CHAPTER SIX

1715 Words
KINABUKASAN, pagkarating ko sa classroom ay ako pa lang ang tao. Sinadya ko talagang agahan dahil inspired ako ngayon lalo pa na seseryosohin ko talaga ang pagtulong sa akin ni Ross. Idagdag pa sa rason ko ang ibinalita sa amin ni Kuya kahapon na may trabaho na siya. Sinisipag akong mag-aral lalo. Naupo ako sa lagi kong puwesto habang naghihintay. Ilang minuto ang lumipas nang may pumasok din. Nagkatinginan pa kami hanggang sa ngumiti ako nang malapad sa kanya habang dumidiretso siya sa kanyang upuan. "Maaga ako ngayon. Naunahan pa kita," masayang pagbibida ko. Ngumisi ito. "Keep it up." "Huwag kang mag-alala, hindi lang ako sa una magaling," dugtong ko pa kasabay nang pagkindat ko sa kanya. Wala siyang naging reaksyon pero tinalikuran niya na ako at tuluyang naupo sa sariling silya. Pagkaraan pa ng ilang minuto nang magsidatingan ang iba naming mga kaklase. Kasabay niyon ang pagdating ng Class Representative namin at saka nag-announce. "Guys, nakasalubong ko si Ma'am sa ibaba kanina. Be ready raw. May surprise graded recitation daw," imporma niya. Tila nayanig ang brain cells ko sa sinabi nito sa buong klase. Kanya-kanyang reaksyon at side comments ang mga narinig ko mula sa iba naming kaklase. Nataranta ako pero hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Gusto kong mag-review kahit saglit pero kakarampot lang ang laman ng notes ko. Minsan kasi, kapag hindi ko na nasusundan ang sinasabi ng Prof namin, hindi ko na itinutuloy ang pagjo-jot down. Ilang segundo rin yata ang itinunganga ko bago ako kumilos. Hindi ko alam pero awtomatiko akong napalingon sa gawi ni Ross na saktong napatingin din sa akin. Masasabi ko na sa uri pa lang nang pagkakatingin ko sa kanya ay alam na niya kaagad ang nasa isip ko. Tatayo na sana ako papunta sa upuan niya nang biglang tumahimik ang classroom namin dahil dumating na pala si Ma'am. Mas lalong nagkagulo ang mga ugat at dugo ko sa loob ng katawan ko. "Keep all your notes," bungad nito sa amin bago kami binati ng, "good morning". Walang good sa morning dahil sinorpresa niya kami. Kaagad siyang nagtawag ng pangalan. Nasa letter M ang apelyido ko, kaya mas mauuna akong matatawag kumpara kay Ross. Pansin ko pa ang maya't maya niyang paglingon sa akin, pero ako na lang din ang umiiwas ng tingin. Wala na tayong magagawa sa kapalaran ko. "Rosamie Monticildez." Muntik pa akong mapatalon sa aking silya nang marinig kong tinatawag na ang aking pangalan. Tumalima naman ako sa pagtayo kahit na alam kong hindi ako handa sa ibabato nito sa aking tanong. "What's the difference between Training and Development?" Literal na makaririnig ka ng tunog ng insekto sa paligid. Feeling ko nga rin naka-full volume ultimo ang paglunok ko ng laway sa sobrang tahimik. Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip, muli akong napalingon sa gawi ni Ross. Nag-aabang din siya sa isasagot ko. Iyong tingin niya pa ay nang-uudyok na sana may mapiga man lang ako ni katiting na knowledge sa pinakasuluk-sulukan ng utak ko. Pero kahit hagilapin ko pa sa right o left hemisphere ng utak ko, wala pa ring assurance kung may itatama ako. "A-Ang Training po, siya iyong nagse-serve as... ano... stepping stone ni employee bago siya isalang sa mismong workplace. Kapag Development naman po, more on attitude and behavior ni employee," tugon ko sa hindi siguradong tono. Matapos niyon ay pinaupo na ako. Wala kaming ideya kung ilan ang grado naman sa recitation na ito. Naubos ang buong oras namin sa pagre-recite, at as usual, nakasagot si Ross. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Halos sabay-sabay kaming napahinga nang malalim nang i-dismiss na kami. Mukhang mapaparami ako ng kain dahil naubos yata ang energy ko. Pababa ako ng hagdanan nang may sumabay sa akin sa paglalakad. "Your answer wasn't bad though." Napalingon ako sa kanya. Si Ross. Napalabi ako dahil sa sinabi niya. "Salamat sa pampalubag-loob," wika ko. "Hindi iyan pampalubag-loob. May punto ang sagot mo kaya may grade ka pa rin. Hindi mo lang nakuha ang eksaktong sagot but you were still on point," paliwanag ni Ross. "Weh? Talaga ba?" "Tama naman na stepping stone ng mga newly hired employee ang Training. Pero ang totoong pinagkaiba nila, kapag Training it means, short-term ang knowledge and skills kasi mas naka-focus siya sa role o job ng isang tao. Umiikot lang siya sa present needs ng company. Responsibility ito ng organization kasi sila mismo ang nagpo-provide," pagpapaliwanag nito habang mataman akong nakikinig sa kanya. "Kapag Development naman? Para kasing same lang sila, eh. Kapag nag-training ka, it means, may development," pagra-rason ko. Nilingon ako nito. "Nasaan ka ba noong nagka-klase si Ma'am?" "Nasa room. Kasama ninyo." "Retention, Miss Monticildez. Retention," iiling-iling niyang wika. "Kapag Development naman kasi, panglong-term ito at mas naka-focus mismo sa person. It means, hindi lang basta sa skills at knowledge. It is beyond of that. More likely focuses on career building and progression of the employee. Kumbaga, mas futuristic siya kumpara sa Training. Dito kasi, both responsibility ni organization at employee. Ngayon, nasa empleyado kung paano niya tatanggapin at ie-execute ang natutuhan niya," dagdag nitong paliwanag. Wala akong nagawa kung hindi ang pumalakpak sa kanya habang patuloy pa rin kaming naglalakad. "Grabe ka!" manghang komento ko pa. Hindi naman niya pinansin ang mga pakulo ko at diretso lang ang tingin habang naglalakad. "Naintindihan mo ba ang sinabi ko?" tanong niya sa akin. "Yes, Sir! Malinaw na malinaw," maaliwalas kong sagot pa. "May idadagdag ka pang explanation?" "May lugar lagi ang changes at grow kay Development," aniya. "Naks! Talaga nga namang may maihihirit pa," biro ko pa. "Ay, nga pala. Maghuhulog na ako para sa ipon challenge natin. Naisip ko rin kasi na better iyong idea mo. Atleast, ngayon pa lang matututo na akong budget-in ang pera. Baka may tips ka r'yan kung paano makakaipon?" "Unahin mong kuhanin ang pera na ise-save mo. Hindi iyong kung magkano ang natira sa pera mo, iyon ang ilalagay mo sa ipon. Try mong unahing i-budget ang savings mo bago ka pa makagastos," aniya. Tumango-tango ako. "Sige, sige, lods." Nakarating na kami ng Food Hall at nagsabay na rin kaming kumain. Feeling ko nga close na close na kami, eh. Medyo nabawasan na rin siya ng pagkaseryoso at nagagawa pa nga'ng sumabay sa mga jokes ko na havey. "May girlfriend ka?" bigla kong tanong sa kanya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Nabitin pa nga yata ang paglunok niya sa iniinom na tubig nang itanong ko iyon sa kanya. "Bakit?" "Ito na naman si 'bakit'. S'yempre, wala lang. Natanong ko lang ganoon. Sagutin mo na lang, okay?" "Wala," kaswal na tugon niya. "Weh? Tunay ba? Baka echos ka lang, ha? Hindi nga? Sus, imposible," eksaherada kong komento. "Required ba?" "Hindi naman. Naisip ko lang kasi, boyfriend material ka, eh. Actually, hindi lang iyon. Pang-husband material na