(Aira’s POV)
Hindi huminto ang frost.
Patuloy itong kumakalat—sa kahoy na sahig, sa paa ng dresser na ako mismo ang nakatumba, paakyat sa bedframe. Para bang may munting winter storm na nakakulong sa loob ng kwarto ko.
Sa labas ng pinto, narinig ko ang pagmumura ni Mara.
“Aira, open this door! NOW!”
Hindi ko kaya.
Ni hindi ko nga magawang tumayo.
Parang dinadaganan ang dibdib ko. Mali ang t***k ng puso ko—hindi sa dibdib tumatama, kundi parang sa mismong mga buto ko. At sa bawat pintig, may malamig na enerhiyang sumasabog palabas.
Ipinatong ko ang mga palad ko sa nagyeyelong sahig, pilit nagpapakalma, pero lalo lamang kumalat ang frost.
“I’m not—” napatigil ako, nanginginig ang boses. “I’m not doing this on purpose.”
“Aira, step away from the door,” sabi ni Mara, malamig ang tono—Beta voice niya. “I’m breaking it down.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“No! Don’t—”
CRACK.
Mas lalong kumapal ang yelo sa pader.
Umuga ang door handle sa lakas ng tama.
“Aira,” untag ni Mara, halos ungol na, “open this door before I—”
Pero may paparating na mabibigat na yabag sa hallway.
Hindi kay Mara.
Hindi rin sa mga pack warriors.
Mas mabigat. Mas may awtoridad.
Kilala ko agad.
Cassian.
Parang biglang nanlamig ang dugo ko—
Hindi.
Please, hindi siya.
Hindi ngayon.
Tumahimik ang buong hallway nang lumapit siya. Kahit may pinto sa pagitan namin, ramdam ko agad ang pagbabago—ang bigat ng aura niya na sumalpok sa lamig sa loob ng kwarto ko.
“Mara.”
Mababa at delikado ang boses niya.
“Move.”
“Alpha—she’s not answering. Something’s—”
“I know.”
Parang may humigpit sa mga tadyang ko.
Napaatras ako, nanginginig.
Ramdam niya na may mali.
Siyempre.
Lycans had sharper senses.
Kung umaabot sa hallway ang lamig, mas malinaw niya itong nararamdaman.
Narinig kong umatras si Mara.
Nag-iba ang tono ni Cassian—mas matigas, mas commanding.
“Aira. Open the door.”
Bumagsak ang hininga ko, may puting usok na lumabas sa bibig ko.
“I—I can’t.”
Tahimik.
Yung katahimikang parang unti-unting sumisikip ang paligid.
Then—
“Aira,” ulit niya, mas mahina ngayon. “Let me in.”
Yung tono na ’yon.
Soft. Mababa.
At parang may nabasag sa loob ng dibdib ko.
Pero mas mabilis masira ang kontrol ko.
May pulso ng lamig na dumaan sa braso ko—kumalat ang yelo sa kama. Ang basag na bintana ay nag-c***k ulit, gumapang ang mga linya na parang kidlat.
Tinakpan ko ang bibig ko, pinipigilan ang lakas na gustong kumawala—iyak ba ’yon? Sigaw? Hindi ko na alam.
“I can’t,” bulong ko. “Cassian, don’t come in.”
“Why?”
Mas malapit na ang boses niya—nasa mismong pinto na.
“Aira, what’s happening?”
Lahat.
Lahat ng puwedeng mangyari—nangyayari na ngayon.
“I’m not—” pumiyok ako, “I’m not safe.”
Mas masakit sabihin kaysa maramdaman.
Isa na namang alon ng lamig ang sumabog mula sa dibdib ko—mabilis, parang may sariling buhay. Kumidlat ang ilaw. Biglang binalot ng dilim ang kwarto.
Nanginginig ako, pilit isinasara ang mga kamay ko para pigilan ang lamig—pero dumudulas lang ito, parang buhay na niyebe.
“Cassian!”
Malakas ang bagsak ng kamay niya sa pinto.
