ARABELLA: “RUSSEL SMITH,” ulit kong sambit na parang may mainit na palad ang humahaplos sa puso ko. “Oo, anak, siya ang ama mo. Gusto kang makilala ng ama mo, anak. Kaya sumama ka na sa akin. Sumama ka na kay mama, anak,” aniya na nakikiusap. “Excuse me, ma'am, you're manipulating her and using her weakness for your own sake. Hindi mo pa rin makukuha si Ara sa amin,” wika ni Dexter na marahang pinisil ang braso kong hawak nito at natutulala ako. Para akong nahihipnotismo at muntik ng pumayag sa sinaad nito sa akin at sumama sa kanya. Nag-iba ang anyo niya na bumaling kay Dexter. Ang maamo niyang itsura kanina, biglang naging matapang na parang lobong manglalapa. “And who do you think you are to interrupt our conversation, hmm?” paninita nito kay Dexter. “Who am I? I am–” Napalin

