eighteen.here

2609 Words
N  A  T  A  S  H  A .   .   . Calling him Ephriam was still off pero mabuti nang meron siyang pangalan sa isipan ko. At nang banggitin ko rin ang pangalan niya sa unang pagkakataon ay parang iba rin sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa mata niya pero mabilis rin siyang umalis. "What's that?" Haymitch tried to sneak in the screen of the laptop. Nandito ulit sila ni Jane at natutuwa talaga ako dahil badtrip nanaman si Ephriam. Dahil sa sinabi ko ay mas lalong dumikit sa kaniya si Jane. "I'm creating a new game, you wanna try?" aya ko at nakita ko namang nagningning ang mga mata niya. Sabay kaming tumayo at sinundan niya ako papunta sa kwarto ni Ephriam kung saan naroroon ang computer. Pinalaro ko sa kaniya 'yung unang game na ginawa ko para kay Ephriam at pinagmasdan rin siya habang naglalaro. Hindi katulad ni Ephriam, grabe ang reaksyon niya. "Uh, what the f**k!" gulat na sabi niya. "Don't break the mouse!" I scolded, now remembering his ability. "Did you really created this? Wow, you're amazing." he complimented, honestly. Ngumiti naman ako dahil sa kaniya. "Hay! Dahan-dahan nga!" naiinis na sabi ko nang makita ko na may c***k na 'yung mouse, he just laugh at me. Someone suddenly pulled my hair and I looked back irritatedly, "Hoy, babae." "Ano? Ang sakit, ha." pagbibigay alam ko sa kaniya kaya sabay kaming umirap. "Aalis kami," Jane jerked her thumb in the door and that's when I saw Ephriam with his usual clothes, arms crossed over his chest. "Work?" I asked back. "Ano pa ba?" pagtataray ni Ephriam kaya natawa ako. Ngayong nakabalik na talaga siya sa dating siya, nagiging kumportable na ulit ako. This is the real him, I hate fake cares over malice. "Wala, it's normal to have a date. Diba, Jane?" I nudged her and she just rolled her eyes but I can see that she like the idea. Ephriam hissed at me and leave us there. Tinaasan ko ng kilay si Jane pero wala siyang ibang sinabi at hindi ako pinansin, hinabol niya pa 'yung lalaki. Nagulat ako nang bigkang magmura si Haymitch sa tabi ko, nasiko niya pa ako kaya muntik na akong matumba sa kinauupuan ko. "That's it. Tama na ang paglalaro," I scolded him, and pushed him away from the screen. He insisted but my decision was already made. Sinave ko 'yung laro at mabilis na sh-in-utdown ang computer. He frowned at me and followed until we reached the kitchen. Mukhang nakaalis na nga sila. Kumuha rin siya ng pagkain na para bang nakatira rin siya dito. "Feeling at home?" I grin at him and he did the same. "Ikaw rin naman. Saan ka ba nakatira?" "Far away from here." Tumango siya, pumunta kami sa favorite tambayan ko at doon kumain. "Paano kayo naging kaibigan ni Beatrice?" Tanong ko ng seryoso. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at umiling, "It's complicated. Basta." "She's travelling in time. Alam kong kumplikado." pag-tango ko at hindi na siya pinilit pang magsalita. "Jane's older sister also can." napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon. "Talaga?" "Mh-hmm, kaya sanay na ako sa mga kapatid niya na magulo. Tatlo silang magkakapatid kaya laging may kampihan. Dalawa naman kami ng kapatid kong babae, but we're all totally close. I hope I'll have time to introduced you to them, it will be totally a mess." he laughed and started talking about himself. Nakinig lang ako sa kaniya. Halatang mabuti ang kalagayan nilang magkakapatid. Lagi man silang nag-aaway, meron pa ring masasayang araw. Nakakainggit. Namimiss ko na rin tuloy si Kuya Henry, ganon din kami dati. I had a great talk with Haymitch. Madaldal pala talaga siya at masiyahin din katulad ko. Maingat rin siya sa mga kinikilos niya at hindi niya pa rin ako hinahawakan. I really appreciate his small gesture, I felt like I already have a friend after my escape. Biglang nagring 'yung cellphone niya at nakita ko kung paano magseryoso ang mukha niya. "They need back-up," seryosong sabi niya at agad ko namang naintindihan 'yon kaya tumango na lang ako. Sinundan ko siya sa loob hanggang sa kunin niya ang gamit niya. Hinayaan ko siyang umalis, at sinundan na lamang siya ng ngiti. Si Ephriam ba ang nagtext o si Jane? Kung sino man sa kanilang dalawa, alam kong medyo risky ang trabaho nila ngayon. They were killing someone who are a threat that needs three people to accomplish their plan. I hope no one's hurt. Nang makaalis na ito ay binuksan ko ang laptop nito at patuloy na pinag-aralan ang pagkalikot dito. Hindi ko na rin napansin ang oras, hindi ko maiwasang mapatingin sa labas nang matanaw ko ang pagkidlat sa kalayuan. Ang ganda lang tignan. . . Huminga ako ng malalim at binalik ang tingin sa laptop. Pero napatigil ako sa ginagawa ko nang biglang may nagpop out na tab. Do you like white? Agad na napakunot ang noo ko, ang creepy nung font dahil nakabold ito at monospace pa. What's odd was that it was the only thing that I saw. No series of numbers, nor any images, just like that. I was about to click the x and delete the tab when suddenly the tab get larger and the space started to look like someone was maneuvering it. Kinabahan ako nang sunod-sunod na lumabas ang letra hanggang sa makagawa ito ng isang message. Thought you were now set free? His presence under the narra tree It doesn't worked that way, honey So he might saved you It wouldn't last, I told you See what you've done Missed him when you were gone Eventually you'll come back Meet my other story on a sack Ride the flow as an actress Why do you have to be stressed? At his longing cryogenic chamber Let you tears filled it, much better Tell me everything Every single days of your being Run as far as you could, darling Napakuyom ang aking kamay sa nabasa ko. Agad din namang nawala ang tab matapos makumpleto ang mga 'yon. Sa sobrang gigil ko ay agad akong sinara ang laptop at tinanggal ang battery nito. The poems doesn't make any sense to me but as I continue to read it, I notice the first letter in every lines. T H I S I S M E M R W A L T E R Napatayo ako sa kaba at napakagat na lang ako sa aking kuko habang iniisip kung papaano nangyari 'yon. Papaanong nakapagsend si Mr. Walter sa laptop ni Ephriam? Hindi kaya alam niya na kung nasaan ako? Nakagat ko ang aking labi at nagpabalik-balik sa aking kinatatayuan. Kung ganon nga, paano niya ako nahanap? Inalala ko ulit ang mga salitang nabasa ko pero ang natandaan ko lang ay ang katagang, So he might save you, it wouldn't last, I told you. Mas lalo lang akong kinabahan, alam niya na nilabas ako ni Emmanuel sa lugar na 'yon. Alam niya na. . . At that moment, I was scared of what would Mr. Walter would do next. . . 11:11 ang oras nang tignan ko ito. Napagdesisyunan ko na ring tumayo at mag-unat, hindi ko na ulit binuksan ang laptop at pinag-aralan na lang ang baril na nakita ko sa kung saan. Muntik pa nga akong matamaan nito pero mabuti na lang naiwas ko agad. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Ephriam. Narinig ko ang mabibigat na paglalakad nito hanggang sa nakarating siya sa direksyon ko. Tinapon niya lahat ng gamit niya sa sofa, at mabuti na lang bumangon na ako kungdi matatabunan ako ng mga gamit nito. "How's the day?" tanong ko. Nagpabalik-balik ito sa kaniyang pwesto at parang may iniisip na malalim. Napatingin naman ito sa akin atsaka umupo sa upuan. "I almost killed her." sabi nito habang nakatingin ng diretso. Wala naman akong naging reaksyon at nag-unat nanaman. "What happened?" I boredly asked. Naghintay ako ng isasagot pero hindi na siya nagsalita. Napansin ko rin na hindi ito mahilig magkwento, laging bitin at parang palaisipan lahat ng sinasabi niya. At siyempre yung iba hindi ko na lang pinapansin. When I looked at him, he was already searching for something. "Kung hinahanap mo 'yung laptop mo, I've already disposed it." "What?" he gave me an unbelievable look like saying Are-you-Insane? "How about the important files in there? Nadoon lahat ng document ng mga taong napatay ko." I tossed a hardrive at his direction and he immediately catched it. I just shrugged it off, "I've got a message from Mr. Walter. Ayoko namang matunton tayo dito kaya agad kong sinira ang laptop. Mabuti na lang naitransfer ko na lahat sa hard drive na 'yan." I suddenly felt wasted when I didn't save the things I have done on that laptop. Pinipilit ko kasing magprogram ng game o kahit anong app na magagawa ko. But unfortunately, di nasave. "What did he say?" "Wala, hindi ko naintindihan. Ang pinagtuonan ko lang ng pansin 'yung arrangement ng bawat taludtod. THISISMEMRWALTER were the first line on every line. Naghinuha na ako nang makita iyon." He dismissed the topic when he decided to take a bath. Tinignan ko ang kapaligiran kung may darating. Katulad nga ng inaasahan ko ay dumating rin sila Haymitch at Jane na may seryosong mukha. Apparently, Ephriam's words had now reached my curiosity so I faced Haymitch and Jane. "What happened?" I demanded. "Nang pumunta ako roon, they were already running. I have no idea, dude." Haymitch explained so I looked at Jane. "You know that I can't tell you," sabi nito sa akin kaya nakagat ko ang labi ko. "Is it Scarlet Loren? Siya ba 'yung tinutukoy niya?" tanong ko pa nang maalala ko ang sinabi niya sa akin noong nakaraan. "How did you know her?" matalas na sabi ni Jane sa akin. "She was marked dead in here." rinig kong sabi ni Haymitch habang nakatingin sa tablet niya. Sinigawan siya ni Jane. Scarlet is already dead? "You know we are forbidden to tell someone about that!" "She would do nothing." "Do you even know who she is?" "She's nothing," Haymitch shrug and I nodded, joining his statement. "I promise, I would do nothing. I'm just curious. Friends na tayong tatlo diba?" masiglang sabi ko at nakita ko namang napabuga ng hangin si Jane. "Okay," she nodded, giving in. "She almost killed his sister." "What?!" gulat na sabi ko maski sila ay nagulat sa reaksyon ko. "Paanong nadoon siya? Kilala niya si Scarlet Loren?" "Kasi ganito 'yan." Jane coughed, as she started to narrate. "Nang makarating kami roon, plano na namin na siya lang ang gagawa ng mission. Then nagulat ako na nandoon din ang kapatid niya. But you know what? He doesn't looked bothered and just proceed on doing the mission." "Puwersahan niyang binuhat si Scarlet gamit lang ang braso nito at itinapon sa malaking bato na kinasanhi ng pagkamatay nito. Hinila niya si Phoebe, sinaktan at hinayaang bumagsak ang likod sa malaking pino. He cornered her and threatened with his pyschotic words, then he thrust the tip of his knife on her chest. I was horrified because he wasn't shaking and it's like he was really ready to kill her." I tried to focus in the story, pero hindi ko akalain na ganito pala siya magkwento. "Napigil lang ang lahat nang dumating na ang kambal atsaka ito hinabol." "Kambal?" "Oo," Jane seems so irritated that I interrupated her words. "Nagulat pa ako nang muntik na itong mapatid sa isang sanga kaya bumagal ang pagtakbo nito at maya-maya pa halos maabot na siya ng kambal. Pero bago siya makorner ay agad ko na siyang tinulungan matapos kong magsend ng message kay Haymitch." Haymitch nodded, listening to his cousin. "I managed to bring them down, pero nanghina ako nang mahawakan ako ng isa sa kanila. Mabuti na lang tinulungan ako ni Tarzan, kaya nakatakas kami. Doon lang kami natagpuan ni Haymitch." Huminga ng malalim si Jane matapos niyang magkwento. She even put her hand in her waist and used her hand as her fan. "Gosh, it was really intense." "Those twin were so. . ." rinig kong sabi ni Ephriam sa likod ko, seryoso siya at nakapagpalit na rin siya ng damit. "Ano?" Jane asked. "Nevermind." napairap na lang ko sa sinabi nito. "What comes to your mind at that time? Why did you do that?" Haymitch confronted him. They grew apart, 'yun lang ang alam ko. Sinabi ni Ephriam na sinabi ni Beatrice sa kaniya ang lahat pero papaano si Phoebe? Maaring hindi alam ni Phoebe na may kapatid siya, baka nga wala talaga siyang alam sa existence namin. His actions toward her sister bothers me. It's not that I'm afraid of him, I'm afraid about Phoebe's reaction at his own brother. I'm afraid that she wouldn't accept him when this thing got revealed. "Ano na lang ang iisipin niya kung ang kapatid niya ay pinagtangkaan ang buhay niya?" dagdag na tanong ko pa. "I wanted to rest. Umalis na kayong dalawa rito." sabi ni Ephriam na mukhang pagod na pagod na. "But—" "Please," it was an odd word to hear from him so Jane took a step back. "Babalik kami rito bukas. Just rest for awhile." Jane assured him and he just nodded. "Why can't we just stay here? Sayang sa gas." Haymitch frowned. Hindi na sumagot si Ephriam at pumunta na lang sa kwarto niya. I gave them an apologetic smile and Jane seems to understands it. "Tara na, Haymitch. I know it must have been hard for him." Jane sounds sympathetic this time. She really cares for him. "I'll text you if he's already awake." nakangiting sabi ko. "You don't have our number." "I have my way," I winked at them. Hinayaan ko silang umalis bago ko siya sinundan sa kwarto niya. He was already laying down in his bed, drowning in his own thoughts. "She's your sister," I said in a matter of fact. Hindi pa rin ako naniniwala sa sinabi ni Jane. Muntik niya nang mapatay ang kapatid niya. Few second passed and he was still searching for the answers. "I lost out of control." he choked from the word. "I understand." sabi ko at umupo rin sa kama niya. Nakatakip ang mata niya sa kaniyang braso habang ang mga binti niya ay nasa dulo ng kama. Naiintindihan ko siya. Nagkaroon na rin ng lamat ang tiwala ko kay Kuya Henry at hindi ko alam kung maibabalik pa iyon dati. I was filled with hatred at kahit na hindi niya sabihin 'yon, kahit nagagawa niya pa ring ipagtanggol ang pamilya, nandoon pa rin ang galit. "You just let your emotion to overtake you. I know it's hard. Siguro aabot rin ako sa puntong ganon rin ang magagawa ko kay Kuya." Nabubuhay sila ng maayos ngayon, hindi katulad ng nararanasan namin. Siguro hindi lang galit ang nanatili, pati na rin ang inggit. Hindi siya sumagot sa sinabi ko. "I wish I was there. Para napigilan kita." I smiled even though he can't see me, "At kung sakali mang ganon din ang magawa ko kay Kuya, sana nandoon ka rin para pigilan ako." He was still motionless. "Actually, I'm not here to see your vulnerable state or if you're going to cry—" "Leave," he said in stern voice. "I'm here to say that I want the four of us to meet and end Mr. Walter. So let's help each other." He remove his arm in his eyes and finally looked at me with knitted eyebrow. I smiled in return, he must be confused. "Let's face the past that our parents left for us to solve."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD