ARABELLA: NAPAUNGOL ako na gumulong ng kama at napatili na mahulog ako sa malamig na sahig! Nagising ako na naigala ang paningin at nangunotnoo na makitang magliliwanag pa lang sa labas! Napakapa ako sa sarili at nakadamit naman ako. Dali-dali kong binuksan ang lampshade sa bedside table ko at napasapo sa ulo na makitang. . . wala naman si Dexter dito sa kama! Inabot ko ang bottled water sa mesa at napainom. Tuyot na tuyot ang lalamunan ko na sobrang nauuhaw ako. Halos maubos ko ang isang bottled ng tubig. Naghahabol hininga akong naupo sa gilid ng kama na napapaisip sa mga nagyari kagabi. Malinaw pa sa akin na pinuntahan ako ni mama dito kagabi at nagkausap kami tungkol sa birthday ko next week. Lumabas din ang mommy at tumuloy naman na ako sa kama. Nahiga ako at pinatay ang ilaw na n

