nine.game

2674 Words
N  A  T  A  S  H  A .  . . I've spend my two years living with the whites. I often hear that term when I'm with Emmanuel, making me remember of that single word. Well, of course, they wear white so how could I forgot that? He also mentioned about black people who are the opposite of them. People who are trained to kill and have only one goal, to kill whoever expose our kind. The white's goal was the opposite, they want to know us more. That's why black and whites were fighting for our existence. However, there are people who are clueless but have something that can only be inherited. Those were called neutral. Then what am I? I asked that question to Emmanuel and he said that I'm already a white because I am their specimen and because of the fact that I was helping them. No one knows how I hate that word. "Hello, good morning! I made breakfast!" bungad ko sa lalaki nang makalabas ako sa kwarto. Inabangan ko siya dito para lang ayain siyang kumain. Napangiti pa ako nang makita kong bahagya siyang nagulat dahil sa lakas ng sinabi ko. Ngunit mabilis rin itong nawala dahil napalitan ng pagkainis ang mukha niya. Inaasahan ko na hindi siya sasagot kaya naman sinundan ko na lang siya kung saan ito pupunta. "It's toasted bread with ham and cheese as its feeling, I also made a hot chocolate!" nakarating na kami sa lamesa kung saan nakahanda ang ginawa ko. May dalawang plato doon na may pagkain at dalawang baso. Hindi na 'yon gaanong mainit dahil ang tagal kong nahintay sa tapat ng kwarto niya. Lumapit siya sa may lamesa at tinignan ang gawa ko, I gave him my proud smile. Ofcourse, it looked delicious! Makulay pa ito at maganda ang pagkakaayos. Ang akala ko ay uupo na siya pero kinuha niya 'yung dalawang plato at walang sabing tinapon ito sa basurahan. I gasp in disbelief while looking at him. Hindi kaagad ako nakakilos nang kunin niya rin 'yung dalawang baso na may hot chocolate at tinapon din ito sa sink. I pursed my lips harder as he looked back at me, no emotion in his face. Gosh, ang aga-aga, pinagiinit ng lalaking 'to ang dugo ko. Yung pagkain na ginawa ko, tinapon niya! "If you don't want to eat it, pwede namang sabihin mo na lang." galit na sabi ko habang nakakuyom ang aking kamao, tamad lang itong pumikit sa sinabi ko. "Sayang 'yung pagkain—" "You should not leave your food unattended." I scoff when he empathize the word your just to mock me. He clearly wasn't planning to accept the food that I made but he have the courage to throw it away? Napakasama niya. "What? Wala namang langaw, ah! May papasok bang unggoy dito para kainin 'yon? Well to tell you the fact, It's either you or me who would going to eat that. Except na nga lang kung may ibang tao pa dito." I said while frowning. "Unggoy?" he raised an eyebrow while smirking, looking amuse on that single word. Hindi ko alam kung bakit parang gusto niyang matawa, may nakakatawa ba sa sinabi ko? "Maybe, may unggoy nga na gustong lagyan ng lason ang pagkain ng iba." "Lason?" nakakunot noong sabi ko. Ni hindi nga pumasok sa isip ko na maglagay ng lason! "Wala akong nilagay na lason don! I may be suicidal but I respect foods that I created!" Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong hininga niya. "This is an abandoned place, Nat. Anyone can just sneak in here and put a poison in every food that you're serving if you leave it unattended." Natigilan pa ako ng tawagin niya ang pangalan ko. Bigla ko tuloy naalala si Priam na una kong nakilala. Pero madali ring nawala 'yon dahil sa inis ko sa kaniya. "Why would a tresspasser think of that first if they only want things to steal?" I defensed. Parang ang labo naman kasi, ano bang pakialam ng ibang tao kung pumasok sila dito at makita na may pagkain? Posible pa ngang kainin nila 'yon bago lagyan ng lason. Atsaka malabo namang dito pa sila magnakaw, halos puro puno nga ang nakapalibot dito. Sino bang mapapadpad dito? I don't know how this man's brain working. Tinapon niya 'yung pagkain ko! "Maybe, they were not tresspassers who could just sneak in here. Maybe they intended to kill people who lived here. Maybe it's the whites." he gave me a grin, and walks towards my direction, then whisper, "Maybe it's the blacks." Tuluyan niya na akong nalagpasan at ngayon ay unti-unti ko nang naiintindihan ang sinasabi nito. He was being cautious on everything he's going to take. Kaya pala puro pack at one serving lang ang mga pagkain na nakalagay sa ref, walang kahit anong leftover. Kapag nagtitira naman ako, wala na iyon kinabukasan. Akala ko kinakain niya rin pero tinatapon niya pala. Posible rin naman ang lahat ng sinabi niya. Pero sayang 'yung ginawa kong pagkain. Hindi pa nga siya sigurado kung may pumasok ba dito at kung kay lason na ba 'yung pagkain, basta niya na lang tinapon. Gosh, why is he thinking about bad things? I looked back at him and he was now eating a pack of biscuit while there's tetra pack of chocolate drink in his left hand. "I only know one black who was intended to kill me." I said in stern voice and he seems to notice it. "And it's you." "Add that for another reason why I throw that food away." seryosong sabi nito at naglakad palayo. Naiwan nanaman akong nakatayo dahil lang sa sinabi niya. Hindi ko naman inaasahan na tatanggapin niya 'yung pagkain at mas lalong hindi ko rin siyang kayang lasunin dahil gusto ko pang ibalik ang mga bagay na naitulong niya sa akin. Marami pa akong gustong malaman sa kaniya at ang kaalaman na isa siyang black ay hindi makapagpapabago ng isip ko. Ang gusto ko lang naman ay mas makausap pa siya ng maayos para malaman ko kung anong maitutulong ko sa kaniya. Pero bakit sa dulo ako ang nagmukhang tanga? Nilibang ko na lang ang sarili ko sa ibang bagay nang umalis siya. Hindi ko siya kinausap matapos non at mukhang nagugustuhan niya pa dahil hindi niya man lang ako tinitignan. The next morning, I was sprinting around this place to do some exercise when I tripped over my heels. Nakarinig pa ako ng ingay sa paligid ko at nakita kong naglalakad papalayo 'yung lalaki habang nanginginig 'yung balikat niya. Is he laughing at me? Hindi ako makapaniwala, nagkaroon lang naman ng gasgas 'yung palad at tuhod ko dahil nasubsob ako. Hinanap ko 'yung first aid kit at sinimulang gamutin ang mga gasgas. This was just nothing, parang kinurot lang ako at hindi  ko na ito masyadong nararamdaman. Papatapos na ako sa ginagawa ko ng makita ko nang makita ko 'yung lalaki na nagdadabog sa harap ng CPU, nakalas niya pa 'yon gamit ang kamay niya at binagsak sa sahig. Nakakunot ang noo ko habang tinitignan ang kilos niya. Galit nanaman ang taong 'to, makakapatay nanaman ata ito. "Oh, I think he killed that poor thing." I mumbled at myself and he marched away from the broken piece. I blowed on my cheek to stifle a chuckle when I checked at the thing, ang liit lang ng problema niya pero nabasag niya ang gamit na 'to. Tsk, mukhang alam ko na kung anong kahinaan ng lalaking 'yon. *** I was humming my favorite song when he came back, looking tired again. He stopped to look on what I was doing. Agad naman akong nakaramdam ng ilang nang pagmasdan niya ako. Mabilis kong nilagay sa dating kalalagyan 'yung cpu na ngayon ay nakaconnect na sa computer. Inayos ko rin 'yung mga wires na nakakalat sa sahig. Hindi ko napansin na nawala na siya, napahinga na lang ako ng maluwag at tinuon ang tinggin ko sa screen ng computer. I tried my best to excel my physical strength, I do some push ups, sprints, and other heavy exercises but it's worst! Kahit na hindi naman ako nanghihina, pakiramdam ko maling-mali 'yung mga pinaggagawa ko. I looked funny as stiff. Ebidensya na ron ang lihim na pagtawa ng lalaking 'yon. Pero ngayong hawak ko 'tong mouse at keyboard, I think I know how am I going to spend my remaining days in my life. Halos hindi ko na napansin ang oras dahil busy ako sa pagpoprogram ng panibagong app na pwedeng mainstall dito. Nang makarinig ako ng ingay ay doon lang ako nakapagunat at tignan ang paligid. May liwanag na at ngayon ay nakatingin na sa direksyon ko 'yung lalaki. Umiinom pa ito ng gatas habang nakatingin sa computer sa harap ko. I stretched my back and raised my arms, completely ignoring him. I stood up to get my food but it was just a few minutes of leaving when I heard another slam inna distance. Agad kong pinuntahan kung saan 'yon at napanganga ako nang makita ko 'yung lalaki na nasa sahig. Nasa ilalim nito ang sirang plastic na upuan na gamit ko kanina. He laid there for awhile, looking at the ceiling. I walked infront of him and held my hand. "Do you need help?" ngiting tanong ko pero tumingin nanaman siya sa akin. I tilted my head when I saw something in his ear, it's red. Is he embarassed? Bakit hindi pa kasi siya tumayo agad? "I never asked someone for help." sagot nito at prenteng umupo, nakatalikod na ito sa akin ngayon. "Ako naman 'yung nagtanong, madali lang naman sumagot ng oo o hindi." Nilayo ko 'yung sirang upuan at pinigilan kong hindi matawa habang iniimagine kung anong nangyari kanina. Umupo ba siya dito at hindi kinaya ng bigat niya 'yung upuan? O kaya naman binasag nanaman niya 'to dahil sa inis na naayos ko 'yung sinira niya? Whatever the answer is, I'll never know. Nakasalalay ang reputasyon niya rito, pero ang cute lang. Atleast, he have a soft side. "Don't smile," he frowned when he saw me. He's embarassed. "What?" inosente kong tanong pero hindi na siya sumagot dahil tumayo na ito. I spent the other days in front of this computer and I was really satisfied when I've finish one app that I could play with. It's a horror game story wherein the setting was also an abandoned factory and the characters was looking for the serial killer who've escaped prison. It's a gameover if the serial killer killed the gamer. "Hey," I called, "Do you have time?" "Ano?" "May ginagawa ka ba? Do you want to play?" mukhang naintindihan naman niya ang sinabi ko nang ituro ko 'yung computer. Nagliwanag naman ang mata ko nang lumapit nga siya para tignan 'yung larong ginawa ko. Hahawakan niya na sana 'yung mouse nang bigla ko siyang pigilan, tumingin ito sa akin ng may nakataas na kilay. "Please, don't break it. Kung ayaw mo na maglaro, sabihin mo lang." nagmukha akong nagmamakaawa sa kaniya habang hawak ang kamay nito na nakahawak din sa mouse. "I'll break it if it's not good." sabi nito at inagaw ang mouse sa kamay ko, nginisian naman niya ako kaya kinakabahan kong tinignan kung anong gagawin niya. Mukha mali ata na inaya ko pa siya. Wala naman kasi siyang ginagawa kanina at nakahawak lang sa lapis at sketch pad niya. Nagsimula naman siyang maglaro at nakita ko kung paano magseryoso ang mukha niya, kumukunot din ang noo niya kapag may jumpscares na nagpapakita sa screen. Nabigyan din ako ng panahon para pagmasdan ang mukha nito. Kung may kapatid siyang babae, siguro mukhang amazona 'yon katulad ng lalaking nasa harap ko t kung lalaki naman, siguro makikita ko 'yung boycut version ng mukha niya. Gusto kong makilala ang kapatid nito. This place feels lonely, knowing that this guy live alone while killing a bunch of people. Maybe that's also the reason why he doesn't like me. I figured out that I can help him to feel he was not alone. Noong nagpanggap siya bilang si Carl Andrew, I can feel that he need someone. Nararamdaman ko sa bawat salita niya na okay lang kung manatili ako at kung nasa listahan niya nga ako, bakit hanggang ngayon buhay pa ako? Siguro may kapalit, at habang hindi ko pa alam 'yon, mas makabubuti sana kung gawin ko na ang mga bagay na hindi ko nagawa sa kamay ni Mr. Walter. Isa na ito sa mga ginagawa ko. I'm going to make sure that I am happy that I've live to the fullest before I die. "H-hoy! Dahan-dahan!" I reminded when his grip on the mouse tightened and his finger were now typing furiously on the keyboard. Nakita kong ngumisi ito sa akin dahil mas kabado pa ako sa kaniya. "Okay, chill." taas kamay niyang sabi matapos niyang pindutin 'yung pause. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Biglang tumunog 'yung tiyan ko kaya naman agad akong tumakbo sa kusina para kumuha ng pagkain. Nagmadali pa ako para makabalik at makita kung anong ginagawa niya. Hindi ko pa nakakain 'yung pagkain ko nang may marinig ako mula sa kaniya. "I'm done," natulala ako ng saglit sa screen nang idisplay nito ang text na 'You're a new killer.' He gave me a smug look after showing me that he finished the game. I pursed my lips while looking at him, carefully assessing my thoughts. "Congratulations," ngiting sabi ko at kumain na lang ulit. Umupo ako sa may sofa kaya medyo nakatalikod ako sa kaniya. Tahimik lang ako habang may iniisip, ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa akin. "It's good," he suddenly said that makes me look back at him. "You didn't break it, that's good." ngiting sabi ko pero madali ring nawala at bumalik na lang ulit ako sa pagkain. "It's a good game," he complimented again. "Paulit-ulit?" I chuckled while chewing my food. "Then what's your problem?" my eyes widened and shook my head. Mukha ba akong problemado? Kumakain lang naman ako? Really, anong nakikita ng lalaking 'to? "N-nothing, really. Gutom lang ako." I bit my lip while looking at my food. Damn, I looked obvious. Ofcourse, I was thinking of something. Ofcourse, he could see it. "The setting was. . . brilliant. The characters was approriate, the plot twist was. . . stunning. And it makes me serious." I laughed when I heard his lame description. Parang pilit at narinig niya lang sa kung saan-saan, mukha pa siyang batang nagdedescribe. I was starting to wonder where did he get that 'brilliant' word wherein the place was so dark. Stunning sounds off for me too, parang nagdalawang isip pa siyang sabihin 'yon. He's lying, I can feel it. Nawalan na tuloy ako ng gana kumain kaya naman hinarap ko siya at binigyan ulit ng ngiti. "Thank you for playing it, I think gagawa na lang ako ng bago." tumayo na ako para kumuha ng maiinom. "Are you mad?" he asked again so I innocently shook my head. "Bakit naman ako magagalit?" "You're talkative when you're hungry." he shrugged, "Ngayon, para kang namatayan." "Wow, you noticed it. Okay sige, para ikapapanatag ng loob mo, magdadaldal na ulit ako—" "Sabihin mo na 'yang iniisip mo, kanina pa ako naabala ng tingin mo." Hindi agad ako nakasalita, nakatitig nga pala ako sa kaniya buong laro. Pinagmamasdan ko siya habang naglalakbay ang isip ko, napansin niya pala. "I programmed that game for you." pag-amin ko, "I am challenging you and you finished it with just a half of hour. I know it's not good, it does not reach your satisfaction. And I'm not mad, I'm just frustrated in myself. I would do better next time, I promise." Nawala ang ngiti sa labi ko nang ngumisi ulit siya sa akin. Ngising hindi ko inaasahan. The sudden nervous stays in my stomach for seconds, it's. . . new. It's not fake. "Are you challenging a killer for a game?" .  .  .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD