bc

Blow The Whistle

book_age16+
174
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
self-improved
inspirational
bxg
lighthearted
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Rosie and Ross are both in line to Human Resource Management. Kung mayroon mang pagkakasalungat sa dalawa, iyon ay ang mga dahilan nila kung bakit kapwa pinasok ang karerang iyon.

Sa kabila ng kanilang pagiging malapit sa isa't isa, hanggang saan kaya nila maipagtatanggol ang mga sarili para lamang makamit ang kani-kanilang hangarin? Ano kaya ang mananaig: Labor Law or the Law of Love?

And who will be the whistleblower? Is it in the name of worker's right or . . . in the name of love?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Hanggang saan ka nga ba dadalhin ng pagmamahal? Sapat ba talaga na mahal mo lang tapos ang kasunod ay “bahala na”? "Sabi ko sa iyo noon na hindi tayo mapapalamon ng pag-ibig mo na iyan! Tingnan mo nga ang estado natin ngayon, Amorsolo!" Napapikit ako ng aking mata nang marinig na naman ang litanyang iyon ni Mama. Pabulong lang naman kung magsalita si Mama pero hindi naman makaliligtas sa aking pandinig ang lahat ng iyon. Lalo pa't memoryado ko na ang mga iyon. "Helena naman. Gumagawa naman ako ng paraan, e. Bukas na bukas din ay maghahanap naman ako ulit ng trabaho. Nagkataon lang talaga na nagsara ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Hindi rin naman kami mabibigyan ng separation pay lalo't nalulugi na nga," rinig kong paliwanag ni Papa. Nasa sala ako habang nagliligpit ng iilang mga kalat at sila naman ay nasa kuwarto nila. Maliit at simpleng bungalow style lang ang bahay namin kaya halos nagkakarinigan lang din naman kami. Samantalang si Rookie ay nasa kuwarto na namin habang nanonood ng cartoons sa online. Ganito kasi ang ginagawa ko sa bunso naming kapatid kapag nagkakaroon ng pagtatalo sina Mama't Papa. Ipinapanood ko sa kanya ang paborito niyang cartoons tapos pasusuotin ko siya ng earphones para hindi niya marinig at mabaling niya sa iba ang atensiyon. Nagtatalo na naman sila dahil natanggal na naman si Papa sa trabaho. Wala kasi itong permanenteng trabaho at madalas pa kung magkaroon ng aberya sa mga kompanyang napapasukan niya. Napakahirap din para sa kanya na tanggapin sa trabaho lalo't fifty-seven years old na siya. Marami pa ring kompanya ang may isyu pagdating sa edad kaya madalas na hindi natatawagan si Papa. Si Mama naman ay kasambahay sa isang may-kayang pamilya sa hindi kalayuang subdivision mula rito sa amin. Panay na rin ang pagbabale nito sa amo kaya halos wala na ring maisahod. Hindi naman sila ganito lagi. Hindi rin naman sila iyong tipong mag-asawa na nag-aaway nang sobrang lala dahil sa huli ay napag-uusapan pa rin nila at nagkakaayos. Sadyang ito lang ang laging isyu. Matapos kong mag-walis sa loob ay lumabas muna ako sa tapat ng bahay para magpahangin. Mabuti na lamang at walang humiram nitong bangko namin na naka-display rito sa labas. Madilim na ang paligid at gayon din ang kalangitan. Nagkakaroon lamang ng liwanag dala ng mga kanya-kanyang ilaw sa tahanan at bituin naman sa itaas. Pasado alas otso na kasi ng gabi. "Lakas maka-music video ng ganap mo r'yan, a!" Napalingon ako sa nagsalita niyon. Si Vince. Ang kaibigan at kapitbahay ko. May hawak itong isang plastic ng softdrinks at biscuit sa kamay habang papalapit sa aking kinauupuan. Galing ito sa tindahan ni Aling Grasya. Nakasuot lamang ito ng simpleng damit pantaas at maong shorts. "Heh! Tapos sisirain mo," pasaring kong tugon. "Pero kung may dala ka namang pagkain tulad ngayon, wala tayong problema," dagdag ko at walang pasubaling kumuha sa biscuits niya. Wala naman itong naging angal dahil sanay naman na rin siya sa akin. Inalok pa nga niya ang softdrinks pero tinanggihan ko na. May hiya pa naman ako nang kaunti. "Ano ginagawa mo rito? Wala ka namang mahahanap na pogi rito," aniya. "Hindi pogi hanap ko. Pera ang kailangan ko." "E, kung ganoon, wala kang makikita niyan dito sa atin," natatawang tugon nito. "Alam ko. Kung mayroon ba 'di sana'y hindi na kailangang kumayod nina Mama't Papa nang ganiyan." Natahimik ito at ganoon din ako. Mas matanda sa akin si Vince dahil nasa gulang na dalawampu't tatlo na ito at katatanggap lang din sa trabaho sa ahensiya ng gobyerno. Graduate siya ng Bachelor of Science in Agriculture kung saang unibersidad rin ako kasalukuyang nag-aaral. "Nasaan si Paeng? May pasok?" tukoy nito kay Kuya Rafael. Tumango ako. "Oo. Nightshift siya ngayon, e." "Magpapasukan na ulit kayo ngayong sem. Sigurado ka na sa kinuha mong major?" pag-uusisa niya sa akin. Bumuntong-hininga ako saka muling tumitig sa bahaging itaas. "Oo. Para naman mas maintindihan ko kung ano mangyayari sa akin pagkatapos kong mag-aral. Para atleast, hindi ako maloloko ng employer at masasahuran ako nang tama. Mahirap na maisahan ngayon kaya dapat alam mo ang karapatan mo bilang manggagawa," seryoso kong sagot. "Hoy!" Binunggo nito nang pabiro ang kanyang kaliwang balikat sa aking kanang balikat habang tumatawa. "Napakaseryoso mo naman. Alam ko naman na iyan talaga ang dahilan mo at alam ko rin kung bakit. Kalma! Sinisigurado ko lang naman at baka mamaya may iba ka naman palang gusto." Inirapan ko ito at saka inagaw na sa kanya ang paubos ng softdrinks para inumin ito. "May paninindigan ako, 'no. Hindi ako mabubuhay kung hindi ko iisipin ang sarili't pamilya ko. Kaya ikaw, know your priorities. Sige, good night. Salamat sa midnight snack," paalam ko saka pumasok sa loob ng bahay. "Tulog mahimbing," dagdag ko pa bago isara ang pinto. Matapos kong maitapon sa basurahan ang plastic na hawak ay napadaan pa ako sa tapat ng kuwarto nila Mama. Mas masinsinan na silang mag-usap ngayon at mukhang nag-iisip ng paraan para maka-survive sa araw-araw lalo't ngayon ay si Kuya na lang ang may maayos-ayos na trabaho. Sisiguraduhin ko na mag-aaral talaga ako nang maayos para matupad ko ang mga pangarap para sa pamilyang ito. Kaya nga desidido kong kinuha ang kursong Human Resource Management para alam ko na ang kalakaran sa employment world. Isasantabi ko muna ang love tulad na rin ng narinig ko kanina. Doon muna ako sa ikaaasenso namin ng pamilya ko. Baka kasi imbes na buohin ako ng pag-ibig na iyan ay baka siya pang maging dahilan ng pagkasira ko balang-araw. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook