Chapter 15

1846 Words
PAGPASOK namin sa garden kung saan ang venue, narito na ang karamihan sa mga bisita. Marami ding waiter ang nagkalat na abala sa paghahandong ng mga inumin sa mga bisita. Neon light ang ilaw dito kaya nahihilo ang mga mata ko lalo na't contact lens ang gamit ko at hindi ang reading glasses. Ang ingay ng mga classmates ni Dexter na nasa iisang table. Nakahiwalay kasi ang table ng mga classmates nito at sa iba pang bisita. Pinagdikit-dikit na nga ang ilang mesa para magkasya lahat ng mga classmates niya at nasa mahigit twenty din sila sa section A. “Nasaan kaya siya?” usal ko na hindi mahanap si Dexter sa mga narito. Lahat ay naka-formal. Ang mga babae ay nakasuot ng mga eleganteng dress at naka-makeup din. Mabuti na lang, pinaayusan din kami ni gov at ibinili ng maisusuot kaya hindi kami out of place ni mama sa party ni Dexter. “Gov, picture po,” pagtawag ng photographer na nirentahan nila. Ngumiti si gov na tumuwid sa pagkakatayo habang nakapwesto kami ni mama sa magkabilaang gilid niya. Ilang pictures din ang kinuha nito bago kami iwanan at kunan ang ibang bisita. “Uhm, honey, let's go to our table,” wika ni gov. Bumitaw ako na ikinalingon nila sa akin. Nagtatanong ang kanilang mga mata. Alanganin akong ngumiti. “Ah, t-tawagan ko lang po ‘yong kaibigan ko, gov, Ma, susunod na lang po ako,” saad ko. “A’right, hintayin ka namin sa mesa nating pamilya, hija.” Ani gov na tinanguhan ko. Yumapos siya sa baywang ni mama at inakay na ito. Pinagtitinginan na tuloy sila ng mga tao at nagbubulungan. Pero walang kahiya-hiya na ipinakita ni gov sa lahat kung gaano niya kamahal si mama. Napangiti ako habang nakasunod ng tingin sa kanila. Inalalayan pa nito si mama na maupo sa silya at umupo sa tabi ni mama. Kahit marami ang nakatingin, hindi nag-aalangan si gov na asikasuhin si mama at lambingin ito. Kitang-kita kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. “Hi, kanina pa kita tinitignan e. Sa section A ka rin ba, Ms?” ani ng binatang ikinalingon ko dito. Napakalapad ng kanyang ngiti na nakatitig sa akin. Namumukhaan ko siya. Siya lang naman ang salutatorian sa batch namin. Anak siya ni mayor at ang alam ko, hindi naman sila magkaibigan ni Dexter. “Uhm, hindi, hindi ako taga section A,” sagot ko na ikinapilig niya ng ulo. “Talaga? Kung gano'n, hindi ka namin schoolmates?” tanong niya pa nagniningning ang mga matang nakatitig sa akin. Naglahad siya ng kamay na nakangiti pa rin. “Aldrin nga pala, ikaw, ano ang pangalan mo?” aniya. Akmang aabutin ko ang kamay nito nang may yumapos bigla sa baywang kong ikinasinghap ko! Bumilis ang t***k ng puso ko na napatingala dito at halos lumuwa ang mga mata na makilala siya! Nagkatitigan sila ni Aldrin. Napalis din ang ngiti ni Aldrin na magkatitigan sila. “Wayne, ikaw pala. Kilala mo ba siya?” wika ni Aldrin kahit kitang may something sa titigan nila na tila magkatunggali sila. “Ano namang pakialam mo? Hwag mo ngang pinapakialaman. . . ang mga pag-aari ko,” madiin at masungit na wika ni Dexter ditong napalunok. “Let's go, panget. Hwag ka nga kung kani-kanino nakikipag-usap. Ikulong kita sa silid e,” anito na inakay na ako. Para akong paslit na napasunod ditong hinila na ako patungo sa mesa nila ng mga ka-batch niya. Kitang natigilan pa ang mga ito. Nagulat at namamangha ang mga ito na mapatitig sa akin at sa nakikita ko, hindi nila ako namumukhaan. Narito na din si Rebecca at dalawang mga kaibigan niya. Sila lang ang hindi maipinta ang mukha at nagbubulungan. Naupo kami ni Dexter na magkatabi. “Ano ba? Ayoko dito,” madiing bulong ko na pilit binabawi ang kamay kong hawak niya na nasa ilalim ng mesa. “Woah, who is she, dude?” “Girlfriend mo, dude?” “Saang school siya nanggaling?” Sunod-sunod na ang tanong ng mga kaklase nitong lalake na nakamata sa aming dalawa. Inirapan ko si Dexter na umayos ng pagkakaupo at humarap sa mga classmates nitong natutulala sa akin. Kung ang mga lalake ay namamangha sa akin, kabaliktaran naman kina Rebecca at dalawang kaibigan nito. Masama ang tingin nila sa akin na tila pinapatay na ako sa isipan nila. Hindi ko alam pero– nakaisip ako ng kalokohan para lalong inisin at inggitin si Rebecca na halatang nagpaganda pa talaga para sa party. Napaka revealing pa nga ng strapless red dress na suot nito na kita na ang cleavage. Maganda naman siya pero. . . alam ko namang mas maganda ako sa kanya lalo na ngayong pareho kaming nakaayos at maganda ang suot. Binawi ko ang kamay kong hawak ni Dexter na nilingon ako at pinaningkitan. Matamis akong ngumiti ditong napalunok at nabitawan ang kamay ko. Pasimple kong pinag-intertwinded ang palad naming ikinalunok nito habang hindi inaalis ang paningin sa akin. Tinutukso na kami ng mga classmates nito pero sa akin lang ito nakatutok. Napapisil pa siya sa palad ko na ikinalunok kong bumilis ang t***k ng puso. Ngayon ko lang nahawakan ang kamay niya at aminado ako na ang sarap hawakan no'n. Ang init at ang lambot ng palad nito na mas malambot pa kaysa sa palad ko. “Ahem!” napatikhim siya na mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Mukha namang nakakahalata ang mga classmates nitong magkahawak kamay kami sa ilalim ng mesa kaya nanunukso ang mga ito– maliban kina Rebecca at dalawang alipores niya. “She's Arabella, from section E. Hindi niyo siya namumukhaan?” wika ni Dexter na ikinasinghap ng mga itong namilog ang mga mata na mapatitig sa akin! Napangisi si Rebecca nang magsalubong ang mga mata naming ikinataas ng kilay ko. “I knew it. Make-up lang pala kaya nagmukha kang tao,” aniya na ikinatikhim ng mga kasama namin. Ngumisi ako na hindi nagpaapekto sa kanyang tinuran. “Mabuti na lang pala umubra sa akin ang make-up. Nagmukha akong tao. Hindi katulad ng iba d'yan, naka-makeup na, hindi pa rin matukoy kung tao ba. . . o baka impakta?” sagot ko. “Oohh– smooth!” Napasinghap ang mga kasama namin na tila tuwang-tuwa pa sa sagupaan namin ni Rebecca. Kitang napahiya ito na napalunok. “Hahaha!” Tumawa siya na halatang pinilit lang at sinundan ng dalawang alipores niya. “You're so funny talaga, Ara.” Aniya na napakaarte ng pagkakasabi sabay flip sa buhok niya. “Hahaha!” paggaya ko sa maarte niyang tawa na ikinapalis ng ngiti. “Okay na ‘yong funny, kaysa fanget.” “Boom!” bulalas ng mga kabarkada ni Dexter sabay tawanan ang mga ito kaya lalong nainis si Rebecca na naningkit ang mga mata sa akin. Tumalim ang mga mata niya sa akin pero ngumisi lang ako at pinapakitang hindi ako apektado sa kanya. “Ako ba ang tinawag mong pangit, ha?” sikmat niya sa akin na ikinataas ng kilay ko. “Ikaw ang nag-claim niya'n, girl.” Sagot kong ikinaigting ng panga nito. “Ang kapal naman ng mukha mo. Tanggalin mo kaya ‘yang makapal mong make-up at ilantad ang tunay mong mukha, tignan natin, kung sino ang mas pangit sa ating dalawa,” aniya na naggigigil. Napasinghap naman ang mga kasama namin at natahimik. Palipat-lipat ng tingin sa amin ni Rebecca. “Game ako, tara, tanggalin natin ang make-up nating dalawa. Sa natatandaan ko, hindi pa kita nakikita na hindi naka-makeup e. ‘Yang kilay mo nga, pencil lang ang nagdala. Ano na?” panghahamon ko. “Willing akong magbura ng make-up at humarap sa lahat. Ikaw? Kaya mo? Tara?” panghahamon ko. Napalunok siya na hindi nakaimik. “O dito na lang. Magpapakuha na ba ako ng wipes, hmm?” wika ko pa. “Ano, Becca? Kaya ba?” tanong ng isa sa classmates nilang babae na nakangisi ditong inirapan ang nagsalita. “Hindi ko kailangang patulan ang hamon mo, Ara. Bakit? Hindi tayo magka-level.” Sagot nitong mahinang ikinatawa ko. “Hindi talaga tayo magka-level, Becca. Isa pa, hindi ko rin naman gusto ang meron ka. E ikaw? Baka may gusto kang. . . nasa akin, hmm?” pang-aasar kong ikinasinghap ng mga kasama namin at nagchi-cheer pa ang mga ito na akala mo naman, naglalaban kami nitong Rebecca nila. Pagak itong natawa na sinamahan ng mga kaibigan niya. Halatang ang plastik ng tawa nila. "Nakakatawa siya noh? Ano namang ikakainggit ko sa kanya?" tumatawang saad nito sa mga alipores. "Oo nga, Becca, nahihibang na." Pagsang-ayon ng kaibigan nito sabay apiran sila pero nakakatawa lang dahil sila lang ang tumatawa sa mesa namin. "Okay, sabi mo e." Wika ko na ikinalingon nila sa akin. "Parang ang sarap nong fruit cocktail nila a, makakuha nga." Tumayo ako na ikinasinghap ng mga ito at namilog ang mga mata na makumpirma nilang. . . magkahawak kamay kami ni Dexter! Napalis din ang ngiti nila Rebecca na mapatitig sa kamay naming magkahawak. "Hoy, bitawan mo na kaya?" ingos ko kay Dexter na tumingala sa akin at tumayo. "Tara, I'll get you some cocktail. Puro ka talaga pagkain," aniya na hindi binitawan ang kamay ko at hinila ako sa mesa kung saan naroon ang ibang handa. Naghiyawan pa ang mga classmates nito na tinutukso kaming dalawa kaya napapalingon sa amin ang ibang bisita. "Bitaw na, ano ka ba? Makikita tayo nila mama," mahinang sikmat ko habang naglalakad kami patungo sa mesa. "So what?" balewalang tugon nito. Inirapan ko ito na hinila na ako sa mesa at nag-abot doon ng cocktail na hindi binibitawan ang kamay ko. "What else do you want, panget?" tanong niya na iniabot ang cocktail sa akin. Napanguso ako. "Panget daw pero ayaw naman bitawan ang kamay ko," bubulong-bulong kong saad. "Gusto ko 'yang cake, kumuha ka," utos ko. "Okay," aniya na kumuha ng plate at naglagay ng isang slice ng cake habang hawak ang kamay ko. "Ano pa?" Napanguso ako na napasuri sa mga pagkaing narito. Lahat naman ay nakakatakam pero karamihan, bago sa paningin ko. Sanay ako na sa handaan, salad, spaghetti, pancit at shanghai ang mga handaan. "Uhm, ano bang masarap d'yan?" tanong ko. Mahina itong natawa at siya na ang namili sa mga pagkain na nasa harapan namin. "Oh, tama na, puno na oh? Saan ko ilalagay lahat iyan sa tyan ko?" pigil ko at puno na ang plato. Ginawa pa akong patay gutom ng mokong na ito! Ngumisi pa ito. "Matakaw ka naman a. Kulang pa nga e," anitong pasimple kong tinadyakan ang sapatos. Natawa naman ito na naglagay muli ng pagkain sa plato. "Tama na 'yan, oo, matakaw ako pero may hiya naman ako!" reklamong sikmat ko ditong napahagikhik pa. "Oo na. Kainin nating dalawa 'to. Saan mo gusto pumwesto? Sa may pool kaya sa likod? Maganda rin doon," aniya na ikinalapat ko ng labi sa kaisipang. . . tinatanong niya ako kung saan ko gusto! "S-sige, ikaw ang bahala." Pabebeng sagot kong ikinangiti nito na iginiya ako palabas ng venue. "Very good, panget. Dapat sumusunod ka lagi sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD