CHAPTER NINETEEN

2936 Words
Mabilis lang na lumipas ang mga araw kaya naman sumapit na rin ang huling araw namin ngayon bilang isang intern sa kompanyang ito. Halos nasa isang buwan din ang inilagi namin dito para mapunan ang units na kailangan sa subject na ito. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Naroon ang saya dahil alam kong magbubunga na rin ang pagsusumikap ko at ng pamilya ko dahil graduation na lang ang hihintayin ko. Subalit naroon din ang bahagyang pagkalungkot dahil naging malapit na rin ako sa mga taong nakasama at nakasalamuha ko rito. Malaki ang naging bahagi nila sa buhay ko dahil marami rin silang naituro sa akin para maka-survive sa araw-araw na trabaho ko rito. Hindi man ganoon kabigat, hindi katulad sa kanila, pero naipamulat nila sa akin ang mga bagay na dapat kong asahan sa oras na kahaharapin ko nang talaga ang mundo ng pagtatrabaho. Siguro ay masasabi kong malaki ang pasasalamat ko dahil sila ang mga taong nakasama ko sa naging unang hakbang ko sa ganitong klase ng buhay. Ngayon lang tuluyang nag-sink in sa utak ko ang katotohanang hindi na ako bata, na hindi na ako iyong dapat pang gabayan at samahan sa kahit na anong hakbang na gagawin ko, dahil ito na iyong antas ng buhay ko na kailangan ko nang gamitin ang lahat ng mga naituro sa akin. Ngayon na pala iyong oras na ako naman ang kikilos, mag-iisip, at magdedesisyon para sa sarili ko—ako na lang pala. Kung may ikinababahala man ako, iyon ang takot na baka magkamali ako. Bukod sa aking sarili, alam ko na kailangan ko ring isaalang-alang ang mga nakapaligid sa akin. Dahil alam ko na sa bawat desisyon na maaari kong gawin, hindi lang ako ang maaapektuhan. Ganito pala talaga ang tunay na mukha ng buhay—subtle and challenging yet magical. Ikaw ang may hawak ng sarili mong kapalaran. Ikaw ang may kontrol sa magiging takbo ng iyong buhay. Nasa sa iyo kung paano mo ito titingnan at ituturing, dahil nasa tamang paglalakbay ang tunay na kahulugan ng tagumpay. "Okay, it's time to out!" Nawala lang ako sa aking sariling pag-iisip nang marinig iyon kaya minabuti ko na ring magligpit ng mga gamit na nasa table ko lang din. Siniguro ko munang naipasok ko na lahat ng aking gamit sa bag dahil mahirap naman na kung may makalimutan pa ako. "Wala munang uuwi, ah. May farewell dinner pa tayo para sa mga mababait nating intern ngayon," dugtong pa ni Sir Bobby sa malakas na paraan. Nagkatawanan pa kami lalo na nang banggitin niya ang salitang "mababait" kaya roon nagsimula ang tuksuhan nila. "Yes naman po, Sir. Wala talagang uuwi lalo na kung libreng dinner na ito," pabirong sagot naman ng isang intern na kasama rin namin dito sa office, pero sa ibang university naman ito nag-aaral. Habang nagkakanya-kanyang ligpitan na ang bawat isa sa amin ay naroon pa rin ang asaran at tawanan. Kalimitan sa mga kuwentuhan nila ay iyong noong mga unang linggo namin dito at inaasar kami ng mga senior namin. Noong nakaraang araw pa naka-plano ang farewell dinner na para nga sa aming mga intern. Ang mga senior pa talaga ang nag-initiate niyon at sinabi na rin na sila na raw ang bahalang sumagot ng gagastusin tutal ay naging mabuting mamamayan naman daw kami sa loob ng kompanya, iyon ang minsang biro pa nila. Natigilan ako sa ginagawang pag-check ng aking bag nang may kumalabit sa akin kaya mabilis kong nilingon ang gumawa niyon. Doon ko naabutan si Ma'am Tiffany na nakasimangot sa akin. "Last day mo na," bungad na anito sabay yakap sa akin nang mahigpit na siyang sinuklian ko rin naman. "I'm gonna miss you, Rosie," dugtong pa niya. Nakaramdam naman ako ng bigat sa aking dibdib dahil sa sinabi nito. "Mamimiss ko rin po kayo, Ma'am. Kaya huwag mo hong kalilimutan ang wedding invitation ninyo para sa akin, ah," biro ko pa nang magbitiw kami mula sa pagkakayakap. "Oo naman, 'no! Batang ito talaga. Ikaw una kong bibigyan. Isasama ko na rin si Ross para naman may guwapo kang kasama. Tutal hindi rin naman kayo mapaghiwalay, 'di ba?" sabi pa nito. Nang mapagpasyahan ng lahat na aalis na ay nagkanya-kanya na rin kami ng sakay. Kung sino ang mga may dala ng sasakyan ay nakisabay na lang din ang iba roon. Sa amin naman sumabay ang ibang intern din na close rin naman sa amin at nag-convoy na lang papunta sa mismong restaurant kung saan may reservation na raw kami. "I forgot to bring your slippers," sambit naman ni Ross nang magsimula na siyang magmaneho. "Naglinis kasi ako ng sasakyan kahapon. Nalimutan kong ibalik dito," paliwanag niya pa. Nalungkot man ako dahil kanina pa rin nangangawit ang mga paa ko pero hindi ko na lang ipinahalata sa kanya at nginitian na lamang siya. "Ayos lang. Tutal, last day na rin naman natin, eh," pabiro ko pang sagot. "P'wede naman kitang bilhan kapag may nadaanan tayong tindahan," suhestiyon pa ni Ross na mahigpit ko rin namang tinanggihan. "Hindi na kailangan. Ayos lang naman saka hindi naman din tayo naglalakad. Kaya pa naman ng mga paa ko." Bahagya pa itong lumingon sa gawi ko para siguruhin kung nagsasabi ba ako ng totoo. Ganito naman kasi talaga siya. Akala mo ay lagi kong niloloko. "You sure?" "Yep! Very, very sure, Ross!" masaya kong sagot sa kanya na sinabayan ko rin ng pag-thumbs up. "Hindi ba talaga kayo for real?" Napalingon ako sa likurang bahagi at doon ko lang naalala na may kasama pala kaming iba rito. Nawala sa isipan ko. Natawa naman ako saka pasimpleng nilingon ang seryosong si Ross. "Hindi kami. Magkaibigan lang kami ni Ross," pagtanggi ko. Halata namang hindi sila naniwala sa sinabi ko. "Para kasing kayo, eh. May spark," pilit pa noong isa. "Ah. Komportable lang talaga kami sa isa't isa. Ikaw ba namang tatlong taon kayong laging nagkakasama, 'di ba?" wika ko. "Saka baka dati kaming kuryente sa past life namin kaya may spark?" hirit ko pang dagdag na ikinaismid ng katabi ko. Tumawa naman ang mga kasama namin at nang dahil doon sa biro ko ay nabago ang topic na pinag-uusapan namin. Kaya kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag dahil nagawa kong ilihis ang usapin. Kasi kung ako lang, wala namang kaso sa akin kung ganoon ang iniisip ng iba sa amin ni Ross. Maiintindihan ko naman sila kung aakalain nila dahil open-minded naman ako sa mga taong may "TH" o "Tamang Hinala", pero kung kay Ross naman ay hindi ko alam. Baka kasi naiinis na siya pero hindi niya lang ipinahahalata at ayaw ko naman na ganoon ang maramdaman niya. Baka kasi bigla na lang siyang umiwas dala ng sobrang awkward niya kaya minsan ako na lang ang nagpapaliwanag sa iba kapag inaakala nilang kami. Nasanay na lang din ako dahil iyon din ang kalimitang tanong sa amin ng mga kaklase namin, pero dahil siguro nagsawa na rin sila katatanong ay nasanay na lang din sila sa palagian naming pagsasama ni Ross. Mayamaya pa ay nagsihintuan na rin ang mga sasakyan na sinusundan namin at nagkanya-kanya ng pagpa-park. Hindi naman pala ganoon kalayuan ang restaurant mula sa kompanya dahil minuto lang ang lumipas ay nakarating na rin kami rito. Pagkababa ko ay roon ko lang natingnan nang maigi ang buong lugar. May pagka-magarbo ang tema ng restaurant kaya masasabi ko kaagad na purong mga mamahalin ang mga pagkain na narito. Bigla tuloy akong nahiya sa mga senior namin na siyang sasagot ngayong gabi. Pagkapasok pa lang ay magandang ambience na kaagad ang bumungad sa aming lahat. Naroon ang mga staffs na bumungad sa amin para batiin at i-accomodate kami sa puwestong naka-reserba para sa aming lahat. Ilan lang sa una kong napansin ay ang low-tempo music as a background, dim lights, at maging ang mga warm colors na tema ng buong magarbong kainan. Ito pa lang ang unang beses ko na makapapasok at makakakain sa ganitong klaseng lugar kaya hindi ko naitago ang pagkamangha, pero iyong sapat lang para naman hindi ako ikahiya ng mga kasama ko. Nasa kalagitnaan kami ng aming pagkain na sinasabayan din ng kuwentuhan at tawanan kaya buhay na buhay ang lamesa namin. Ang madalas na pag-usapan ay iyong naudlot na kuwentuhan kanina sa opisina kaya hindi mawala-wala ang asaran. "Noong unang linggo nila, inisip ko kaagad na mahihirapan akong pakisamahan ang mga batang ito. Iba-iba kasi ako ng impression sa mga ito, eh," kuwento ni Mr. Bobby. "Ako ho ba, Sir Bobby. Ano ang first impression mo sa akin bukod sa cute po ako?" masigasig na tanong ni Mickey na isa ring intern. Siya ang kadalasang clown namin dahil magaling itong magbiro at masaya kasama. Tila nag-iisip si Mr. Bobby habang nakatingin kay Mickey. "Ikaw iyong tipong nananapak—" "Ay, ang bayolente, Sir!" "Pero noong batiin ba naman ako, eh mas malambot pa pala kay Ma'am Tiffany," dugtong na wika ni Mr. Bobby na ikinatawa naming lahat dito sa hapag-kainan. "Pero tuwang-tuwa ako sa batang ito. Tingnan mo lang siya kapag stress ka na sa kako-compute ng mga sahod, okay ka na. Minsan kasi noong tingnan ko siya sa ginagawa niya, nginitian ako nang pagkalapad-lapad kasi alam niyang mali na ang ginagawa niya," pagkuwento pa ni Sir Bobby. "Ayan, ah. Happy pill niyo na ako," komento ni Mickey. "Pero itong batang ito naman ang masasabi kong na-intimidate ako talaga," muling sabi pa ni Sir Bobby na siyang ikinalingon namin sa kanya. "Sino ho iyan, Sir? Ako ho ba iyan?" presinta ni Mickey. "S'yempre . . . hindi ikaw," pang-aalaska naman ni Sir Bobby kay Mickey. "Iba kasi ang tindig, eh. Minsan nga naiisip ko na parang mas siya pa iyong head ng Department namin kasi nasa itsura niya, eh. Aside of that, nakikitaan ko talaga ng potential ang batang ito." Napalingon ako sa aking katabi na si Ross. Kasalukuyan itong umiinom ng tubig. Siya ang hula ko na tinutukoy ni Sir Bobby dahil nasa iisang office lang naman sila. "Ay, parang kilala ko ho kung sino, Sir Bobby. Sinetch itey? Ang clue, maraming may crush sa kanya na intern katulad ko," ngiting-ngiting sambit ni Mickey na paminsan-minsang sumusulyap sa gawi ni Ross. "Bigyan ko kayo another clue," ani Sir Bobby. "Magkamukha kami. Sa g'wapo ng batang ito, hindi maitatangging may pagkakahawig kaming dalawa," dagdag pa nito na mabilis tinutulan ng iba pa naming senior. "Kada kakain ako ng lunch sa cafeteria, puro siya ang pinag-uusapan, eh. Ginawa na siyang umagahan, tanghalian, at meryenda. Hindi ba, Angelica?" baling ni Mickey sa katabi niyang babae na ngayon ay pulang-pula na. "B-Bakit ako?" nahihiyang tanong nito. "Ay, sorry nadulas ako." "Sorry kayo, pero may Rosie na, eh," pagsingit naman ni Ma'am Tiffany habang nakangising nakatingin sa gawi ko. "Kayo bang dalawa, iha ni Ross?" tanong naman sa akin ni Sir Bobby na ikinataranta ko bigla. Alam kong sinabi ko na sanay na ako sa ganitong klase ng mga tanungan pero hindi naman sa mga senior na namin. Natahimik ang lahat na nasa lamesa at purong mga naghihintay sa isasagot ko. Kaagad akong tumingin kay Ross para sana humingi ng saklolo pero ang magaling na lalaki ay patuloy lang sa pagkain na mukhang nag-aabang din sa isasagot ko. P'wede bang siya naman ang sumagot this time? Tutal naman ay napuri siya ni Sir Bobby. Lumunok muna ako bago sumagot. "A-Ah, hindi po. Close lang po talaga kami nitong si Ross," sagot ko. "Gaano ka-close?" tanong muli ni Mickey na mukhang interesado sa amin. "Three years na kasi kaming magkaklase at magkaibigan, kaya ganoon. W-Wala naman na hong iba," tugon ko na sinundan ko rin ng hilaw na pagtawa. "Naku, kung ako iyan. More than friends kaagad sa akin," muling biro ni Mickey na ikinatawa ulit ng ilan. Marami pa kaming napag-usapan hanggang sa umabot na rin sa dessert ang aming kinakain. Naroon ang mga bilin at paalala sa amin ng mga seniors namin. "Kami naman ay natutuwa talaga dahil sa amin ninyo napiling magtrabaho para sa inyong internship. Doon pa lang ay masaya kami at maging ang management dahil pinagkatiwalaan niyo ang industriya namin to practice and to get an experience from us. Atleast, we became part of your stepping stone and . . . we are hoping for the success of each of you. Lahat kayo ay may mga potensiyal at naniniwala kaming malayo ang inyong mararating. Huwag ninyong kalilimutan ang moral at ethics kapag nagsimula na talaga kayo sa trabaho, dahil may ilan sa mga tao na . . . alam niyo iyon . . . nawawala na iyon kapag nagsimula nang pumasok sa industry. Iyan lang ang maipapayo ko sa inyo," mahabang imporma sa amin ni Sir Bobby na sinundan pa ng iba naming seniors. Maging kami ay nagsalita rin at nagpasalamat sa kanila para ihayag ang ilan sa mga naging experience namin. Matapos niyon ay saka na rin napagdesisyunang umuwi na dahil mas'yado na ring lumalalim ang gabi. Nagkanya-kanya pa kami ng paalaman kaya bahagya pang natagalan, lalo na ako kay Ma'am Tiffany na masasabi kong naging best friend ko sa maikling panahon ng aking pagtatrabaho roon. "Hala, umulan!" komento ko nang makalabas sa establisyemento. "Ang tagal mo raw kasi, eh. Ayan, inabutan tayo," ani Ross. Napanguso naman ako. "Imbento ka r'yan." Tinawanan naman ako nito saka muling lumingon sa unahang bahagi. Nakasakay na ang iba at ang iba pa naming kasama ay nahinto rin sa pag-alis tulad namin. Medyo kailangan pa kasing lakarin nang bahagya papunta sa sasakyan ni Ross kaya tiyak na mababasa kami kapag sumuong na kaagad lalo at biglang buhos pa naman nang malakas ng ulan. "Kaya naman siguro kung tatakbuhin natin?" suhestiyon ko pa. Mabilis itong lumingon sa akin saka sinulyapan ang bahagi ng aking paanan. "Nang nakasuot ka ng ganyan?" paniniguro pa nito. Mabilis akong kumilos para tanggalin ang suot kong sapatos na may takong. "Oh, ayan! Wala na ang problema," saad ko habang tinutukoy ang hawak ko nang sapatos. Tumingala si Ross sa madilim na kalangitan para siguro tantiyahin ang ulan pero kalaunan ay bumaling ulit sa akin. "Tara na?" pag-aya nito sa akin. Tumango naman ako bilang tugon. "Akin na iyang sapatos mo." Iniabot ko naman iyon sa kanya at siya na ang humawak doon. Mabilis nitong hinawakan ng kanyang kanang kamay ang aking kaliwang kamay at ang isa naman niyang kamay ang nagtalukbong niyon sa ibabaw ng aking ulo saka nagmuwestra na tatakbo na kami. Sabay naming sinuong ang malakas na ulan habang pilit niyang sinusubukang takluban ako. Nakarating naman kami kaagad sa tapat ng kanyang sasakyan, pero iyon nga lang at natagalan kami nang kaunti dahil nahirapan siyang kuhanin ang susi sa bulsa ng kanyang pantalon. Parehas pa kaming nagkatawanan dahil tuluyan na talaga kaming nabasa. Kaagad niya akong inalalayan na makapasok sa loob bago siya umikot sa kabila. Hindi pa ako umupo nang maayos dahil nababasa ko ang upuan ng sasakyan niya. Kanya-kanya kaming punas sa aming basang mga braso para man lang mabawasan ang pagtulo ng tubig sa aming katawan. Kasabay niyon ang paghina rin ng ulan kaya sabay kaming napasilip sa labas. Nagkatinginan kami at sabay ring napasimangot sa isa't isa. "Akala ko tao lang ang manloloko. Panahon din pala," usal ko pa habang nakatingin nang masama sa labas. "Ngayon lang ako a-agree sa iyo," ani Ross. Napatingin ako sa kanya para sana samaan din siya ng tingin pero natigilan ako nang makita ang estado nito. Bahagyang nakabukas ang unang butones ng polo shirt niya habang nakatupi ang sleeve nito. Hindi ko rin alam kung ano ang sumapi sa akin para dumako sa kanyang dibdib ang aking paningin. Hindi rin nakaiwas sa aking paningin ang pagkakatingin nito sa akin—specifically, sa dibdib ko. Sasawayin ko na sana siya nang si Ross na mismo ang unang umiwas ng tingin. "Bakit naman ganyan kanipis ang tela ng suot mo?" May bahid na inis sa tono ng boses niya. Tiningnan ko naman ang aking damit pero doon ko napansin na bumakat na pala ang suot kong bra sa polo shirt ko rin. Doon ko napagtanto kung ano ang nakita sa akin ni Ross kung ikukumpara sa nakita ko. Nanaig ang katahimikan sa pagitan namin habang nakaharang ang aking mga braso sa tapat ng dibdib ko. Ngayon lang ako nahiya nang ganito kay Ross, dahil sa ganitong rason pa. "I don't know kung nadala ko ba ang lagi kong baon na towel ngayon, b-but you can check it. Nasa backseat," aniya nang hindi nakatingin sa akin. Nakatingin ito sa labas ng bintana niya habang nakahawak siya sa manibela. "S-Sige." Bahagya akong kumilos para hanapin ang tinutukoy niya pero wala naman akong nakapa na kung ano roon kaya tinawag ko siya. "Wala yata rito." "Naalala ko na nadala ko iyon," sagot nito na mukhang nakalimutan yata na prohibited siyang lumingon muna sa akin. Huli na bago siya nakaiwas at dumiretso na lang para hanapin sa likuran ang tuwalyang tinutukoy niya. Kaunti na nga lang ay ako na ang papalit sa pinto ng sasakyan sa side ko kadidikit doon dahil nahihirapan sa paghanap si Ross sa tuwalya. "Got it." Kaagad nitong itinakip sa aking harapan ang tuwalyang nakuha niya saka umayos ng upo. "Punasan mo ang sarili mo," utos nito sa akin na sinunod ko naman. Sinimulan na rin niyang paandarin ang sasakyan. "P-Paano ka? Hindi ka ba nilalamig?" "I'm fine, Rosie as long as nakatapal iyang tuwalya sa iyo," seryosong tugon nito na hindi ko naman mas'yadong naintindihan pero tumango na lang ako. Mayamaya pa ay narinig ko itong mahinang nagmura kaya pasimple ko siyang nilingon. Hindi na lang ako umimik at mas hinigpitan na lang ang pagkakakapit sa tuwalyang nakatapal sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD