ARABELLA:
HINDI ko rin alam kung bakit ako sumunod kay Dexter. Nagtungo kami sa likod ng bahay nila kung saan naroon ang swimming pool. May mga lounge chair naman dito na siyang inupuan namin. Nakabukas din ang ilang ilaw kaya malinawanag. Mabuti na lang, walang ibang tao dito.
“Dessert lang ang mga ‘to. I'll just get some rice and drinks,” aniya. “Stay here, panget.”
“Sigurado kang babalik ka? Kasi kung hindi na, kakain na ako.” Sagot ko ditong ngumisi.
“I will. Just behave.” Aniya na tumayo na.
Hindi na ako sumagot. Inabot ko ang tinidor at napatikim sa cake. Bumalik naman si Dexter ng venue para kumuha ng ibang pagkain at maiinom. Sa isip ko, hindi na siya babalik. Na dinala niya lang ako dito para hindi magulo ang table nila kaya nagsimula na akong kumain. Isa pa, gutom na ako. Bahala siya kung babalikan niya ako dito o hindi. Basta ako, kakain.
Napasarap ang kain ko at hindi napansin ang pagbalik nito. Mahina siyang natawa na makitang nakalahati ko ang dala nito kaninang dessert. May dala siyang isang bottled water at dalawang plato ng kanin na may iba’t-ibang putahe ng ulam.
“Sabing hintayin ako e,” naiiling wika nito na ibinaba sa upuan ang dala.
Wala kasing mesa dito. Nasa gitna tuloy namin ang mga pagkain. Napansin ko naman na isa lang ang dala niyang tubig.
“Bakit isa lang ‘yan? Hindi mo ako paiinumin, hmm? Gusto mo yata akong mabulunan a. Kita mong wala tayong sabaw dito e,” paninita ko.
“C'mon, panget. That's one liter, okay? Share na tayo, kasya naman sa atin. Isa pa, dalawa lang po ang kamay ko,” aniya na nagsimulang kumain.
Napalapat ako ng labi. Tama nga naman siya. Akala ko kasi ay kanya lang ang tubig. Malay ko bang okay lang sa kanya na mag-share kami sa isang bottle.
“Have you called your friend?” tanong nito habang kumakain kami na magkaharap.
“Hmm? Sinong friend?” tanong ko na nginunguya ang nasa bibig.
“Your friend,” sagot nito na bahagyang nagsalubong ang mga kilay.
“Ah, si Tina,” aniko na maalala ito. “Hindi pa e. Saka, abala na iyon sa bahay nila. Baka hindi rin masagot ang tawag ko,” sagot ko.
“Malapit lang ba ang bahay nila dito?” tanong pa nito na ikinatango ko.
“Oo, d'yan lang sa kabilang barangay sila, bakit?” sagot ko na nakamata dito.
“Gusto mong sumaglit?”
“Ha?”
Inabot nito ang tubig na binuksan ang takip no'n bago uminom. Nakatitig naman ako dito na pinoproseso sa isipan ang sinaad niya.
“Naiintindihan ko naman that she is important to you. Of course, she's your best friend. Ayoko lang na dahil sa akin, hindi mo ma-enjoy ang gabi. If you want, pwede tayong sumaglit doon kahit isang oras lang. Pero babalik tayo dito dahil hahanapin tayo mamaya,” wika nitong ikinatigil ko na napatitig dito kung seryoso ba siya.
“May sapi ka ba?” tanong ko.
Napasalat ako sa noo at leeg nito pero hindi naman siya mainit. Nagsalubong pa ang kanyang mga kilay na nakamata sa aking kinapa maski ang tainga niya kung malambot ba ang mga iyon.
“What are you doing?” aniya na ikinangiwi ko.
“Wala ka namang lagnat. Hindi ka rin nausog. May sumapi yata sa'yong mabait na kaluluwa e. Bumabait ka,” wika ko ditong napapikit na nagpipigil mapangiti.
“What the fvck, panget? I'm trying to be kind to you pero nakakainis ka,” aniya na ikinahagikhik ko.
“Seryoso ka d'yan ha? Hindi ko tatanggihan iyan,” nagdududa kong tanong dito na napailing at nagpatuloy na sa pagkain.
“May isang salita ako, panget. Kapag sinabi ko, gagawin ko talaga.” Aniya na ikinangiti ko.
“Sige, salamat, kahit sasaglit lang tayo, ang mahalaga ay nakita nila ako.” Masigla kong sagot dito na tumango.
“Baka naman. . . hindi na kita maiuwi mamaya ha? Malinaw naman siguro sa'yo na hindi tayo magtatagal doon dahil hahanapin tayo dito. Nakita mo namang may mga bisita ang daddy, ‘di ba?” aniya na nagpapaalala.
“Opo, isang oras, malinaw na malinaw.” Sagot ko na nagtaas baba ng kilay ditong nagpipigil mapangiti na nagpatuloy sa pagkain.
AKALA ko ay nagbibiro si lang si Dexter na sasaglit kami sa bahay nila Tina pero– seryoso nga siya. Matapos naming kumain, magkatulong naming nilinisan ang pinagkainan namin. Nagpahinaga na muna kami ng ilang minuto bago lumabas ng pool area.
“Mauna ka na sa garahe, magpaalam lang ako kay mama.” Anito na ikinatango ko.
Naghiwalay kaming dalawa. Pumasok siya sa garden habang ako, tumuloy ako sa garahe nila. Halos mapuno ang malawak nilang garahe sa dami ng mga sasakyan na nakaparada dito mula sa mga bisita. Nagtungo ako sa may fountain para mabilis lang akong makita ni Dexter mamaya.
“Tama nga si mama, mabait siya.” Usal ko sa isipan na napahinga ng malalim.
“Let's go?”
“Ayt, let's go!”
Napatili ako sa gulat na magsalita ito sa likuran ko! Natawa naman ito na nakurot ko na hindi ko namalayan.
“Ba't ka ba nanggugulat?” asik ko dito na tatawa-tawa.
“Malay ko bang may iniisip ka,” sagot naman nito.
Lihim akong napangiti na ang bigbike niya ang nilapitan namin. Naghubad pa siya ng kanyang coat na iniabot sa akin. Nangunotnoo naman ako. Sobrang gwapo niya sa tuxedo niyang blue na may white long sleeve sa loob. Pero dahil hinubad niya ang coat niya, nakabakat na ang maganda niyang katawan sa suot na white long sleeve.
“Isuot mo, panget, malamig.” Anito.
Napalapat ako ng labi na inabot ang coat niya at isinuot. Inayos naman nitong tinupi ang manggas ng kanyang long sleeve hanggang siko bago sumampa sa bigbike nito. Iniabot niya sa akin ang helmet na kinuha ko at ikinabit sa ulo ko. Nagsuot din ito ng helmet niya at inalalayan pa akong umakyat. Patagilid pa tuloy ang pwesto ko dahil naka-dress ako.
“Kumapit kang mahigpit, panget.” Aniya na nahihiya akong iniyapos ang isang braso sa tyan niya.
Kinuha nito ang isa pang kamay ko na siya na ang nagdala sa kanyang tyan kaya yakap na yakap ko siya at sobrang dikit na dikit ang dibdib ko sa likod niya.
“Kumapit ka,” aniya na pinaandar na ang bigbike nito palabas ng gate.
Habang nasa daan, napangiti ako. Kahit sinusuway at kinakastiguhan ko ang sarili, hindi ko naman mapigilan ang puso kong kiligin sa mga sandaling ito. Suot ko ang mamahaling coat ni Dexter at higit sa lahat? Heto at yakap-yakap ko siya.
Papasok na kami sa barangay nila Tina nang ihinto nito ang motor dito sa gilid ng daan. Wala pa namang ilaw dito at wala ding kabahayan sa malapit kaya nakakakaba.
“T-teka, bakit ka huminto?” tanong ko.
“Baba ka muna, panget,” aniya na paanas ang pagkakasabi.
“H-hoy, ayoko. Hwag mong sabihing paglakarin mo ako!” sikmat ko na mas niyakap ito sa takot ko!
Ayoko ngang bumaba. Ano'ng malay ko kung ano ang nasa isipan nito. Baka mamaya ay dito niya lang ako ihahatid at biglang paharurutin ang motor niya. Hindi ko na siya mahahabol no'n!
“Fvck!” aniya na napamura. “I-iihi lang ako, okay? Kahit kunin mo pa ang susi,” aniya.
Hinugot nga niya ang susi na ibinigay sa akin. Kahit paano, naibsan ang kaba ko. Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at bumaba ng bigbike niya. Ini-stand naman niya ang motor bago bumaba at nagtungo nga sa gilid.
Napatalikod ako sa gawi nito na hindi nga siya nagbibiro. Napalapat ako ng labi. Nag-iinit ang mukha na naiisip na umiihi ang crush ko, malapit lang sa akin! Nakakakilig din pala na makasama mo ang taong gustong-gusto mo sa mga gan'tong pagkakataon. Ngayong solo ko siya, pakiramdam ko– abot kamay ko siya.
“What are you thinking, hmm? Kanina mo pa ako ginigigil, panget,” pabulong anas nito na yumapos sa baywang ko!
Napalunok ako na natigilan at namigat ang dibdib! Bumilis ang t***k ng puso ko at parang matutumba na napasandal ditong niyakap ako mula sa likuran ko!
“A-ano'ng ginagawa mo?” nauutal kong tanong na hindi ko maintindihan ang kakaibang init na bigla kong naramdaman!
"Shh, let's stay like this for a while, panget." Bulong niya. "At least dito, walang makakakilala sa atin kung may dadaan man," aniya pa.
Kumalas ito na pinihit niya ako paharap sa kanya. Para naman akong de battery na napapasunod sa kanya. Maingat niyang inalis ang helmet ko bago ang helmet niya. Kahit walang ilaw dito sa kinaroroonan namin, naaaninag pa rin naman namin ang isa't-isa.
Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito. Alam kong may mamamagitan sa amin pero-- wala akong pagtutol na nadarama!
"Come here, panget." Pabulong wika niya.
Nagpatianod ako na inakay niya ako sa katabing waitingshed dito sa gilid ng daan. Ibinaba niya sa upuan ang helmet namin. Nauna siyang naupo saka ako maingat na hinila na pinaupo sa kanyang lap!
Napalunok ako na napasinghap na yumapos sa baywang ko ang mga braso niya habang nakaharap kaming dalawa sa isa't-isa. Tumatama pa sa mukha ko ang mainit at mabango niyang hininga na lalong ikinatutupok ng katinuan sa utak ko!
"D-dex," hindi ko mapigilang masambit nang dahan-dahan nitong ilapit ang kanyang mukha!
“Ayaw mo ba?” pabulong niyang tanong.
Parang may sariling pag-iisip ang kamay ko. Yumapos ang mga iyon sa kanyang batok at naipikit ang mga matang. . . hinila ito kaya tuluyang naglapat ang aming mga labi!
Para akong mabibingi sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko! Hindi ako makakilos sa kinauupuan at hindi ko rin naman siya maitulak! Nang niyakap niya ako na nagsimulang humagod ang kanyang mga labi ay hindi ko na napigilang napaungol na niyakap din ito!
“Uhmm! Uhmm!”
“Fvck, uhmm!”
Sabay kaming napaungol na nasasabayan ko na rin ang paghagod ng kanyang mga labi! Naglilikha na din ng tunog ang aming halikan at salitang sinisipsip ang labi ng isa't-isa. Unti-unti, naging komportable ako at nasasabayan na ito. Malalim kaming naghahalikan habang magkayakap. Ramdam ko rin ang kamay niyang nagsimulang humaplos sa aking hita at marahang pinipisil-pisil iyon pero hindi ko ito sinusuway!
Alam kong mali. Mali naman talaga na maghalikan kami, ‘di ba? Bukod sa wala naman kaming relasyon ni Dexter, malapit na kaming maging step siblings. Pero kahit ipinagsisiksikan ko iyon sa isipan ko, hindi ko kayang gawin ang tama. Hindi ko mapigilang tugunin ang halik niya. Dahil gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya.
"D-dex," hinihingal kong anas na sa wakas ay pinakawalan na niya ang mga labi ko!
Naghahabol hininga akong napatingala nang sumubsob siya sa leeg ko at nagsimulang halikan ako doon. Hindi ko namalayang naibaba na pala niya ang zipper ng dress ko sa aking likuran, kaya ngayon ay nakalantad na ang aking hinaharap sa kanya!