rin. Kasi kung umasta ka kamo, para kang pamilyadong tao. Like, tingnan mo iyong ipon challenge mo sa akin. Pang-financial security ang peg," daldal ko habang paminsan-minsang ngumunguya. Dito na nagsimulang magtaas ng kilay sa akin si Ross. Mukhang hindi na niya napigilan. "Maraming gumagawa ng pag-iipon, Rosie. And it's a must lalo na sa edad pa lang natin dapat natututo na tayo," segunda nito. "Alam ko naman. Nakaka-amaze lang." Inililigpit nito ang platong pinagkainan niya nang makitang tapos na rin akong kumain. "Saan ka naa-amaze?" "Sa mindset mo," sagot ko. "Pati na rin sa iyo," pagtuloy ko. "Kasi, parang alam na alam mo iyong daang tinatahak mo. Napaka-organize mong tao. Iyong parang . . . may mapa ka laging dala para hindi ka naliligaw at alam mo kung saan talaga ang destinasyon mo," mahina't seryoso kong sambit. "At ikaw ba?" Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. Matiim itong nakatingin sa akin at ganoon din naman ako. "Wala akong mapa. Sabay sa agos lang ako. Alam mo iyong feeling na . . . may gusto kang gawin, may gusto kang puntahan pero hindi mo magawa kasi hindi mo alam kung saan ka pupunta. Kung saan ka magsisimula. Kaya pakiramdam ko, wala ring direksyon ang buhay ko," paliwanag ko kasabay nang mahina kong pagtawa. Nanatiling tikom ang bibig ni Ross ng ilang segundo bago umimik. "It's natural. Wala mali at walang masama r'yan. Sa ganitong edad natin, nasa punto talaga tayo ng ganito. Hindi lahat ng may plano sa buhay, iyon na ang masusunod. Minsan, may pagkakataong kailangan mong lumihis para matuto ka. Life is about short-cut or long-cut. Alin man ang daanan mo r'yan, walang duda na makaka-encounter ka ng pagsubok. Regardless of your pace, hindi malabong makararating ka pa rin sa paroroonan mo," banayad ang pagkakasabi nito sa akin. "Ang ganda," manghang usal ko. "Ng?" naguguluhan niyang tanong sa akin ni Ross. "Ng mga sinabi mo. Life changing, Ross!" Dinaan ko sa biro ang komento ko pero ang totoo ay na-appreciate at nagandahan ako sa sinabi niya. Kahit papaano, nabuhayan ako ng loob na may magagawa pa pala talaga ako. Na hindi ko kaklangang mainggit sa iba kasi may plano sila para sa buhay nila hindi katulad ng akin. Sabagay nga naman, aanhin mo ang plano kung drawing lang din iyon at hindi makukulayan. Minsan, mas mabuti pala na mauna ang kulay bago iyong outline. Kasi kahit papaano, alam ko na kung paano ko pagagandahin ang isang sketch. Alam ko na kung ano-anong klase ng kulay ang gagamitin ko para makulayan iyon. "Gumawa ka ng sarili mong mapa. Kasi hindi mo p'wedeng gamitin ang mapa ng iba, dahil p'wede kang maligaw gamit ang mapa na hindi naman talaga nakalaan para sa iyo," habol pa niya. Magkokomento pa sana ako pero natigilan na ako nang makita ko siyang ngumiti sa akin. Natulala na lang ako dahil ito ang kauna-unahang sinserong nakita ko mula sa kanya. I mean, iyong pagtulong niya kasi, ramdam ko. Pero iyong ngiti niya, kita ng dalawa kong mga mata. "Hala, ngumiti ka!" gulat na gulat kong sabi. Mas nanlaki ang mga mata ko nang mauwi sa pagtawa ang ngiti niya. Saglit lang iyon habang naiiling siya dahil mukhang pinipigilan niya pero kontento na ako roon. "Let's go. Magre-review pa tayo sa Taxation," aniya habang kinukuha ang platong pinagkainan niya at kahit na ang akin. Napangiwi ako. "Ay, nag-eenjoy na ako sa heart-to-heart talk natin, eh." "Hindi lang puso ang paiiralin." "S'yempre, bitter ang nagsabi, eh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD