiramdam ko, kasinghana na ng buhok ni Rapunzel ang buhok ko habang iniisip ang mga nakakakilig naming moment ni Dexter! Hindi ko mapigilang kiligin nang bonggang bongga na naglalaro sa isipan ko ang masuyo niyang halik kanina! “Nakakainis! Anong oras na, Ara! Ang dami mo na namang hinog na pimple nito bukas!” impit kong kastigo sa sarili. Inabot ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. “Oh my God! Alastres na!” tili ko sa isipan! Muli kong ibinalik sa bedside table ang cellphone ko at nagtalukbong ng kumot. Ipinikit ko na ang mga mata ko at pilit winawaglit ang kilig sa puso ko! Gusto ko nang matulog para hindi ako tanghaliing bumangon. Nakakahiya kina gov at Dexter na unang umaga nila dito pero– tanghali na akong babangon! Kinabukasan, nagising ako nang may yumugyog sa balikat ko. Ang hapdi pa ng mga mata kong kulang sa tulog! Naniningkit ang mga mata ko na nagdilat. Mataas na pala ang sikat ng araw. “Ma,” namamaos kong wika na makita si mama sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin. “Bumangon ka na, anak, tanghali na e. Saka, bababa na tayo mamaya sa bayan,” wika nito. Napakusot-kusot ako ng mga mata kong inaantok at nagtanggal ng morning glory sa mata. Masakit ang ulo ko dahil sa puyat. “Hindi ka ba nakatulog nang maayos dahil may mga lalake tayong kasama dito sa bahay kagabi, anak?” tanong ni mama na maalumanay ang boses. Umiling ako na pilit na ngumiti. Sabog-sabog pa ang buhok kong kay kapal. Naupo na rin ako na sumandal sa dingding. “Malakas po kasi ang ulan, Mama. Saka, iniisip ko rin ang mga pagbabago sa buhay natin kapag alam mo na, kasal ka na kay gov.” Sagot ko at hindi ko naman kayang sabihin kay mama na hinalikan ako ni Dexter kagabi sa aking mga labi! Nag-init ang mukha ko na maalala na naman ang tungkol doon! Nakakainis, dahil sa halik na iyon, alastres na ako nakatulog! “Hwag kang mag-alala, anak. Mabait naman ang mag-ama e. Sa una lang talagang maninibago tayo dahil sanay tayo na tayong dalawa lang. Hindi ba, mas maganda na may matatawag ka ng papa at may kuya ka pa, anak.” Wika nito na ngumiting hinaplos ako sa ulo. “Ang kaso po. . . governor po ang magiging papa ko, Mama. Mataas na tao si gov. Hindi ko nga po kayang tawaging papa e. Nahihiya po ako sa kanya. Pakiramdam ko– hindi po ako nararapat na tawagin siyang papa,” mababang saad ko na ikinalamlam ng mga mata nitong niyakap ako. “Hwag mong isipin iyan, anak ko. Mabait si Damian at gusto ka niyang maging anak niya. Tiyak kong hindi ka mahihirapan na tanggapin siyang maging papa mo,” wika ni mama habang yakap-yakap ako. Mapait akong napangiti. “Hindi naman po si gov ang problema, ‘yong anak niyang arogante at masama ugali,” piping usal ko na maalala ang sinabi ni Dexter noon sa akin. . . na ayaw niyang tawagin kong papa ang ama niya. Kumalas na kami na nagkangitian ni mama. "Sige na, anak ko. Bumangon ka na at kumain na tayo." Saad nito. "Si gov po?" tanong ko. "Maaga siyang bumaba kanina ng bayan e. Bukod sa dadaan pa siya sa opisina niya, may salo-salo sa bahay nila mamaya kaya nauna na ito," sagot nitong ikinakunot ng noo ko. "Siya lang po?" tanong ko na sinabayan na itong bumaba ng hagdanan. "Oo, anak. Nand'yan si Dexter. Iniwan nga ni Damian ang kotse niya para iyon ang gamitin natin mamaya na bababa ng bayan," sagot nitong ikinangiwi ko. "Sana sumama na lang siya sa ama niya. Ba't pa siya nagpaiwan? May driver naman sila e," inis kong bulong sa isipan at tiyak na mang-aasar lang naman ang mokong na iyon! Pagkababa namin ng sala, narito nga ang mokong na napalingon sa amin ni mama at matamis pang ngumiti. "What's up, panget? Hindi ko alam na. . . panda ka pala sa umaga," nang-aasar niyang wika na sinamaan ko ng tingin. "Bwisit ka!" sikmat kong ikinamilog ng mga mata ni mama na kinalabit ako! "Anak," mahinang saway nito sa akin. Napahagikhik naman si Dexter na tumayo at lumapit pa talaga sa akin. Nang-aasar ang tingin. Pinaningkitan ko ito na kay aga-aga niyang pinapasakit ang ulo ko! Bwisit talaga siya! Huminto siya sa harapan namin ni mama na may mapaglarong ngiti sa mga labi. "Ngayon lang kita nakitang walang sunglasses, it suits you, panda," aniya pa na ikinaningkit ng mga mata ko! "Ikaw rin naman ang may kasalanan kaya ang laki ng eyebags ko! Demonyo ka!" sikmat ko ditong napahalakhak habang ang mama naman ay namimilog ang mga mata! "Ara? Hindi ka nakatulog dahil kay Dexter? Bakit?" tanong ni mama na ikinapikit ko. Paano ko ba sasabihin ang totoo kay mama? Napangisi ako na may maisip na sagot! Nagdilat ako ng mga mata na ngumisi kay Dexter. "Ang lakas po kasi ng hilik niya, Mama. Dinig na dinig sa silid ko," sagot kong halos ikaluwa ng mga mata ni Dexter! "Hoy! What the heck?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD