ARABELLA: TINANGHALI ako ng gising dahil madaling araw na ako nakatulog. Hindi rin kasi ako dalawin ng antok kaya isa-isa kong sinilip ang social media account ng mga anak ni Sir Russel. Mabuti na lang, naka-tag ang epbi account nila sa family picture nila sa account ni Sir Russel kaya madali ko silang nahanap at ini-follow silang lima. Lahat sila ay kilala sa internet. May milyon-milyon silang followers at kada post nila, umaabot ng milyon ang reaction. Nahiya naman ang wala pa sa isanglibo kong followers sa epbi. Mga reactor ko rin do’n ay kami-kami lang nila Jessa, Tina at si mama. Kaya minsanan lang akong magpost sa epbi ko dahil wala din namang namamansin sa mga post ko, maliban sa tatlong best friend ko. Si Tina, Jessa at syempre– si mama. “Maaga ka namang natulog a. Why you look

