"Wait, naiwan ko yata ang wallet ko," biglang saad ni Ross nang akmang papasok na kami sa sasakyan niya. "H-Huh? Sa—" "Balikan ko lang saglit. Pumasok ka na ng sasakyan," nagmamadaling bilin niya sa akin bago tuluyang tumakbo pabalik sa loob. Nagtataka man ako kung bakit niya naiwan ang wallet niya ay pumasok na lang din ako sa loob para doon siya hintayin. Hindi naman niya kasi ugali na makaiwan ng mga mahahalagang bagay. Mukhang marami nga talaga silang tinatrabaho ngayon na pati wallet niya ay hindi na niya alam kung saan nailalapag. Pasado ala sais na rin ng gabi kaya walang mas'yadong tao rito sa Parking Lot. Mga kanina pa kasi nakaalis ang iba. Ang mga sasakyan na lang nandito ay iyong mga empleyadong balak pang mag-overtime sa trabaho. Ilang beses na rin akong nakapag-overtime