Umuga ang kahoy.
At alam kong kapag tuluyan siyang nagalit, kaya niya itong basagin sa isang suntok. Ganoon din si Mara.
“Alpha,” pigil ni Mara, “should I—”
“No.”
Pinutol siya ni Cassian.
“She’s scared.”
Napasinghap ako.
Paano niya alam?
“How?” tanong ko, kahit hindi ko sinasadya.
Saglit na katahimikan.
Then softly—
“Because I can hear your heartbeat.”
Huminto ako.
“It’s all over the place,” dagdag niya. “You sound like you’re in pain.”
Pain?
Hindi sapat ang salitang ’yon.
Ang kapangyarihan ko ay kumakalat sa buong katawan ko, nanginginig ito sa bawat galaw ng braso at binti. At biglang pumasok ang mga flash—
tumatakbo ako sa frozen lake
may babaeng sumisigaw ng pangalan ko
bumibiyak ang yelo
“Don’t let them take her—Aira, RUN!”
Napasigaw ako, napahawak sa ulo ko.
Not now.
Please, not now—
Bumagsak ang mga tuhod ko.
Hindi ko man siya narinig gumalaw…
pero ramdam ko ang aura niyang tumindi, parang pilit niyang kinokontrol ang sarili niya.
“Aira,” he said—hindi na kalmado. “Open the door or I’m going in.”
Nanikip ang lalamunan ko.
Hindi niya puwedeng makita ito.
Hindi niya puwedeng makita ako sa ganitong kalagayan.
Hindi glowing.
Hindi kontrolado ang yelo.
Hindi parang tao.
“I said don’t come in!” sigaw ko, halos iyak na.
At sa mismong sandaling iyon—isang mas malakas na bugso ng yelo ang sumabog. Parang buhawi. Kumalat sa mga pader, kisame, at gumapang palabas sa ilalim ng pinto.
“WHAT THE—?!” mura ni Mara.
“Mara, step back!” utos ni Cassian.
“Alpha—your arm—!”
Nanigas ako.
What?
Ano ang nangyari sa braso niya?
Saglit na katahimikan.
Then Cassian said, rough and low—
“It’s frostbitten.”
Parang may nahulog sa sikmura ko.
Hindi.
Please, no—
Idiniin ko ang mga kamay ko sa sahig, halos mahimatay sa kaba.
“I’m sorry,” iyak ko. “I’m sorry—I didn’t mean—”
“Aira,” sabi ni Cassian, mas firm. “Open the door.”
“I can’t.”
“You can.”
“I’ll hurt you.”
“You won’t.”
“You don’t know that—”
“I do.”
Parang may tumama diretso sa puso ko.
“Because if you wanted to hurt me,” he said quietly, “you would have done it already.”
Napatigil ako.
May gumalaw sa loob ko—hindi lamig, hindi takot.
Iba.
Pero bago ko pa tuluyang maramdaman, dumaloy ulit ang surge ng power. Mas malakas. Tuluyang bumigay ang bintana—nagkadurug-durog ito at naging maliliit na snowflakes.
May malakas na hangin na pumasok sa kwarto.
Narinig ko ang pagmumura ni Cassian.
“That’s it.”
Bumaba ang boses niya, dangerous.
“I’m coming in.”
“Cassian—NO!”
Pero huli na.
Sumiklab ang aura niya—malakas, commanding—dumaan sa hallway na parang apoy na may anino—
And the door cracked under his fist.
Napatras ako, nanginginig sa takot—
hindi sa kanya,
kundi sa sarili ko.
Sa kung ano ang makikita niya.
Sa kung ano na ang nagiging ako.
“Cassian, please!” iyak ko. “I can’t control it—”
“I don’t care.”
Isa pang malakas na c***k.
“Cassian—!”
“I’m not leaving you alone in there.”
Isa pang malakas na slam.
Then—
Bumigay ang pinto.
At pumasok ang Alpha King sa gitna ng sarili kong bagyo.