CHAPTER 9

1123 Words
Aira’s POV Tahimik. Mas tahimik pa kaysa kanina. Pagkaalis ni Cassian at Bella, parang may naiwan na nakabibinging espasyo sa loob ng kwarto—malamig, mabigat, at sobrang aware. Umupo lang ako, halos hindi gumagalaw. Kahit paghinga, takot ako. Hindi pa rin natutunaw ang frost. Kung tutuusin… parang mas dumadami pa. May manipis na yelo na gumagapang sa gilid ng kumot, parang maliliit na puting baging na buhay na buhay. Napaatras agad ako, itinago ko ang mga kamay ko sa ilalim ng hita ko para hindi ko na may madikitan pa. Pero kahit nakatago ang mga kamay ko… may glow pa rin sa balat ko. Mahina. Mapusyaw na bughaw. Umiilaw. Humihinga. “No, no, no…” bulong ko, nanginginig ang boses. Not again. Not now. Yumuko ako, inilapat ang noo ko sa tuhod ko. Dati, nakakatulong 'to. Noong bata pa ako, noong sinusubukan kong itago ang lamig na parang gusto akong lamunin mula sa loob. Lagi akong nagtatago sa banyo, sa likod ng building, o sa pinaka-dilim na lugar na mahahanap ko—para lang makapagpigil. Pero ngayon… hindi na ito bulong ng lamig. Ito ay… dagundong. Parang may pangalawang t***k sa loob ng katawan ko—pero halip na dugo, yelo ang umaalpas. Bawat pintig, may malamig na hangin na humahampas palabas sa balat ko. Pumikit ako nang mahigpit, pinipilit pigilan. Please. Please, not here. They’ll know. Cassian will know. Pag naisip ko pa lang ang pangalan niya, biglang sumiklab ang lamig sa ugat ko—parang mismong katawan ko ang nagre-react kahit wala siya sa kwarto. Halos mapaigik ako. “This is not happening,” bulong ko, pilit na humihinga nang maayos. Pero nangyayari siya. May fog ang bawat hinga ko. Ang bintana nag-yeyelo mula sa loob. Ang hangin, lalo pang lumalamig. Yumakap ako sa sarili ko, nanginginig hindi dahil sa lamig—pero dahil sa panic. I need to hide it. Sobra nang nagdududa si Cassian. At si Bella—goddess, Bella—paano kung pumasok siya ulit? Paano kung mahawakan niya ako habang ganito ako? Paano kung masaktan ko siya? May kirot na parang karayom na tumusok sa likod ng ulo ko. Then— BAM. May alaala na tumama sa isip ko. Malakas. Masakit. Malamig. Umuulan ng snow. May babaeng sumisigaw. May puting anino sa paligid namin. May mga kamay na humihila sa'kin sa nagyeyelong lupa. “Run, Aira—RUN!” Napasinghap ako, parang may humila sa hangin ko. Pagmulat ko, naglaho agad ang memorya—pero nanginginig ang buong katawan ko. Nag-blur ang paningin ko dahil sa luha na hindi ko man lang namalayang umaagos. Umupo ako nang diretso, pilit na kinokontrol ang sarili. “No more memories,” bulong ko, halos paos. “Not right now.” Pero hindi nakikinig ang lakas sa loob ko. Lalong lumakas ang pulso ng yelo. May sumunod pang sulyap ng alaala— Isang trono na gawa sa yelo. Isang lalaking puti ang mga mata. “Bring her back. She is ours.” Biglang sumakit ang tiyan ko sa takot. Bumagsak ako sa sahig, muntik nang madulas, pero nasalo ko ang sarili ko gamit ang kamay ko—na agad nag-iwan ng frost sa kahoy. Hindi na ito aksidente. Hindi na ito maliit. Nagigising ang powers ko— malakas, marahas, walang pakialam. “Stop,” hingal ko, pinapalo ang dibdib ko na parang kaya kong ibalik ang lamig sa loob. “Please, stop.” Nakakandado ang pinto, oo—pero kapag may humawak, mararamdaman nila agad. Masyadong sensitibo ang mga wolf sa pagbabago ng hangin. Kapag may nakapansin… kapag may nagtanong… The pack was already whispering about me. At ngayon, parang naging puso ng snowstorm ang buong kwarto. Dahan-dahan akong tumayo, nanginginig ang mga tuhod. Parang umiikot ang paligid, para bang hinihila ako papunta sa winter mismo. Lumapit ako sa bintana, inilapat ang mga palad ko sa nagyeyelong salamin. Mas malamig pa sa yelo ang balat ko. “Just breathe,” bulong ko. Pero bawat hinga ko… lalong nagkakalat ng yelo. Parang lace ang frost na gumagapang sa salamin. Napaatras ako, natumba sa kama. I felt… wrong. Sobrang lamig. Masyadong puno. Parang kapag may humawak sa'kin, mababasag ako. Lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko—at kasabay nun, may malakas na hampas ng lamig sa dugo ko. Lalong lumiwanag ang mga daliri ko. Kasama pati ang mark sa balikat ko— na dapat itinatago ko. Pero ngayon… nagpu-pulse ito. “Oh gods… no…” TOK! TOK! TOK! May kumalampag sa pinto. Napatalon ako, muntik nang mapasigaw. “Aira?” Si Mara. “At bakit parang nagyeyelo ang hallway?” Parang sumabog ang panic sa dibdib ko. Huwag siya. Hindi ngayon. Beta siya—mas sensitibo, mas mapanuri. Tumakbo ako papunta sa pinto, halos madulas sa frost sa sahig. Hawak ko ang doorknob—at napairi ako dahil sobrang lamig nito. Pinilit ko gawing steady ang boses ko. “I—I’m fine!” Huminto siya sa kabila. “Aira. Open the door.” “I said I’m fine.” “Your voice doesn't sound fine.” May marahang kumalabog sa pinto— hindi knock. Test. Tinitingnan ang init. Ang energy. Ang danger. Napahigop ako ng hangin. Ang mararamdaman niya? Lamig. Pure, unnatural lamig. Tahimik siya saglit. Then, mas madiin ang tono— “Aira. Open it.” Inilapat ko ang noo ko sa kahoy. “Please,” bulong ko, halos walang boses. “Not right now.” BUMUGA ulit ang lamig. Mas malakas. Kumapal ang frost. At— CRACK. Nabasag ang salamin sa bintana. Narinig iyon ni Mara. Alam ko. Kasi nag-freeze ang hangin sa hallway. “Aira…” Malumanay ang boses niya— pero hindi iyon good sign. “What’s happening in there?” Umatras ako, nanginginig. Tell her? No. Tell Cassian? NO. Hinding-hindi. Hindi pa. Hindi hanggang hindi ko alam kung ano ako. “Huwag ngayon… please…” “Aira, I’m coming in.” Parang sumabog ang takot ko. Natamaan ng kamay ko ang dresser— —and it exploded into ice. Napakagat ako sa labi, napatigil, natulala. Hindi ko na kaya pigilan. Hindi na ako ang may hawak. BUMUHOS ang malamig na hangin. Sumabog ang frost sa sahig. Parang may humahabol sa'kin mula sa loob. Napadapa ako, yakap ang sarili, habang ang yelo ay gumagapang palabas. Sa unang pagkakataon mula nang dumating ako sa pack— May naramdaman akong nagigising sa loob ko. Isang bagay na lumang-luma. Isang bagay na snowborn. Isang bagay na delikado. May unti-unting gumigising. At hindi ito tapos matulog. Napanganga ako, halos walang lumabas na tunog. Kasi doon ko naramdaman ang matinding katotohanan: This wasn’t awakening. This was a warning. A countdown. A beginning. At kung ano man ang nagiging ako— Cassian can never know. Not yet. Not like this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD