CHAPTER 4

1402 Words
Aira’s POV Pagkaalis ni Cassian, biglang naging sobrang tahimik ang cabin. Tahimik… pero parang mas aware ang lahat. Pumutok-putok yung apoy sa likod ko, pero hindi na siya nagbibigay ng init. Lalo na kapag tumitili yung hangin sa labas—parang may matandang nilalang na umiikot sa gilid ng gubat. At parang nanginginig pati dingding, na para bang nagkaroon ng ngipin yung bagyo. Kumapit ako sa kumot, mahigpit. Paulit-ulit tumatakbo sa isip ko yung huling sinabi ni Cassian bago siya mag-shift— “Stay here.” Na mas lalo akong kinakabahan. Bakit siya nag-aalala? Bakit siya nag-aalala… para sa’kin? Eh stranger lang naman ako. Someone he shouldn’t trust. Sumikip yung dibdib ko. Hindi ko maintindihan kahit ano—yung memories ko, yung marka sa pulso ko, yung frost na sumusunod sa paghinga ko—pero may isang bagay akong sigurado: Kung ano man ‘yong nasa labas… Hindi dapat ako makita. Hindi dito. Hindi ngayon. Tumunog ulit yung pinto papunta sa hallway. Napatalon ako—pero hindi si Mara yung pumasok. May maliit na ulo na sumilip. Si Bella. Magulo yung curls niya, parang bagong gising, yung mata niya half-open, hawak-hawak pa ang luma niyang wolf plushie. Kinuskos niya yung mata niya habang nakatitig sa kung saan kanina nakatayo ang daddy niya. “Daddy?” Mahina. Matamlay. Lumapit siya sa akin bago pa ako makapagsalita. Naglakad siya papunta sa’kin, tapos bigla siyang umakyat sa kandungan ko—parang natural lang. Napaisip ako. Tumigil ang paghinga ko. Kumapit siya sa shirt ko, yung maliit niyang tenga nakadikit sa dibdib ko, nakikinig sa heartbeat ko na parang kailangan niya para makatulog ulit. At yung puso ko—na matagal nang frozen—napalambot agad. “Bella…” mahina kong bulong. “You should be in bed. Ang lamig dito.” Hindi siya sumagot. Mas lalo pa siyang kumurap papalapit. “My daddy’s mad at the storm,” bulong niya, paantok. “He’s always mad when it comes.” Inayos ko yung isang kulot na nahulog sa pisngi niya. “Why?” Nag-hesitate siya… tapos bumulong: “Storms take people.” Parang may malamig na gumapang sa gulugod ko. “What do you mean?” Huminga siya nang malalim. “Mommy died in a storm.” At doon, parang nadurog yung puso ko. Pero bago pa ako makapagsalita, biglang nag-iba yung ihip ng hangin sa labas— mas malakas, mas kakaiba. Napakapit si Bella sa akin, takot na takot. “It’s okay,” bulong ko, yakap siya. “I’m right here.” Umiling siya, mahigpit ang kapit. “Don’t go away.” Parang suntok sa dibdib yung sinabi niya. “I won’t,” sagot ko. “Promise.” At totoo ‘yon. Sa sandaling ‘yon… totoo. Pero biglang— BOOM. Bumukas nang sobrang lakas yung front door, sumalpok sa pader. Napasigaw si Bella at nagkubli sa dibdib ko. Niyakap ko siya nang mahigpit just as pumasok si Mara— punit ang coat, puno ng snow ang buhok, at may hawak na blade na may tumutulong… kung ano man ‘yon. Hindi dugo. Pero hindi rin normal. “Aira?!” sigaw niya sa bagyo. Pero hindi ako sumagot. Sinara niya ang pinto at nilock, hingal na hingal. Pagtingin niya sa akin—at kay Bella na nakakapit sa akin—sandaling nag-iba yung expression niya. Pero hindi siya nagtanong. Huminga lang siya nang malalim at sinabi: “Aira. Something is hunting in the storm.” Nilunok ko laway ko. “Cassian—” “Is chasing it,” putol niya. “And he ordered me to get you two somewhere safe.” Umiiyak si Bella. Nagmadali si Mara, kinuha yung mga coat sa pader at binato sa akin. “Put that on. Pupunta tayo sa main lodge.” Gumalaw na lang katawan ko kahit lutang na utak ko. Inuna ko isuot kay Bella yung coat niya, sinara ko ang zipper. Nanginginig yung kamay niya habang kumakapit sa’kin—at may kung anong sumakit bigla sa dibdib ko. Tumayo ako. Yung apoy sa likod ko biglang lumaki—masyadong malaki—parang sumasagot sa takot ko. Tiningnan ‘yon ni Mara, nag-aalala. “Control it,” sabi niya. “I’m not doing anything,” sagot ko. “That’s what scares me.” Binuksan niya ang pinto. Agad sumigaw ang bagyo, parang libo-libong ice needles tumama sa balat. Yung mga puno halos yumuko, parang may malaking gumagalaw sa likod nila. “Stay close,” utos ni Mara. Lumabas kami. Parang suntok yung lamig. Nag-yeyelo ang hininga ko habang lumalabas sa bibig ko. Kumapit si Bella sa leeg ko, nanginginig yung maliit niyang katawan. Knee-deep ang snow. At yung mga anino sa pagitan ng puno—gumagalaw. Hindi kasabay ng hangin. Kabaligtaran. Inangat ni Mara ang blade niya. Mata niya alerto. “We need to move fast.” May dumagundong sa taas. Hindi yun thunder. Roar iyon. Si Cassian. Sa wolf form. Parang huminto saglit ang puso ko. Hindi ko siya nakita—pero nararamdaman ko siya. Yung lupa nagvibrate. Yung hangin nag-iba. “He’s close,” sabi ni Mara. “He’s fighting it.” “What is it?” tanong ko, nanginginig ang boses. Hindi niya ako tiningnan. “Something that followed your trail.” Nanigas ako. “It came here… because of me?” Nag-clench yung panga niya. “We don’t know. But the timing is—Aira, MOVE!” Tinulak niya ako. May dumaan sa ere sa mismong pwesto ko— isang mabilis na flash ng silver-white claws isang sigaw na parang pumunit sa kaluluwa ko isang anino na sobrang laki para maging wolf or fae. Sumigaw si Bella. Napasuray ako, yakap ko siya nang mahigpit. Umatake yung hangin, umikot yung snow sa paligid namin—parang spirals, sumasabay sa takot ko. “Aira—whatever you’re doing—STOP—” “I’m NOT doing anything!” Yung anino umatake ulit. Sinabat ni Mara ang blade niya—tumama sa matigas na bagay, may sparks na lumipad. Nag-ingay yung nilalang—galit, hindi-tao. At yung hugis niya… parang nagfa-flicker. Hindi solid. Hindi belong sa mundong ‘to. Malakas ang t***k ng puso ko. Mabilis. Masakit. May lamig na nag-iipon sa mga daliri ko. Hindi. Hindi ngayon. Huwag— Pero umiiyak si Bella, takot na takot sa dibdib ko— At parang may naputol sa loob ko. Uminit sa lamig ang palad ko. Nag-crackle ang hangin. Tapos— WHOOM. May pumutok na malamig mula sa dibdib ko—isang bilog na nag-expand, kumikislap. Naatras si Mara, gulat na gulat. Yung nilalang, napahiyaw habang tinatamaan ng frost—parang may invisible wall na bumangga dito. Umatras yung anino, nagfa-flash yung anyo niya. “What the—Aira, HOW—” Pero hindi niya natuloy. Kasi mula sa bagyo— mula sa dilim— Lumabas si Cassian. Malaki. Basa sa snow. Nakabuyangyang ang pangil. Yung wolf form niya halos kasing laki ng kabayo, yung mata niya nagliliwanag, nakatuon sa nilalang. At yung roar na binitawan niya— Parang gumalaw ang buong gubat. Hindi nag-isip yung creature. Tumakbo ito. Humabol si Cassian, mabilis, parang kidlat. “Go!” sigaw ni Mara. “Back to the cabin! RUN!” Pero hindi ako gumalaw. Kasi imbes na habulin pa niya yung creature… tumigil si Cassian. Lumiko. At biglang tumakbo— papunta sa akin. Sumabog ang snow sa likuran niya. Nag-shift siya habang tumatakbo, yung wolf nag-melt into human form—mainit, mabilis, brutal. Inabot niya ako sa ilang segundo. Hinawakan niya ang braso ko, mahigpit, yung mata niya… nagliliyab ng galit—takot—relief—at isang bagay na ayaw niyang tawagin. “Aira,” he breathed, voice low and rough. “Are you hurt?” Umiling ako. Bahagya lang. Tiningnan niya si Bella next, mabilis. Nag-sniffle si Bella, pero kumapit pa sa akin. Huminga si Cassian nang malalim, bumagsak ang tension—pero hindi nagtagal. Tumingin siya sa akin. Talagang tumingin. “Aira…” Bumaba ang boses niya, mabigat. “What did you do?” Binuka ko ang bibig ko. “I—I don’t know.” Tumingin siya sa mga daliri ko—still covered in frost. Sa snow na umiikot-ikot sa sapatos ko. Sa hangin na parang nagkikislap sa lamig. Tahimik siyang nagsalita. “Whatever you are… you’re not a human.” At kahit alam ko na ‘yon— Marinig mula sa kanya… sa Alpha na nagligtas sa akin— parang gumuho yung mundo ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD