Aira's POV
Maaga akong nagising dahil sa alarm clock na hindi ko maalala kung kailan nilagay sa kwarto ko. 5:30 AM. Sa totoo lang, wala akong tulog halos kagabi. Hindi ko makalimutan 'yung mga mata nung lalaki kahapon.
Hindi siya normal na boss. May something sa kanya na parang... mamamatay ka kung napatingin ka sa maling anggulo.
But still, I'm here. Because I have no choice.
Suot ko na ngayon 'yung maid uniform. Medyo fitted, black dress na may white apron. Sabi sa flyer, 100k ang sahod... pero parang kasama na dito ang takot sa buhay.
Paglabas ko ng kwarto, naroon na 'yung matandang babae kahapon.
"Finally. I expected you earlier. Follow me."
Tahimik lang akong sumunod sa kanya habang nililibot niya ako sa mansion. Ang laki-laki nito, parang kulang pa ang isang araw para lang kabisaduhin lahat.
Pinakita niya sa akin ang mga lugar na pwede kong linisin....living room, kitchen, guest halls. Pero laging may paalala:
"Never go near the East Wing. Wag kang makikialam sa lalaking 'yon. Do your job, and pretend you see nothing."
Tumango lang ako. At this point, kahit anong sabihin nila, susunod na lang ako. I'm not here to investigate. I'm here para mabuhay... at makapagpadala ng pera sa bahay.
Habang naglilinis ako ng sahig sa hallway, napansin ko 'yung mga paintings. Lahat dark-themed. Puro mga portrait na hindi ko kilala except sa isa.
Isang babaeng may hawig sa akin.
Napapitlag ako.
"You're staring again."
Napatili ako sa gulat.
Nasa likod ko na naman siya.
"I-I'm sorry po! Hindi ko po sinasadya!" mabilis kong sagot habang yumuko.
He didn't respond right away. Narinig ko lang 'yung mabagal niyang paglalakad papalapit.
Then...
"Why do you look like her?"
Napakunot noo ko. "P-po?"
"Never mind."
Tumalikod siya agad at nawala na parang multo. Naiwan akong tulala.
Like her?
Sino 'yung "her"? Bakit ganon siya makatingin?
At habang nag-iisip ako, doon ko lang napansin 'yung security camera sa may sulok ng kisame. Nakatingin... diretso sa akin.
_____
Hindi ako mapakali habang pinupunasan ko ang center table sa living room. Pakiramdam ko, kahit anong galaw ko, may nakatingin. 'Yung tipong kahit simpleng paghingang malalim, ay dapat alam nila.
Kanina lang, nahuli ko na naman 'yung red light ng camera na nakatutok mismo sa'kin. Hindi naman siguro normal na servant lang ako pero parang 24/7 under surveillance?
Sinubukan kong balewalain. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko.
Pero habang naglalagay ako ng basahan sa isang cabinet, may nalaglag na papel mula sa loob.
Lumuhod ako at kinuha 'yun. Medyo luma na. May stain pa ng something brownish... dugo ba 'to?
Nakasulat lang sa papel
"Don't ask questions. Or you'll end up like her."
Nanlaki ang mata ko. Napaatras ako agad. Sinong 'her'?
Bago pa ako makapagtago ng papel, biglang may humawak sa balikat ko.
"What are you doing here?"
Muntik na akong mapasigaw.
Siya na naman. Ang lapit niya sa'kin. As in, sobrang lapit. Mas malapit pa sa comfort zone ko. At ramdam ko ang bigat ng tingin niya.
"You're in the wrong hallway," he said in that usual calm-but-scary tone.
"S-Sorry po! May nalaglag lang pong papel—"
Sabay pakita ko ng papel, pero...
Blanko.
Walang sulat. As in literal na wala. Parang ordinaryong punit lang ng papel.
Napakunot ang noo ko. "I—I swear po, may nakasulat dito kanina..."
"Are you hallucinating now?"
Isang kilay niya ang tumaas. "Or are you just trying to snoop around?"
"No! Hindi po! I just..." naputol na lang 'yung boses ko. Wala na akong paliwanag.
Tahimik siyang tumitig sa papel, saka inagaw ito mula sa kamay ko at pinunit sa harap ko.
"Don't be curious, Aira. Curiosity gets people killed."
Malamig na sabi niya.
Pagkaalis niya, parang nanlamig ang buong katawan ko.
Was that a threat? Or a warning?
Pero habang papalayo siya, may nasabi siyang mahina halos hindi ko marinig.
"They never learn."
Later that night...
Hindi ako makatulog.
Alas-diyes na. Tahimik ang buong mansion. Pero 'yung tahimik na hindi komportable. Tahimik na parang... may bumubulong sa dilim.
Tok... Tok... Tok...
May kumatok sa pinto ko.
"S-Sino yan?"
Walang sumagot.
Tumayo ako at dahan-dahang binuksan ang pinto.
Wala. Walang tao.
Pero sa sahig, may isa na namang papel.
May nakasulat na,
"He's watching. Always."
Pinulot ko ang papel sa sahig. He's watching. Always.
Napatingin ako sa paligid. Wala namang camera sa mismong hallway na ito, at least wala akong nakikita. Pero bakit ganon? Bakit parang kahit saan ako tumingin, may mata na sumusunod?
Saka ko lang napansin 'yung sulat kamay sa papel, parang pamilyar. Parang sulat babae.
Baka isa sa mga dating servant dito? O baka...
Naputol ang iniisip ko nang biglang may malamig na hangin na dumaan. Napalingon ako.
May isang pinto sa dulo ng hallway na parang hindi ko pa napapansin kanina.
May karatula na
"DO NOT OPEN."
Pero unlike sa ibang pintong nakita ko, ito luma na. May kalawang na ang doorknob, parang hindi na ginagamit.
Tumingin ako sa kaliwa, sa kanan. Walang tao. Tahimik.
Lumapit ako. Hawak ang papel, dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko sa doorknob...
"I SAID, DO NOT TOUCH THAT DOOR."
Napalingon ako at muntik nang matumba sa sobrang gulat.
Zeke.
Nakatayo siya sa may kadiliman, pero litaw na litaw ang matalas niyang tingin.
"B-bakit po? Anong meron diyan?" nanginginig kong tanong.
Nilapitan niya ako. Mabagal. Walang ingay ang sapatos niya pero ramdam mo ang lakas ng presensya niya. Hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan namin.
Tumigil siya, saka yumuko ng konti para magpantay kami ng mata.
"This is your first warning."
"If I catch you snooping again, Aira... warning won't be the next thing I give you."
Humigpit ang hawak ko sa papel. Nanginginig ako. Pero hindi ako makagalaw.
Tumalikod siya sa huli. Habang lumalakad palayo, nagsalita siya muli ng mahina, pero malinaw
"Dead girls don't ask questions."
Pagkasara ng pinto ng kwarto ko, napaupo ako sa sahig. Nanginginig pa rin. Hindi ko alam kung galit siya o concerned... o pareho.
Pero isang bagay ang malinaw sa akin ngayon.
This mansion has secrets. Dangerous ones.
And I'm already too deep to back out