Aria's POV
Isang linggo na akong nasa mansion.
Pero sa totoo lang, parang buwan na ang lumipas sa dami ng naranasan ko. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumalalim ang tanong sa isip ko kung sino ba talaga si Zeke? Anong klaseng buhay ang ginagalawan niya? At bakit ako pa ang napiling maid?
Hindi ko pa rin alam ang sagot.
Pero ang alam ko, hindi normal ang lahat dito.
Lunes ng umaga, habang nag-aayos ako sa may hallway, biglang tumawag si Zeke.
"Aira," malamig niyang tawag mula sa may hagdanan. Nakaputing polo siya, bukas ang dalawang butones sa itaas, naka-itim na pantalon, at hawak ang cellphone.
"Po?" sagot ko, agad na tumigil sa pagwawalis.
"Get dressed. You're coming with me."
Napakunot noo ako. "Po? Saan po?"
"Outside. Don't ask questions."
Hindi ko na naituloy ang tanong ko. Tumalikod na siya at bumaba sa hagdan.
Sa loob ng sasakyan, tahimik lang siya habang nagmamaneho. Ako naman, hindi mapakali. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, o kung anong mangyayari. Ilang beses akong lumingon sa bintana, sinusubukang kilalanin ang lugar, pero hindi ko pa ito napuntahan kahit kailan.
"Bakit po ako kasama?" tanong ko, mahina lang ang boses ko.
"May kailangan akong ayusin. You'll help me with something."
"Pero... hindi ba po delikado?" bulong ko.
Napalingon siya sandali. "Kung delikado, hindi kita isasama. Just follow what I say."
Kung delikado, hindi niya ako isasama...?
Bakit parang... pinoprotektahan niya ako?
Pagdating namin sa isang mataas na gusali sa loob ng Makati, pinababa niya ako.
"Stay close. Don't talk unless I say so."
Tumango ako.
Pagpasok namin, sinalubong kami ng dalawang lalaking naka-itim. Pormal, seryoso, parang may binabalak.
"Zeke," sabi ng isa. "The documents are ready."
Tumango lang si Zeke. Hinawakan niya ako sa braso, mahigpit pero hindi marahas.
And for the first time... he pulled me closer.
Hindi dahil sa kung ano ano kundi para sa proteksyon.
Sumakay kami sa elevator papunta sa ikatlong palapag ng gusali. Tahimik lang si Zeke, nakakunot ang noo, tila may malalim na iniisip. Ako naman, pilit pinapakalma ang dibdib ko. Hindi ito ordinaryong lakad. Ramdam ko.
Pagbukas ng elevator, bumungad ang isang malawak na conference room. May isang mahabang mesa sa gitna, at sa dulo nito, may apat na lalaking naka-itim na nakaupo, lahat mukhang de-kalibre ang porma. Para silang mga tauhan sa pelikula... pero totoo sila. Nakatitig sa amin.
Zeke didn't flinch. Tahimik siyang umupo sa kabilang dulo, habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa likod niya.
Isa sa mga lalaki ang nagsalita.
"Bata mo 'yan?" sabay tingin sa akin.
Tumango lang si Zeke. "She's under my protection."
Halos mapasulyap ako sa kanya. Proteksyon? Ako? Hindi ko maintindihan, pero parang may gumaan sa dibdib ko sa narinig.
"Then she should hear what we're about to say," sabat ng isa pa, mas matanda sa kanila. "Kung totoong gusto mong i-involve siya sa mundo natin, kailangan alam niya ang lahat."
Zeke turned to me. Seryoso ang mga mata niya. "Sit."
Hindi ako agad gumalaw. Pero nang hindi siya tumingin palayo, alam kong kailangan kong sumunod.
Umupo ako sa tabi niya, magkalapit lang kami pero ramdam ko pa rin ang pader sa pagitan naming dalawa.
"May paparating na shipment," sabi ng matanda. "Illegal weapons from Europe. Nasa ilalim ng pangalan mo, Zeke."
"Alam ko," maiksing sagot niya.
"Pero may leak."
Nanlamig ang batok ko sa narinig.
"May isang grupo ng baguhan na sinusubukan kayong guluhin. Gusto nilang kunin ang ruta ninyo, at may balita kaming may nagsusumbong mula sa loob."
Tahimik si Zeke. Hindi siya nagulat. Parang alam na niya.
"Gusto naming malaman kung sino. At kung mahuli mo man, alam mo na ang gagawin."
Tumango si Zeke, saka nagsalita sa malamig at matigas na tinig
"I'll find the rat. And I'll deal with him my way."
Hindi ako makahinga habang nakikinig. Ang dami kong gustong itanong, pero alam kong hindi ito ang tamang lugar.
Hindi lang pala si Zeke isang mafia. Isa siyang lider. Isang boss.
At ngayong naririnig ko na ang mga salitang "shipment," "weapons," at "leak"... saka ko lang naramdaman ang bigat ng mundong kinalalagyan ko.
Hindi na ito laro.
At ang mas nakakatakot? Unti-unti na akong nadadala sa takbo nito.
Pagkatapos ng pulong, tumayo si Zeke at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. Tahimik siyang lumabas ng kwarto, at ako nama'y mabilis na sumunod. Kahit wala siyang sinasabi, alam kong kailangan kong manatili sa tabi niya.
Paglabas namin sa hallway, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Parang may malamig na hangin na dumaan, pero walang bintana roon. Ilang hakbang pa lang ang nalalakad namin nang biglang may sumigaw mula sa kabilang dulo.
"GET DOWN!"
Kasunod no'n, sunod-sunod na putok ng baril.
BANG! BANG! BANG!
"WAAAH!" Napasigaw ako at napayuko agad.
Hinila ako ni Zeke sa likod ng malaking haligi. Wala na ang usual niyang malamig na ekspresyon ang mukha niya ngayon, matalas at alerto.
"Stay behind me," mariin niyang sabi habang may inilabas siyang baril mula sa ilalim ng coat niya.
May baril siya. At ang hawak niya ay malaki, itim, at halatang mamahalin. Hindi ito laruan.
Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman kung takot, kaba, o paghanga ba. Pero ang isa lang sigurado ako, delikado kami.
"Boss, may nakapasok!" sigaw ng isa sa mga bantay na may kasamang putok ng baril. "Apat sila mga naka-maskara!"
Mga kalaban?
Napasulyap ako at nakita ko ang tatlong lalaking may itim na hoodie, may hawak ding armas. Papalapit sila. Hindi ko alam kung anong balak nila, pero lahat ng katawan ko nanginginig.
Zeke raised his gun. Sunod-sunod siyang nagpaputok.
bang! bang! bang!
Isa, bumagsak. Isa pa, napaatras.
Si Zeke, Killer siya.
Pero kahit anong lagim ng ginagawa niya... hindi niya ako tinitingnan nang may takot.
Sa kabila ng kaguluhan, nilapitan niya ako, hinawakan sa braso, at mariing bumulong, "I told you to stay close."
___
Matapos ang ilang minuto ng putukan, nagsimulang manumbalik ang katahimikan sa buong gusali. Ramdam ko pa rin ang pagyanig ng dibdib ko parang tumatakbo pa rin kahit wala nang panganib.
Ang isa sa mga tauhan ni Zeke ay lumapit at tumango.
"Linis na, boss. Tumakbo 'yung isa. Wala tayong casualty, kundi 'yung dalawa sa kanila."
Tumango lang si Zeke. Wala siyang imik, pero mabigat ang bawat galaw niya habang tinatago muli ang baril sa loob ng coat.
Hindi ako makapagsalita. Nanginginig pa rin ang tuhod ko. Nahawakan ko na lang ang dingding para hindi matumba.
Bigla siyang lumapit. Sa unang pagkakataon, lumuhod siya sa harap ko si Zeke, ang lalaking walang pakialam sa damdamin ng iba, ngayon... nakatingin sa'kin, parang may gustong sabihin.
"Are you hurt?" tanong niya, mahina ang boses. Iba sa karaniwang malamig niyang tono. Mas mababa, mas... maingat.
Umiling ako. "H-hindi po. K-kayo?"
Hindi siya sumagot agad. Sa halip, pinagmasdan lang niya ang mukha ko.
"Hindi dapat ikaw ang nandito," bulong niya. "This world isn't for someone like you."
Napakagat ako sa labi. "Pero... dinala n'yo po ako rito. Kayo ang nagsabi."
Tahimik siya.
"Kasi kailangan kitang makita kung hanggang saan ang kaya mong tiisin," sagot niya, mababa ang tinig. "If you run, then you're not for this life."
Napatingin ako sa kanya. "At kung hindi ako tumakbo?"
Lumingon siya sandali. Tila pinag-iisipan ang sagot.
"Then maybe," mahinang sagot niya, "I won't have to push you away."
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n.