ARABELLA: TAHIMIK akong nakaupo sa kama habang nakasandal sa headboard. Hindi naman na lumabas pa si Dexter. Nandito lang siya sa tabi ko. Malamlam ang mga matang nakatitig sa akin. “Sumusobra na ba ako na gusto kong makilala ang mga totoong magulang ko, Dex? Hindi ko naman tatalikuran si mama kapag nakilala ko na sila. Uuwi pa rin ako kay mama. Ang gusto ko lang naman, makilala ko rin ang mga magulang ko.” Tanong ko dito makalipas ang ilang minuto naming katahimikan. Napabuntong hininga pa siya ng malalim. “Hindi naman kalabisan iyon, panget. Naiintindihan ko ang punto mo. Bilang anak na nawalay sa aking ina, alam ko ang kagustuhan mo at kasabikan sa puso mo na makilala ang magulang mo,” sagot nito. Napatitig ako sa kanya. “Pero bakit hindi ako maintindihan ni mama?” Napailing ito

