Aria's POV
Pagkagising ko, pakiramdam ko wala akong tulog.
Namumugto ang mata ko, nananakit ang katawan ko, at para akong sinakal sa kaba buong magdamag. Pero kahit anong takot, hindi puwedeng huminto. May trabaho pa rin akong dapat gampanan.
Habang nagwawalis ako sa may hallway sa ikalawang palapag, napansin kong bukas ang isang pintuang dati ay laging nakasara. Malapit ito sa kwarto ni Zeke, pero hindi mismo sa kanya.
Tumigil ako sa harap ng pintuan, at sa loob, may narinig akong boses na lalaki. Hindi si Zeke. Mas magaan ang tono, may halong pagbibiro.
"Seriously, bro? You're keeping a maid? You? Of all people?"
May tumawa.
Hindi ako gumalaw. Gusto kong umatras pero natigilan ako nang biglang lumabas ang lalaki mula sa loob ng kwarto.
Matangkad. Magulo ang buhok pero halatang mamahalin ang damit. Nakasuot ng leather jacket kahit tanghaling tapat. May hikaw. May tattoo sa leeg. At may ngiti na parang... hindi ako dapat magtiwala.
"Hi," sabi niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "You must be the famous maid."
Hindi ko alam kung anong isasagot. Tumango lang ako. "Po?"
Lumapit siya. "Don't be scared. I'm Ace. Zeke's... unfortunately close friend."
Ngumisi siya habang nakatayo sa harap ko, parang wala siyang pakialam kahit mukhang aligaga ako. Pinasadahan niya ng tingin ang paligid, tapos bumalik ang mata niya sa akin.
"Cute ka pala in person. No wonder he's being so uptight lately."
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung tinutukso niya ako o seryoso siya. Hindi ito ordinaryong bisita.
Biglang may sumigaw mula sa loob ng kwarto.
"Ace. Leave her alone."
Boses ni Zeke.
Sumunod agad si Ace. "Easy, bro. Just saying hi."
Bago siya bumalik sa loob, lumapit pa siya sa akin at pabulong na nagsabi:
"Careful ka sa kanya, Aira. Zeke saves no one. Remember that."
Paulit-ulit 'yung sinabi ni Ace sa isip ko habang nililinis ko ang mesa sa may dining hall. Hindi ko alam kung seryoso siya, o kung trip lang niya akong takutin. Pero ang tono niya... hindi 'yon biro.
Mas lalo tuloy akong nalito.
Si Zeke, oo, malamig. Wala man lang kahit kunting emosyon sa mukha niya. Pero kagabi, kahit paano, pinatawad niya ako. Hindi niya ako sinaktan. Hindi niya ako pinalayas.
Hindi ba't kabaligtaran 'yon ng sinasabi ni Ace?
O baka hindi pa niya lang ginagawa. Baka hindi pa ngayon.
Naputol ang iniisip ko nang marinig kong bumukas ang pinto sa likod ko. Alam ko na agad kung sino.
Dahan-dahan akong tumalikod at nakita ko si Zeke, nakasuot ng itim na long sleeves, nakatupi ang manggas hanggang siko, at hawak ang cellphone. Tahimik siyang naglakad papasok, diretso sa kabilang dulo ng mesa.
"Sit," sabi niya.
Napatingin ako. "Po?"
"Upo. Kakain ka."
Halos mabitawan ko 'yung basahan. Did I hear that right?
"Ah, okay po..." Dahan-dahan akong umupo sa pinakamalayong silya sa pwesto niya. Inilapag ko ang kamay sa hita ko at sinikap hindi magpakita ng kaba.
Ilang minuto kaming tahimik. Siya, nakatutok sa phone. Ako, nakatitig sa kutsarang hindi ko naman ginagamit.
Maya-maya, tumingin siya sa akin.
"Ace talked to you?"
Tumango ako. "Opo."
"Ano'ng sinabi?"
Nagdalawang-isip akong sagutin. Pero para saan pa? Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ko sinasabi.
"Wala naman po. Sabi lang niya... magingat po ako sa inyo."
Tahimik si Zeke. Wala siyang sinabi. Pero 'yung mata niya, dumilim. Hindi galit na pasigaw kundi 'yung uri ng galit na tahimik pero mabigat.
"Don't listen to Ace," aniya, malamig ang tono. "He talks too much."
Tumango lang ako. Pero sa isip ko, mas lalong dumami ang tanong.
Kung totoo ang sinabi ni Ace, bakit parang... pinaprotektahan ako ni Zeke?
At kung hindi naman totoo, bakit parang may tinatago pa rin siya?
