ARABELLA: HINDI ko maitago ang kilig at saya na nadarama ko habang nakatitig kay Dexter na kumakanta. Hindi naman malakas ang boses niya, sakto lang para sa aming dalawa. Nagpi-play din siya ng acoustic guitar at pakiramdam ko, hinaharana ako ngayon ng mahal ko. Ang sarap sa tainga ng boses niya na napalambing, lamig at parang professional singer sa galing niyang mag-ballad. Katulad na katulad sa boses ng local singer natin dito sa bansa na si Nonoy Peña ang boses niya. Ang sarap pakinggan na damang-dama mo bawat lyrics ng kanta. “Minamahal kita, nang hindi mo alam. Hwag ka sanang magagalit. Tinamaan yata, talaga ang aking puso, na dati ay akala ko’y manhid. Hindi pa rin makalapit, inuunahan ng kaba sa aking dibdib.” Para akong malulusaw sa puso ko habang kinakanta niya at sabay na

