ARABELLA:
LUMIPAS ang maghapon na dalawa lang kami ni Dexter sa bahay. Hindi tuloy namin maiwasang matukso at maghalikan lalo na't nakadikit ito sa akin.
“Wear my jacket, panget.” Aniya na ipinasuot sa akin ang leather jacket niya.
“Hindi ako sanay nagja-jacket. Ang init-init kaya,” reklamo ko.
“Just wear it. Hindi mo ba alam na maraming nangangarap maisuot ang jacket ko, hmm?” aniya na ikinabusangot ko at tama naman siya.
Tumawag kasi si mama. Pinapababa kami ng bayan ni Dexter at sa bahay daw nila Dexter kami maghahapunan ngayon. Mabuti na lang, maagang tumawag si mama kaya hindi pa ako nakapagluto ng hapunan.
As usual, pinagtitinginan at bulungan na naman kami ng mga kapitbahay. Kalat na nga dito sa barangay ang tungkol sa akin at ang relasyon namin kina gov. Mabilis kasing kumalat ang sagutan ni mama at ni Madame Vina kahapon dito sa harapan ng bahay. Masyadong malakas ang boses nila nang nagsasagutan sila kaya narinig ng mga chismosa naming kapitbahay.
“Don't mind them. Tara na, panget.” Wika ni Dexter na mapansin akong napapalingon sa mga kapitbahay naming nakatutok ang paningin sa amin ni Dexter.
Sumampa na ako sa bigbike nito. Kaagad din naman nitong pinagarurot ang motor paalis. Mabuti na lang at mabilis akong nasanay na mag-balance ng sarili kapag umaangkas ako sa kanya. Kaya sa tuwing narito kami sa kabahayan sa barangay namin, hindi ako nakayakap kay Dexter. Nakakapit lang ako sa damit nito at pinagtitinginan kami ng mga tao.
Magdidilim na rin at nagsimulang bumukas ang mga streetlight sa daan. Sa buong daan papasok ng barangay namin, may mga solar streetlight kami na nagmula sa government. Project ito ni gov. Hindi lang naman dito sa barangay namin. Kundi sa buong probinsya namin. Wala siyang pinipiling bayan na ipa-improved. Kaya naman mahal na mahal siya ng mga tao.
“Ikinakahiya mo ba ako, panget?” tanong nito na bahagyang binagalan ang patakbo.
Yumakap na ako sa kanya dahil wala naman ng kabahayan na madadaanan naming malapit sa kalsada.
“Bakit naman kita ikakahiya?” balik tanong ko na ipinatong ang mukha sa balikat niya at pinagmamasdan siya.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ito. Kahit naka-side view kasi siya, napakagwapo niya pa rin at kitang-kita kung gaano kaganda ng matangos niyang ilong.
“Kasi naman hindi mo ako niyayakap kapag nandoon tayo,” sagot nito.
“Sira ka ba? E ‘di pinagchismisan na tayo ng mga tao doon kapag yakap-yakap kita na magkaangkas tayo,” sagot ko na mas niyakap itong napalapat ng labi at nagpipigil mapangiti.
“Ano ngayon? We're not blood related naman a. Bawal na ba? Pareho naman tayong single at isa pa, nakasakay tayo sa motor,” wika nito.
“Ayoko pa rin. Syempre, ano na lang ang sasabihin nila sa atin kapag ikinasal na sina mama at gov, ‘di ba? Alam mo, ang mga chismosa, kahit buong buhay ka pa naging mabuting tao, kapag nagkamali ka kahit isang beses lang? Paulit-ulit nilang ibabato sa'yo iyon. Kahit lumipas ang taon? Hindi nila ma-appreciate ang mga kabutihan mo sa kapwa. Mas tatatak sa mga tao iyong pagkakamali mo. Dahil ang mga ‘yan, mas tinitignan nila ‘yong mali mo at bulag sila sa mga kabutihan mo.” Sagot ko na ipinapaliwanag sa kanya ang ugali ng mga kapitbahay naming chismosa.
“Ang mga gano'ng tao, malaki ang inggit sa taong sinisira nila. Kasi kung hindi nila kayang tapatan o higitan ka, mas gugustuhin na nilang masira ka. Do you know that thing called-- crab mentality?” anito na ikinatango ko.
“Oo naman. Gano'n ang mga kapitbahay naman e. Mga utak talangka. Ayaw nila na mas aangat ka kaysa sa kanila kaya hihilain ka nila pababa. Tipong, masakit sa mata nila kapag makitang umaasenso ang kapitbahay nila at pipintasan ito,” sagot ko.
Napailing naman ito. “Kaya mas mainam na lumipat na lang kayo ni mama sa bahay. Magiging bahay din naman natin iyon, panget. Sa bayan, hindi ganyan ang mga kapitbahay natin.” Wika nito na ikinangiti ko.
“Syempre, malaki ang respeto ng buong bayan sa inyo ni gov. Kaya hindi mo pa naranasan na batuhin kayo o hanapan kayo ng mali at iyon ang gagamitin sa inyo,” sagot ko.
"Maybe, or maybe. . . it depends on your neighborhood's behavior." Tugon naman nito.
PAGDATING namin sa bayan, tumuloy na kami sa bahay nila. Umayos na rin ako sa pagkakaupo at bumitaw na sa mahigpit na pagkakayakap sa kanya.
Kaagad naman kaming pinagbuksan ng gate ng mga guard nila at magalang pa kaming binati na binati pabalik ni Dexter. Lihim akong napangiti na pinapansin niya rin ang mga nagtatrabaho sa kanila at magalang din naman siyang makipag-usap.
Mukhang sa akin lang talaga pinakamasungit ang mokong– noon. Mabuti na lang, umaamo na siya sa akin ngayon. Pagkahinto niya sa bigbike niya, bumaba na ako. Inalalayan niya pa ako at masyadong mataas ang motor niya kumpara sa akin.
“Nasa loob na ba sila mama?” tanong ko dito na bumaba na rin sa motor.
“Wala pa yata. Wala pa ang kotse ni daddy dito e. Let's go inside, panget.” Anito na inakbayan ako.
Napangiti ako na sumama ditong pumasok ng kanilang bahay. Kahit ito ang pangalawang beses na pumasok ako sa kanilang bahay, hindi ko pa rin maiwasang mamangha kung gaano kaganda at kagara ng bahay nila.
“Magandang gabi, Dex, Ara, gusto niyo ba ng meryenda, mga anak?” magalang pagbati sa amin ng mayordoma nilang may katandaan na.
Ngumiti kami ni Dexter at magkasunod na nagmano sa kanya. Hinaplos niya pa kami sa ulo na may matamis na ngiti sa mga labi.
“Iced tea na lang po, Nanay. Parating na din sila mama, baka hindi po kami makakain ng hapunan ni panget,” sagot ni Dexter.
Napangiwi kami ni Nanay Minchin sa itinawag nito sa akin.
“Ikaw naman. Hwag mo naman siyang tawaging panget, anak. Aba, napakagandang bata kaya ni Ara. Kung hindi nga lang ikakasal ang mga magulang niyo e– mapagkakamalhan naming magkasintahan kayo at bagay na bagay kayo sa isa't-isa,” wika ni nanay na lihim kong ikinangiti.
Napalapat ako ng labi na napaipit ng buhok sa likod ng aking tainga. Natawa naman si Dexter na napakamot sa ulo.
“Panget po kasi siya sa paningin ko, Nanay. Saka– bagay po sa kanya ang panget na nickname,” sagot pa nito na pinaningkitan ko.
Naiiling namang nagpaalam si nanay sa amin at kumuha ng juice. Naupo kami ni Dexter na magkatabi.
“What?” painosenteng tanong nito na pinaniningkitan ko pa rin siya.
“Panget ako ha?” nakataas kilay kong tanong ditong ngumisi.
“Totoo naman a. Tumingin ka kaya sa salamin, hmm?” sagot nito.
“May itsura ako, Dexter. Hindi naman ako matatawag na pangit a.” Sagot ko ditong napahagikhik.
“E sa pangit ka sa paningin ko e.”
“At sino ang maganda sa paningin mo, hmm? Si Becca?” nakataas kilay kong tanong na mataray ang tono.
Ngumisi naman siya. “Sinabi ko bang maganda siya?” balik tanong naman nito na ikinanguso ko.
"Hindi." Sagot ko.
"Talagang hindi."
Lihim akong napangiti sa kanyang tinuran. Lumapit na rin si nanay na may dalang iced tea para sa amin. Napangiti ako na inabot ang iced tea ko nang iabot niya iyon sa akin.
"Salamat po, Nanay."
"Walang anuman, anak." Nakangiti niyang tugon.
"May gusto ba kayong dessert, mga anak? Para maihanda namin habang nasa daan pa ang mga magulang niyo," tanong pa nito na iniabot ang iced tea kay Dexter.
"Ikaw, panget? May gusto ka?" baling naman nito sa akin kaya nilingon ako ni nanay na nagtatanong ang mga mata.
Napakamot ako sa ulo. "Uhm, wala naman, Nanay. Hindi ho kami mahilig kumain ng dessert sa bahay e." Sagot ko.
Tumango-tango naman ito. "May ginawa kaming leche flan at mango graham. Kung okay na sa inyo iyon, babalik na ako sa kusina." Wika ni nanay.
Ngumiti at tango kami ni Dexter dito. "Sige po, Nay." Tugon ni Dexter.
Iniwan kami ni nanay at bumalik na siya sa kusina. Inubos ko naman ang iced tea ko at masarap ang pagkakatimpla nila.
"Bitawan niyo ako! Alam kong nasa loob ang anak ko! Arabella!? Nandito ako!"
Napatayo kami ni Dexter na marinig na may nagwawala sa labas.
"Ano 'yon? Parang may tumawag sa pangalan ko?" wika ko na humakbang.
Sumunod naman sa akin si Dexter at dinig namin na nagsasalita ang mga guard at ang babae. Paglabas namin ng bahay, napalingon sila sa amin. Nakasarado ang gate at may babae silang pilit na hinaharang pero nagpupumilit na pumasok.
"Arabella! Mabuti naman at lumabas ka, anak!" pagtawag niya sa akin na makita ako.
Naipilig ko ang ulo. Lumapit kami ni Dexter dito na nasa labas ng gate at nagpupumilit pumasok, pero hinaharang ito ng mga guard.
"Anak? Ako po?" tanong ko na naituro ang sarili.
Napalunok ito na napatitig sa akin at lumamlam ang mga mata.
"Sino pa ba? Ikaw lang naman ang anak ko dito, Arabella. Ang dahilan kaya nandidito ako sa probinsya na ito," aniya na mas kalmado na.
Napatitig ako sa kanya. Katulad kahapon, ang supistikada nitong tignan sa suot niya. Mapait akong napangiti na napailing.
"Hindi po kita mama. May mama na po ako. Iyong babaeng nag-alaga sa akin at bumuhay sa akin, iyon ang mama ko. Makakaalis ka na," sagot ko dito na napailing.
"Hindi ka manlang ba natutuwa na makita ako, anak? Hindi ka manlang ba intresadong makilala ang mommy mo? Ayaw mo bang. . . dalhin kita sa daddy mo, anak?" aniya na ikinatigil kong napalunok sa kanyang tinuran!
Napahawak naman si Dexter sa braso ko na natigilan ako at nangilid ang luha.
"Panget, let's go." Bulong nito.
Akmang tatalikod na kami nang muli itong magsalita.
"Isang tanyag na bilyonaryo ang ama mo, Arabella. Nabanggit na kita sa kanya. . . at gusto ka niyang makilala. Gusto ka niyang kilalanin. Gusto niyang. . . ibigay ang apelyedo niya sa'yo. Naiintindihan ko na galit ka sa akin pero-- bigyan mo naman ng pagkakataon na makilala ka ng daddy mo oh?" aniya na ikinatigil namin ni Dexter.
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Namigat ang dibdib ko sa kanyang tinuran. Parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko na pumihit paharap sa kanya. Nagsalubong ang mga mata namin.
"Sino? Sino ang daddy ko?" tanong ko na nanginginig ang boses ko.
Ngumiti siya na iniabot ang isang larawan sa aking kinuha ko. Nangangatal ang kamay ko at parang sasabog ang puso ko sa mga sandaling ito. Napatitig ako sa larawan ng lalake na solo at nakangiti. Naka-formal attire ito na nakangiti. Napakagwapo niya at kahit may edad na, makisig pa rin ang pangangatawan!
"D-daddy ko. . . siya ang daddy ko," usal ko na sunod-sunod tumulo ang butil-butil kong luha.
"Tama, anak. Siya ang daddy mo, at hinihintay ka niya sa Manila, anak ko." Sagot ng babae sa akin na ikinalingon ko sa kanya.
"A-ano'ng pangalan niya?" tanong ko dito na ngumiti.
"Russel. Siya si Russel-- Smith."