Pagkatapos naming kumain, agad akong tumayo para ligpitin ang pinagkainan. Tahimik lang si Zeke habang pinagmamasdan akong nagliligpit, pero ramdam ko ang tingin niya. Hindi ko alam kung mas kabado ako o mas naguguluhan na.
Habang naghuhugas ako ng pinggan sa may kusina, biglang nag-ring ang telepono ni Zeke.
Hindi ko intensyong makinig, pero malapit lang siya sa counter. Tiningnan niya ang screen, at agad sinagot.
"Talk."
Pabulong. Matalim. Seryoso ang mukha.
"Yes. Bring him in."
Tumayo siya, inalis ang suot na apron, at umalis nang walang salita. Naiwan ako, hawak ang plato na nanginginig ang kamay.
May dumating?
Makalipas ang ilang minuto, may narinig akong maingay na makina sa labas. Dali-dali akong sumilip sa bintana sa gilid ng kusina.
Isang itim na van ang pumarada sa harap. May dalawang lalaking naka-itim na bumaba, hinila palabas ang isang lalaking nakaposas at may takip ang bibig.
Halos mapasigaw ako, pero napigilan ko ang sarili.
Anong ginagawa nila?!
Agad nilang isinakay ang lalaki sa loob ng mansion, at dumiretso sa basement, doon sa parteng nakita ko noong nakaraan. Hindi ako makagalaw. Parang nanigas ang mga paa ko sa kinatatayuan.
Pero ang mas kinilabutan ako? Si Zeke mismo ang nagbukas ng pinto sa kanila.
Wala siyang emosyon. Wala siyang tanong. Diretso lang siyang naglakad sa unahan. At bago sila mawala sa basement, narinig ko pa ang isa sa mga lalaki.
"Boss, this one's been leaking info. Want me to start?"
At ang sagot ni Zeke, malamig.
"Wait. I'll handle it myself."
Napaatras ako sa sink, hawak-hawak pa rin ang plato. Ano 'to? Sino ba talaga si Zeke?
Mula sa tahimik niyang pagkatao, hindi mo aakalaing kaya niyang...
Pumatay?
Pero ngayon, hindi na lang ito haka-haka.
Ito na ang katotohanan.
At ako?
Isa lang akong katulong sa gitna ng impiyerno.
Hindi ako mapakali buong gabi. Kahit anong pilit kong isantabi ang mga nakita ko, bumabalik pa rin sa isip ko 'yung lalaking may posas, 'yung dugo sa sapatos ng isa sa mga lalaking dumating, at 'yung boses ni Zeke... malamig, matatag, at walang ni katiting na awa.
Pero bakit hindi ko pa rin maiwasang hanapin ang presensya niya?
Gabi na, tulog na dapat ako, pero heto ako't nakaupo sa gilid ng kama, yakap ang tuwalya. Pinakinggan ko ang bawat tunog sa labas, mga yabag, kaluskos, at minsan ay mga boses. Tahimik na parang sementeryo ang buong mansion. Pero ramdam kong may nangyayaring hindi ko alam.
Bigla kong naisip... Paano kung umalis na lang ako?
Pero saan ako pupunta? At higit sa lahat, babalikan ba ako ni Zeke?
Napailing ako. Bakit ko iniisip 'yon?
Hindi ko dapat iniisip kung babalikan niya ako. Dapat iniisip ko kung paano ako makaliligtas. Hindi ako dapat naaapektuhan sa mga tingin niya, o sa paraan ng pagsabi niya ng "sit" na parang may karisma kahit utos.
Hindi ako dapat... naaakit sa isang taong may dugo sa kamay.
Pero may parte sa'kin na kahit anong pigil ko ay gustong makilala pa siya.
Bakit? Dahil ba sa kabaitan niya nung una? O dahil sa kakaibang init ng presensya niya kahit malamig siya sa salita?
Napahawak ako sa dibdib ko. Tumitibok iyon nang mabilis.
Hindi ko na alam kung takot ba 'tong nararamdaman ko, o may iba pa.
Kinabukasan, maaga akong bumangon. Wala pa ring tao sa paligid. Tahimik pa rin.
Paglabas ko ng kwarto, may nadaanan akong maliit na tray sa sahig, sa labas ng pinto ko.
Isang tasa ng gatas.
Mainit pa.
May maliit na papel sa tabi,
"You didn't eat last night. Drink this." – Z
Napatitig ako sa sulat kamay. Diretso, walang paligoy. Pero hindi ko maiwasang mapangiti kahit kaunti.
Kahit nakakatakot siya. Kahit may tinatago siya.
May bahagyang lambing sa simpleng tasa ng gatas.