ARABELLA: NATAWA ako na kinalas na ang braso niya at pilit ipinapakitang maayos na ako. Ayokong naaawa siya sa akin. Baka mamaya ay isipin pa niyang nagpapaawa ako sa kanya para hwag niya akong ipagtulakan. “Pasensiya ka na, nagiging dramatic ako. Pero okay lang ako, salamat sa comfort at pakikinig sa drama ko. Nakakatawa noh? Wala naman akong karapatang magreklamo e. Dapat ipagpasalamat ko pa rin sa kanila na nabuo ako. Wala e, ito ang tadhana ko. Gano'n talaga. Hindi naman pare-pareho o pantay-pantay ang lahat ng mga tao dito sa mundo. Kasi kung ginawang fair ng Diyos ang lahat, wala sanang mayaman, walang mahirap. Walang boss, walang tauhan, kasi nga lahat tayo– pare-pareho lang ang stado ng buhay. Ganyan din sa kapalaran nating mga anak. Sadyang may mga isisilang na biological child

