bc

HOT SHOTS: A Fiery September Anthology

book_age16+
458
FOLLOW
1.4K
READ
others
drama
comedy
Writing Challenge
humorous
mystery
scary
others
like
intro-logo
Blurb

Dreame Gem Writers presents you:

"HOT SHOTS: A Fiery September Anthology

September is a fiery month – in the Roman calendar, it is the seventh month and is also dedicated to VULCAN, Roman god of Fire.

chap-preview
Free preview
A CANDLE FLAME by Rhan Jang
    Binuksan ko ang pinto ng aking condo at nagsimulang pumasok sa loob. Hawak ko ang isang kahon na iniregalo ko sa aking sarili ngayong araw ng aking kaarawan. Sinimulan kong ayusin ang kahon ng cake at inilagay ito sa lamesa. Itinarak ko ang kandila at saka sinindihan ang bagay na iyon saka kinantahan ang aking sarili nang masayang awit para sa mga taong may kaarawan, nang akmang hihipan ko na ito.     Hindi ko kaya, walang lumabas na hangin sa aking bibig na tila may nagpipigil sa aking labi na lumabas ang hangin mula rito. Tumingin ako sa aking paligid at nakaramdam ng kalungkutan. Bakit? Bakit ako mag-isa sa araw ng aking kaarawan? Bakit walang taong nakikisaya sa mahalagang araw na ito?.     Muli akong tumingin sa apoy ng kandila sa aking harapan. Ang kulay pula na apoy nito ang tanging liwanag na bumabalot sa madilim kong tahanan. Ang apoy na ito ay dumadagdag sa sakit na aking nararamdaman. Isabay pa ang malaking cake na may mapait na nakaraan.     Nagsimulang umagos ang aking luha ng maalala ko ang lahat dalawang taon nang nakakaraan. Noong mga panahong ako ay masaya sa piling ng taong aking minamahal. Noong ako ay masaya sa bisig at init ng kaniyang pagmamahal.     Ako si Maylene Lopez bente otso anyos palamang ako noong mga panahong iyon, kasalukuyan akong nagttrabaho sa isang malaking kumpanya bilang admin assistant, sa loob ng ilang taon, bahay trabaho lamang ang ikot ng aking mundo, hanggang isang araw ay nakilala ko siya.     Si Larry Vergara. Isang bagong empleyado na kasamahan ko sa trabaho. Hindi ko akalain na sa loob lamang ng ilang buwan ay mahuhulog ang loob namin sa isat-isa. Kasama ko siyang kumain at sabay kaming umuwi. Ang otso oras ay tila ilang minuto lamang tuwing siya ay aking kasama. Ang tag-ulan ay tila tagsibol sa tuwing kausap ko siya. masaya siyang kasama at masasabi kong komportable ako sa kaniya. Ang kaniyang kabaitan ay tila isang anghel na tumutunaw sa aking puso.     Hindi nagtagal, tuluyan naming natutuhang mahalin ang isat-isa at inamin namin ang aming nararamdaman. Matapos ang ilang buwan, kami ay nagsimulang pumasok sa isang relasyon, paminsan ay may mga araw na kami ay nagkakatampuhan ngunit mas maraming araw na kami ay nag tatawanan.     Lumipas ang dalawang taon tila nagbago ang takbo ng aming relasyon. Nawala siya sa kompanya na aming pinagttrabahuhan at lumipat siya sa iba. Simula nang araw na iyon ang aming komunikasyon ay nagbago, halos wala na siyang oras para sa akin. Halos pakiramdam ko ay wala na akong halaga, natatapos na lamang ang aming araw sa batian ng Good morning at Good night, mahaba na ang isang oras sa aming pag-uusap. Tila ang pag-ibig na aming nararamdaman ay unti-unting nawawala.     Hanggang sa makilala ko si Cyrus ang lalaking gumulo sa aking isip at sa aking puso. Nakasundo ko ang lalaking ito nang makita ko siyang mag-isang kumakain sa canteen, sinamahan ko siya at kinausap, hindi ko akalain na ang mga bagay na nais ko ang pareho ng kaniya. Ang mga bagay at ugali na mayroon ako ay walang pinagkaiba sa kaniya.     Alam kong mali at alam kong hindi dapat, ngunit naramdaman ko na ang aking puso ay unti- unting nahuhulog sa kaniya.     Pinilit kong lumayo. Pinilit kong umiwas, ngunit nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya na may kausap na iba. Sa tuwing kasama ko si Larry ang nasa-isip ko ay si Cyrus at alam ko na maling-mali ang bagay na aking ginagawa at alam ko na kung malaman ito ni Larry ay masasaktan ko siya.     Sa paglipas ng panahon na kasama ko si Cyrus, lalong lumalalim ang nadarama ko para sa kaniya. Sa panahon na ako ay may problema sa pag-ibig siya ang aking kasama. Sa panahon na ako ay umiiyak, siya ang naging panyo na pumupunas sa aking mga luha at dahil doon. Minahal ko siya.     Hindi nagtagal umamin sa akin si Cyrus tungkol sa kaniyang damdamin. Sinabi niya sa akin na ako ay kaniyang iniibig ngunit alam niyang hindi tama dahil ako ay may nobyo na. Oo. alam naming mali at alam naming masama, ngunit pinili kong sumugal. Pinili kong sundin ang itinitibok ng aking puso. Pinili kong saktan ang lalaking dalawang taon ko nang minahal para lamang sa lalaking ngayon lamang pumasok sa aking buhay, at alam ko na kahit saan ako lumugar may isang taong masasaktan at pusong masusugatan.     Lumipas ang ilang buwan at nanatili kami sa ganoong sitwasyon. Paminsan ay kasama ko si Larry at madalas kasama ko si Cyrus. Hanggang sa hindi ko na kaya. Hindi ko na kinaya ang sakit na aking ginagawa.     Kinausap ko si Larry at ipinagtapat sa kaniya ang lahat, sinabi ko na ako ay nahulog sa iba at minahal ko na siya.     Hindi ko akalain na ang luha na makikita ko sa mga mata ng lalaking dati kong minahal ay tila isang karayom na tumutusok sa aking puso. Hindi ko akalain na ganito kasakit ang magpaalam sa taong umibig at inibig ko. Ngunit kung hindi ko ito gagawin pareho lamang kaming masasaktan.     Naging malaya ang pag-iibigan namin ni Cyrus, walang araw ang aming sinayang upang ipadama ang pagmamahalan namin sa isat-isa. Halos lahat ng buwan ay ginawan namin ng isang mahalagang alaala.     Lumipas ang ilang buwan ng aming relasyon. Akala ko ang pag-ibig sa aming puso ay hindi na mawawala. Ngunit nagkamali ako.     Handa na sana akong makasama siya habambuhay at handa na akong mag sabi ng "Oo" sa harap ng altar. Hanggang sa dumating ang araw ng aking kaarawan. Pinili kong makasama siya sa araw na iyon nang kami lamang dalawa. Ang nais ko ay simple at masayang araw lamang kasama siya.     Hindi naman nabigo ang aking plano sa buong araw na iyon. Ngunit pagsapit nang gabi. Inilabas niya ang isang cake na may nakatarak na kandila. Habang nakangiti sa aking harapan ay inaawit niya ang kantang "Happy birthday." Dahan-dahan siyang naglalakad palapit sa aking kinaroroonan, nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi.     "Blow the candle Maylene," saad niya habang hawak ang cake sa kaniyang mga kamay. Marahan kong hinipan ang apoy sa kandila, ngunit sabay sa pag-ihip at pagpatay ng nag-aalab na apoy sa ibabaw nito ay ang masakit na kataga na kaniyang binigkas.     "Let's break up." Naiwan ang aking mata na nakatitig lamang sa kaniya. Maraming katanungan ang tumatakbo sa aking isipan.     "Anong ibig mong sabihin?." Nangingilid ang aking luha nang mabanggit ko ang bagay na iyon.     "Sorry Maylene, ikakasal na ako bukas. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo dahil alam kong pareho lang tayong masasaktan, pero maniwala ka aksidente ang nangyare." Ito ang mga bagay na sunod-sunod niyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit ngunit walang pumapasok sa aking isip. Ang mga salita niya ay hindi ko tinatanggap, hanggang sa muli niyang ibinukas ang kaniyang bibig.     "She is pregnant at ako ang ama." Saka lamang pumasok ang lahat ng bagay sa akin nang marinig ko ang mga katagang iyon.     Namalayan ko nalamang na ang aking kamay ay lumapat na nang malakas sa kaniyang mukha at ang hawak niyang cake ay bumagsak sa sahig at tuluyang nasira.     Ang inakala kong masayang araw ng aking kaarawan ay napalitan ng pait at luha. Kailan pa? Kailan pa niya ako niloloko? Kailan pa niya unti-unting dinudurog ang aking puso?.     Marahas ko siyang pinalayas sa aking tahanan at pinagtabuyan palabas ng pintuan. Ikinulong ko ang aking sarili ng aking bisig saka iniyuko ang aking ulo sa aking tuhod at niyakap ang mga ito. Tanging hikbi at hinagpis ko lamang ang naririnig sa walang taong bahay. Tanging ako nalamang at ang nadurog kong puso ang naiwan mag-isa rito.     Hindi ko alam kung paano ko kinaya ang mga sakit na aking pinagdaanan. Ang mga araw na wala siya sa aking tabi ay sobrang bagal na dumadaan.     Hanggang isang araw nakita kong muli si Larry, ang taong una kong minahal. Nag-usap kami at nagkamustahan, halos hindi maubos ang aming kuwentuhan dahil sa tagal na hindi namin pagkikita.     Pinagusapan din namin ang aming dating relasyon na tila katuwaan nalang para sa amin ngayon. Ngunit ang ngiti sa aking mga labi ay bigla nalamang nawala nang sabihin niya sakin ang isang bagay na lubos na dumurog sa aking puso.     Habang kami ay nakaupo at nag-uusap sa isang sikat na kainan, inilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang bulsa at saka inilabas ang isang maliit na kahon.     "Alam mo ba dapat ibibigay ko sa'yo ang bagay na ito noong tayo pa." Nakita ko ang mapait na ngiti sa kaniyang labi habang siya ay nakatingin sa hawak niyang kahon.     Nanlaki ang aking mata nang buksan niya ang bagay na iyon at nakita ko ang isang napakagandang singsing sa loob nito.     "Pero sa tingin ko hindi na mahalaga ang nakaraan Maylene dahil nakaraan na ang bagay na 'yon, at sa wakas nahanap ko na ang taong pagbibigyan ko ng singsing na ito." Tumingin siya sa kaniyang kaliwa nang makarinig kami ng isang tinig galing sa isang babae na tumawag sa kaniyang pangalan. Nakita ko ang masayang ngiti sa kaniyang mga labi saka siya nagpaalam sa akin at lumapit sa babaeng iyon.     Naiwan akong nakaupo sa lugar kung saan siya umalis. Ang mga bagay na kaniyang sinabi at ipinagtapat sa akin ay labis kong kinasayangan.     Wala ba akong karapatang maging masaya?. Wala ba akong karapatang lumigaya?. Naputol ang aking iniisip nang biglang bumukas ang ilaw sa aking condo. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang aking magulang at ang aking kapatid na dahan-dahang lumalakad palabas ng silid na kanilang pinagtaguan.     Sabay-sabay ang kanilang pag-awit sa aking kaarawan at hindi ko alam kung anong aking mararamdaman.     Ang kalungkutan na bumalot sa aking puso kanina ay napalitan ng saya. Ang kaninang malungkot na presensya ay nabalutan ng ligaya. "Ano po ang ginagawa n'yo rito mama?" saad ko.     "Siyempre kaarawan mo kaya naisipan ka naming sorpresahin."     Mabilis kong hinagkan sa pisngi ang aking mga magulang at saka binigyan sila ng mahigpit na yakap.     Alam kong nagkamali ako noon at pinagsisisihan ko ang mga iyon. Alam kong dapat ay binigyan ko ng importansya ang taong lubos na nagmamahal sa akin at hindi humanap ng kalinga sa iba. Ngunit dahil sa karanasan kong iyon ay marami akong natutuhan. Natuto na ako, at hindi na mahalaga sa akin kung may muling darating sa aking buhay na iibigin ako nang wagas. Ang mahalaga sa akin ngayon ay narito ang aking pamilya na alam kong hinding-hindi ako iiwanan. Inilahad nila sa aking harapan ang cake na may nakatarak na kandila sa ibabaw. Masasabi kong ang apoy sa ibabaw ng kandila na ito ay sumagisag sa nadurog kong puso noong panahong ako ay nalunod sa pag-ibig, ngunit ngayon, masaya kong hihipan ang apoy na ito bilang simbolo na ang dating ako ay muling tatayo upang harapin ang bagong mundo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.8K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.9M
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
426.8K
bc

Twin's Tricks

read
560.4K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.6K
bc

An Innocent Angel

read
178.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook