ARABELLA: LIHIM akong nangingiti habang nakayakap kay Dexter at nakaangkas ako sa kanya. Akala ko ay nagbibiro lang ito pero totoo nga. Sa farm nila kami pupunta. Nakakainis din ang lalakeng ito e. Nagporma pa naman ako at nagpaganda pero sa farm lang pala niya ako dadalhin. Alam kong may farm sila at balita din na may rancho sila doon. May mga tauhan daw silang umaasikaso sa farm at nag-aalaga sa mga baka at kabayo nila doon. Pero hindi pa ako nakakapunta doon. Sa internet ko lang iyon nakita dahil may mga post si Dexter na naroon siya sa farm nila. “Malayo ba iyon? Baka magabihan tayo pagbalik ha?” tanong ko na nakapatong ang mukha sa balikat niya. Wala naman kaming suot na helmet kaya malayo kong napagmamasdan ang gwapo niyang mukha lalo na sa malapitan. Nakaka-insecure talaga an

