Epidsode 1
Aira's POV
"WANTED: SERVANT. 100K Monthly. No Experience Needed. Accommodation Provided."
Yan ang nakasulat sa flyer na nakita ko kanina sa poste ng Meralco sa may palengke. Mukhang sketchy, oo, pero kapag desperate ka na, lahat ng opportunity, kahit gaano pa ka-weird, sinusunggaban mo.
"One hundred thousand... sa isang buwan?" bulong ko habang nakaupo sa may gilid ng kalsada, hawak pa rin ang lukot na papel.
Tumunog ang notification ng phone ko. Isang text mula kay Ate
ATE: Wala na tayong bigas. Paki-check na lang yung mga bata.
Napakagat ako sa labi. Para sa pamangkin kong may sakit. Si Ate, dalawa ang anak at walang matinong trabaho. Ako lang ang puwedeng umalalay ngayon.
"Bahala na..." bulong ko, sabay tayo at sinimulang sundan ang address na naka-print sa flyer.
Dalawang jeep at isang tricycle ang sinakyan ko bago ako nakarating sa dulo ng isang pribadong daan. May malaking itim na gate sa harap ko, at dalawang lalaking naka-itim ang nakatayo sa magkabilang gilid.
Security?
"Uh... good afternoon po. I'm here for the servant job? Yung nasa flyer?" nanginginig kong sabi.
They didn't smile. Instead, one of them stared at me from head to toe. "Name."
"A-Aira Dela Cruz po."
He looked down at his phone and typed something.
"Follow me."
I hesitated. Parang gusto ko na lang umatras. Pero 100k is 100k. Para kay Mama 'to.
Pagkapasok sa loob ng gate, para akong nasa ibang mundo.
Ang laki ng mansion. Black and gray ang theme, puro mamahaling kotse, at may fountain pa sa gitna. Pero kahit gano'n kaganda, may kakaiba. Parang malamig... hindi dahil sa aircon. Parang may something na mali.
Bumukas ang pinto. Isang matandang babae ang sumalubong sa'kin.
"You must be Aira. Come in."
British accent. Mamahalin ang itsura. Nakaputi, parang si Madame sa mga teleserye.
"Uh, opo. I-I mean, yes po," sabi ko, sabay sunod sa kanya.
Dinala niya ako sa isang maliit pero malinis room. May uniform sa kama. Maid uniform, black and white.
"You'll start tomorrow. Rules will be discussed then. Do not enter the east wing. Ever."
Napakagat ako sa labi. "Opo."
"Dinner is at six. Don't be late."
She left me without another word. Naiwan akong tulala. Bakit walang kontrata?. Walang tanong. Parang... sino ka lang basta papasok ka sa bahay na 'to at may 100k ka na agad?
But I needed this. We needed this.
Humiga ako sa kama at pinikit ang mga mata. Trying to calm the nerves in my chest.
Until...
Thud.
May narinig akong tunog sa labas ng pinto. Parang... may nahulog? O may bumagsak?
Lumapit ako sa pinto. Dahan-dahang binuksan. Wala namang tao sa hallway.
Pero ramdam ko... hindi ako nag-iisa.
Tumigil ako sa hallway. Tahimik.
As in sobrang tahimik. Walang kahit na ano, sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa kaba.
Baka hayop lang 'yun... o baka isa sa mga staff.
Pero bakit ganon? Bakit parang ang bigat ng hangin dito? Parang may mga matang nakatingin sa likod ko.
Dahan-dahan akong umurong pabalik sa kwarto, pero bago pa ako makapasok, may malamig na boses na sumabog sa likod ko.
"Who told you to open that door?"
Napalingon ako bigla. Tumigil ang mundo ko.
Sa harap ko ngayon... isang lalaking naka-all black, nakasuot ng leather gloves, sharp ang features, at parang tumigil ang oras sa lakas ng presence niya.
Matangkad. Mas matangkad pa sa average Pinoy. Maputi, sharp jawline, at parang galing sa international magazine ang datingan. Pero 'yung mga mata niya, sobrang lamig. Emotionless. Dangerous.
"I—I'm sorry po. Narinig ko lang kasi may nahulog—"
"And that gave you permission to roam around?" He took one step closer.
Kumakabog na ang dibdib ko. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa takot.
"Do you know where you are?"
He tilted his head slightly, as if studying me.
"S-Sa mansion n'yo po..." halos hindi ko na madugtungan.
"Wrong."
His tone dropped an octave. "You're in my world now. And in my world... people who don't follow rules disappear."
Napalunok ako. Parang gusto ko na lang mag-resign right that moment. Pero hindi ako pwede umalis. Hindi ko pwedeng sukuan 'to. Para 'to kina Ate, 'yung pamangkin ko...
"I understand po," mahina kong sagot.
He stared at me for a few seconds, like he was calculating whether he should hurt me or let me go.
Then, out of nowhere, he smirked.
"Clean yourself up. You're a mess."
Sabay talikod. Umalis na parang wala lang.
Hindi ako makagalaw agad. Pero habang papalayo siya, doon ko lang napansin ang dugo sa gilid ng leeg niya. Parang... sugat?
Tapos 'yung hawak niya kanina na gloves. May bahid ng pula.
Hindi siya basta rich guy lang.
At sigurado ako... hindi lang siya basta boss sa mansion na 'to.
Siya 'yung klase ng tao na kapag nagalit, may mamamatay.