ARABELLA: MAG-ISA akong nagkulong sa bahay. Bumaba naman si mama ng bayan kasi may kailangan silang asikasuhin ni gov para sa kanilang nalalapit na pagpapakasal. Inihatid siya ni Dexter dahil ayaw ni gov na mag-commute si mama. Tricycle ang masasakyan dito pababa ng bayan. Iyon kasi ang byahe dito sa amin. Pero kung may sarili ka namang sasakyan ay mas maganda. Sementado ang daan sa amin kaya kahit nasa liblib pa ang bahay mo, maaabot ng tricycle. Dahil iyon sa maayos na pamumuno ng mga nasa gobyerno dito sa amin at isa na nga doon– si Governor Damian Wayne. “Sino kaya ang papa ko? Buhay pa kaya siya? Siguro naman. . . alam ng totoong ina ko kung sino ang papa ko,” usal ko na napapaisip sa buhay ko. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit hindi masagot-sagot ni mama ang katanungan ko.

