(Aira’s POV)
Tahimik ang Winterfang ngayong gabi—pero hindi ito yung klaseng tahimik na nakakarelax. Ito yung katahimikang may hinihinging pansin. Yung parang may nakaabang na sigaw sa dulo ng bawat hinga.
Nakaupo ako sa gilid ng kama, balot sa makapal na kumot, pero kahit ilang layer pa ang itakip ko sa katawan ko, ramdam ko pa rin ang lamig. Hindi galing sa hangin. Galing sa loob.
Ang frost sa ilalim ng balat ko ay kumikilos, parang mabagal na paghinga. Hindi wild. Hindi galit. Pero gising.
Hawak ko ang gilid ng kumot nang mahigpit, fingers ko namamanhid, habang pinagmamasdan ko ang manipis na ice patterns na unti-unting lumilitaw sa sahig. Parang sinasagot nila ang t***k ng puso ko—pulse by pulse.
“Deep breaths.”
Boses ni Cassian. Mababa. Controlled. Hindi sumisigaw, pero hindi rin nagbibigay ng space para balewalain.
Nakatayo siya ilang hakbang mula sa akin, malapad ang balikat, jaw clenched, arms relaxed pero handa. Kahit hindi siya gumagalaw, ramdam ko ang presence niya—solid, parang haligi sa gitna ng bagyo.
“Let it calm,” dagdag niya. “Focus on you. Not them.”
Huminga ako. Isa. Dalawa. Tatlo.
Pero sa bawat hinga, parang mas lalo kong nararamdaman ang bigat sa dibdib ko.
Fear.
Guilt.
At isang bagay na mas mabigat pa—responsibility.
“Cassian…” mahina kong tawag, halos pabulong. “What if I can’t? What if… I lose control again?”
Hindi siya agad sumagot. Lumapit siya, dahan-dahan, parang ayaw niyang maistorbo ang kahit anong balanse na meron ako. Nang maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko—light lang, halos wala—parang may biglang bumitaw sa loob ng dibdib ko.
“You will,” sabi niya, diretso. “And if you slip, I’ll be here. I won’t let you fall. Not tonight. Not ever.”
May kirot sa dibdib ko—hindi sakit, kundi relief. Yung klase ng bigat na matagal mong buhat, tapos biglang may nagsabing, ibigay mo sa’kin.
Tumayo ako, nanginginig ang tuhod ko. “Kailangan kong subukan ulit. Para sa sarili ko… at para sa pack.”
Tiningnan niya ako nang diretso, mata niya sinusukat ang bawat galaw ko, bawat hinga. “Fine. But you stay close. Control starts inside. Not outside. Understood?”
“Yes,” sagot ko agad, parang takot akong bawiin niya ang tiwala.
---
Lumipat kami sa maliit na sala. Tahimik ang buong manor, pero ramdam ko ang mga mata ng pack—nasa paligid lang sila, hindi lantad, pero present. Curiosity. Doubt. Caution.
Kasunod ko si Mara. Tahimik. Alert. Mata niya matalim, parang hinahanap ang unang mali.
“Focus on your center,” sabi niya, walang lambing sa boses. “Feel your frost. Don’t let it dictate you.”
Tumango ako, pumikit sandali. Hinayaan kong maramdaman ang lamig—hindi bilang sandata, kundi bahagi ng sarili ko. Parang alon, dumarating at umaatras.
Pero bago pa ako tuluyang makapag-focus—
“Enough.”
Biglang tumigas ang boses ni Mara. Lumapit siya, halos magkatapat na kami.
“You think this is enough?” tanong niya, diretso. “A few calm breaths and you think you’re safe to stand here?”
Napamulat ako. Ramdam ko ang tingin ng iba—biglang mas mabigat.
“Mara,” babala ni Cassian, malamig ang tono.
Pero hindi umatras ang beta.
“You are standing in the Alpha’s home,” pagpapatuloy niya, mata nakapako sa akin. “Surrounded by a pack that would bleed for him. And you bring danger with you.”
Lumunok ako. Alam ko ‘to. Pero iba pala kapag sinabi nang harapan.
“If you lose control,” dagdag niya, mas mababa ang boses, “you won’t just hurt yourself. You’ll hurt his daughter. His people.”
Parang may humigpit sa dibdib ko.
“I know,” mahina kong sagot.
“No,” sagot niya agad. “You feel it. But knowing is different. Fear won’t save you. Intent won’t save you. Control will.”
Tahimik ang buong sala.
Si Cassian ay nasa tabi ko na ngayon, presence niya parang bakal na nakaharang sa pagitan namin. “She’s learning,” sabi niya, malamig pero protektado. “That’s enough.”
“For now,” sagot ni Mara. Tumalikod siya, pero bago tuluyang lumayo, binitawan niya ang huling linya. “Prove it.”
---
Hindi ko alam kung gaano katagal ang lumipas. Oras? Minuto? Parang nawala ang konsepto ng time.
Hanggang sa may maliit na boses na biglang sumingit.
“Daddy?”
Napalingon ako.
Nakatayo si Bella sa pintuan, yakap ang stuffed wolf niya, buhok magulo, mata antok pero curious.
Agad lumambot ang buong presensya ni Cassian. “Hey, sweetheart. You should be sleeping.”
Lumapit si Bella, hindi sa kanya—kundi sa akin.
“Cold,” sabi niya, tapos hinawakan ang braso ko. Hindi siya natakot. Hindi siya umatras. Ngumiti pa siya.
Parang may kumalabit sa loob ng dibdib ko.
“I’m sorry,” sabi ko agad, yumuko sa kanya. “Am I too cold?”
She shook her head. “No. It’s nice.”
Tumigil ang frost ko. Hindi dahil pinilit ko—kundi dahil parang may umunawa sa kanya.
Cassian watched us, something unreadable flickering in his eyes.
“She likes you,” sabi niya, soft.
Lumuhod ako sa harap ni Bella. “You don’t have to stay if you’re sleepy.”
She hugged me instead.
Parang may nabasag sa loob ko.
Cassian sat beside us, one arm resting protectively behind Bella. “She hasn’t done that since her mother,” sabi niya, quietly. “She doesn’t trust easily.”
Bella yawned, head resting against my shoulder.
For the first time that night, the frost felt… warm.
---
Later, habang dinadala ni Cassian si Bella pabalik sa kwarto niya, naiwan akong mag-isa sa sala. Tahimik ulit. Pero ibang klaseng tahimik.
Tumayo ako sa tabi ng bintana. Snow-covered ang borders. Walang galaw. Walang tunog.
Pero ramdam ko sila.
Ang Snow Court.
Hindi ko sila nakikita. Hindi pa. Pero ang lamig sa hangin—ibang-iba. Parang naghihintay.
“Cassian…” mahina kong tawag nang bumalik siya. “They’re there. Not inside. But close.”
“I know,” sagot niya. “Borders only. You’re sensing them, not summoning them. That’s good.”
“Good?” tanong ko, halos mapatawa sa kaba. “It doesn’t feel good.”
“It means you’re aware,” sagot niya. “And awareness is control.”
Huminga ako nang malalim.
Maybe I’m not strong yet.
Maybe I’m still afraid.
Pero habang nakatayo ako sa tabi niya, frost calm under my skin, I realized something—
I’m not running anymore.
And for now… that’s enough.
Outside, the night remained still.
Too still.
And somewhere beyond the snow-covered borders, something ancient was watching.