ARABELLA:
DALAWANG oras din ang itinagal namin ni Dexter sa bahay nila Tina. Nakakahiya din kasing umalis na kadarating lang namin. Mabuti na lang, naiintindihan nila tita na sumaglit lang ako at nakita naman nilang kasama ko ang anak ng governor namin.
“Dex, thank you ha?” wika ko habang nasa daan kami.
Mabagal lang siyang magpatakbo ng bigbike niya. Nakayakap naman ako sa kanya mula sa likuran at ninanamnam ang sandaling meron kami. Mamaya kasi pagbalik namin ng bahay nila, hindi ko na siya pwedeng yakapin nang gan'to. Tiyak na mapapansin kami nila mama at baka paglayuin pa kaming dalawa.
“Para saan, panget?” tanong nito.
“Ngayong gabi, ang saya ko,” tugon ko na mas niyakap ito.
“Masaya ka ba kasi nakasama mo ang mga kaibigan mo– o masaya ka dahil magkasama tayo? Alin sa dalawa, panget?” tanong nitong ikinalapat ko ng labi na nag-init ang mukha.
“Pwede bang pareho? Kasi totoo naman na masaya akong nakasama ko ang mga kaibigan ko at syempre– bonus pa na kasama kita,” sagot ko.
Napangiti naman ito. Hindi na kasi kami nakasuot ng helmet at mabagal lang naman itong magpatakbo ng motor. Kaya kitang-kita ko ang mukha niya at pagngiti niya.
“A’right. You're welcome, panget. Ang mahalaga naman e. . . masaya ka.” Sagot nitong ikinangiti ko.
“May tanong pa ako,” ungot ko na nakamata dito habang nakapatong ang mukha ko sa balikat niya.
“What is it?” tanong naman nito na sa daan nakamata.
“Tungkol sa mga magulang natin. Nabanggit mo noong nakaraan na ayaw mong tawagin kong papa si gov, ibig bang sabihin, ayaw mo sa amin ni mama? Ayaw mong. . . maging isang pamilya tayo?” lakas loob kong tanong.
Lubos-lubusin ko na. Nasa good mood naman siya at kalmado kausap ngayon. Nakatitig ako sa kanya habang hinihintay itong sumagot.
“It's not like that, panget. Gusto ko si mama. Believe me or not? Mahal ko ‘yon. Noong nalaman ko na magkakabalikan sila ni daddy, sobrang saya ko. Pinupuntahan ko nga siya sa palengke e, pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Pinapanood ko lang siya mula sa malayo,” sagot nitong ikinalunok ko at bakas ang kaseryosohan sa kanyang sinabi.
“Ano'ng ibig mong sabihin na– magkakabalikan sila? Si mama at gov?” pangungumpirmang tanong ko dito.
“Haist. Ba't ba ang slow mo? Who else, ‘di ba? Sila naman ang usapan natin a,” aniya na ikinalunok kong natulala saglit sa nalaman.
“D-dati silang magkarelasyon? Kaya ba hindi na nagpaligaw muli si mama sa iba dahil. . . dahil matagal na palang nasa puso niya si gov,” usal ko.
“Yeah, gano'n na nga. Mukhang. . . marami kang hindi alam a. Ba't hindi ka magtanong kay mama? Kung bakit ang daddy ko ang boyfriend niya at madali lang sa kanilang dalawa na magpakasal? Ang closeness namin ni mama, hindi ka nagtataka?” anito na tila may ibang ibig ipahiwatig.
Napaisip ako. Napansin ko nga na iba ang closeness ni mama at Dexter. Kay bilis nitong natanggap si mama at wala siyang pagtutol na magpapakasal na ang mga magulang namin. Kahit lalake siya, hindi naiilang si mama sa kanya. Magiliw silang mag-usap, magbiruan na parang totoong mag-ina sila.
“Bakit? Dati na ba kayong magkakakilala nila mama?” tanong ko dito na napanguso.
“Parang gano'n na nga,” sagot nito.
Ako naman ang napanguso habang nakamata dito. Hindi kasi nabanggit ni mama ang tungkol doon. Na matagal na niyang personal na kakilala si gov at Dexter. Ang nasabi lang niya, sino ba ang hindi nakakakilala kay gov at sa anak nito.
“Hindi nabanggit ni mama e. Isa pa, hindi ko rin naman naitatanong. Sa nakikita ko naman, masaya si mama kay gov. Isa pa, buong buhay ko, naging responsable si mama sa akin at ako ang top priority niya sa mahabang panahon. Kumakayod siya para maitaguyod ang pang-araw-araw namin at para mapaaral ako. Kahit hindi ako matalino sa klase, kahit wala akong award na natatanggap, hindi nanghihinayang ang mama sa perang ginagamit niya para paaralin ako. Alam mo? Simple lang si mama pero masasabi kong the best siyang ina. Hindi niya ako pinapabayaan kahit mapabayaan na niya ang sarili niya. Kaya mahal na mahal ko ‘yon at susuportahan siya kung saan siya masaya,” wika ko na napangiting naiisip ang ina ko.
“I envy you, panget. Dahil buong buhay mo, nakasama mo si mama. Pero okay na iyon, ang mahalaga naman sa ngayon, magkasama na kami. Kasama ko na si mama.” Saad nitong ikinatitig ko dito.
“Ikaw, nasaan ang totoong mama mo? Hwag kang ma-offend ha? Nagtatanong lang naman ako. Syempre, alam ko naman na walang asawa si gov mula pa noon. Kaya ang tanong, nasaan ang mama mo?” tanong ko na nakamata dito.
Hindi siya sumagot na lumarawan lang ang kakaibang lungkot sa mga mata.
“Hwag mo na lang pala ako sagutin. Ano ba ‘yan. Pasensiya ka na, masyadong personal ang tanong ko.” Pagbawi ko.
Pagdating namin sa bahay, napakalas na ako sa kanya. Marami pa ring tao sa garden at nagkakasiyahan.
“Kasama ko na siya, panget.” Saad nito na inalalayan akong bumaba ng bigbike niya.
“Ha? Sino?” nagtataka kong tanong na napatingala dito.
Mahina itong natawa na pinisil pa ang pisngi ko. “Wala, ang slow mo.” Anito.
Inakbayan niya pa ako na lihim kong ikinangiti. Bumalik kami sa venue at mukhang nasa kalagitnaan pa lang ang party. Marami pa rin ang kumakain at ini-enjoy ang pagpapatawa ng host ng party na nasa stage sa harapan.
Nagtungo kami sa table nila mama. Napangisi pa ako kay Rebecca nang mapadaan kami malapit sa mesa nila at nagtama ang mga mata namin. Kitang nainis ito na naningkit ang mga mata dahil nakaakbay si Dexter sa akin.
“Oh, ang bilis niyo namang bumalik,” ani mama.
Lumapit kami na nagmano sa kanila ni gov. Napangiti naman ang mga ito.
“Nagpaalam po kaagad ako, Mama. Usapan kasi namin ni Dexter na mabilis lang kami doon,” sagot ko na ikinangiti nito.
Naupo kami ni Dexter kaharap sila. Mabuti na lang, naka-solo ang table nila mula sa mga bisita.
“Baka nagugutom kayo ha? Kumain na muna kayo at marami pang pagkain,” wika ni gov.
Napangiwi naman ako. Napilitan nga kaming kumain kanina sa bahay nila Tina dahil nakakahiya namang hindi kami titikim sa mga handa niya, kaya heto at busog na busog pa kami.
“Uhm, hindi na po, gov. Kumain po ulit kami kanina sa bahay ng kaibigan ko e. Busog pa po kami,” sagot ko.
Tumango naman ito na ngumiti. “Siya nga pala, hija, ano'ng kurso ang gusto mo? Mabilis lang ang dalawang buwan na bakasyon niyo at enrollment na naman. Plano ko sana, sa iisang university kayo mag-enrol ni Dexter para may nakaalalay sa'yo sa pagtuntong niyo ng college. Nabanggit ni Laura na hindi mo makakasama sa college ang mga kaibigan mo kaya si Dexter na lang ang kasama mo,” wika ni gov na ikinatigil kong napalingon kay Dexter.
Tahimik naman ito. Inabot niya pa ang orange juice sa harapan at inubos iyon.
“E,” nahihiya akong napakamot sa ulo. “Hindi pa po kasi ako nakakapag desisyon kung ano'ng kurso ang kukunin ko, gov.” Sagot ko.
Natawa pa sila ni mama. “Si Dexter, gusto niyang pasukin ang business e. Gusto ko nga sana sa politics din siya pero– wala daw sa vocabulary niya na maging public servant. E, buhay niya naman ‘yan kaya ayoko siyang pangunahan sa gusto niyang maging balang araw.” Wika pa ni gov na ikinangiti ko at napakasuportado niyang ama sa anak niya, katulad lang din ni mama.
“Mahirap po ang kurso ni Dex, gov. Hindi naman po ako kasing talino nito e.” Tugon ko at hindi ko bet ang business.
Ang polpol ng utak ko para magpatakbo ng negosyo balang araw. Baka imbes na mapalago ko ito, ma-bankrupt pa.
“Matututo ka naman d'yan, hija. Wala namang hindi natututo kapag nagsusumikap na matuto. Isa pa, kasama mo si Dexter kaya nakatitiyak kami ng mama niyo na magagabayan niyo ang isa't-isa. Para na rin hindi kayo mahirapan na magkaiba ang classroom niyo at schedule niyo sa klase,” wika pa ni gov.
“Oo nga naman, anak. Kayang-kaya mo iyon. May kuya ka na genius e. Si Dexter na lang ang personal na mag-tutor sa'yo sa mga lessons niyo na hindi mo maintindihan total naman. . . magkakasama kayo sa iisang boarding house,” wika ni mama na ikinatigil kong napalunok sa kanyang tinuran.
“Po? M-makakasama ko po siya sa boarding, Mama?” pangungumpirmang tanong ko.
“Oo, anak. Para may magbantay sa'yo. Dalaga ka na, Ara, at syempre, hindi kita mababantayan sa boarding mo. Kaya maigi na kasama mo ang kuya mo doon para may nakatingin sa'yo at para na rin walang magtatangkang buntisin ka,” aniya pa na ikinangiwi kong nag-init ang mukha sa tinuran niya.
“Mama naman. Para namang may magkakagusto sa akin para ipabantay mo.” Natatawang saad ko.
“Aba, marami a. Tumingin ka nga sa paligid, pinagtitinginan ka nga ng mga schoolmates niyong boys e. Mabuti na lang at nandito ang kuya mo na nakabakod sa'yo,” ani mama. “Maganda ka, anak. Kaya ingatan mo ang sarili mo, hmm? Ang bata mo pa. Dapat, pag-aaral muna ang atupagin mo. Hindi naman masama na magpaligaw ka e. Pero syempre– may limit ha? Alam mo na, hindi ka pwedeng sumobra sa boundaries niyo dahil kapag nabuntis ka, marami na ang magbabago. Enjoy-in mo na muna ang pagdadalaga mo, anak ko.” Pagpapayo pa nito.
Napangiwi ako na maalala ang namagitan sa amin ni Dexter kanina sa daan. Iyon kaya ang gustong iparating ni mama na dapat hindi ko pa ginagawa? Pero paano naman ako makakaiwas sa gano'ng scenario kung magkasama kami ni Dexter sa university. . . at maging sa boarding house?!
Napalunok ako na hindi nakaimik. Tama ang mama. Bata pa kami at hindi pa kami tapos sa pag-aaral. Kapag nga naman sumubra kami sa boundaries namin. . . posibleng mabuntis ako ni Dexter at ang masaklap-- magiging step siblings na kami!