bc

The Forsaken Wife (Completed)

book_age18+
15.5K
FOLLOW
65.5K
READ
others
family
arranged marriage
self-improved
drama
bxg
small town
weak to strong
wife
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Blurb

"Hanggang asawa kita ay susunod ka sa lahat ng gusto ko! Pag sinabi kong pumirme ka ng bahay ay gawin mo. Hindi ako papayag na dungisan mo ang apelyido ng mga Angeles!" galit na sermon ni Harvey sa asawang sumuway sa kagustuhan niya.

"Kailanman ay hindi ko pinangarap ang maikasal sa isang hambog. Sa tingin mo natutuwa akong madikit ang pangalan ko sa apelyido mo? Kinasusuklaman ko ang araw na pumayag ako ng ipinilit ng papa mo ang kasal na di ko ninais. Kaya mas nakakabuti sigurong mag file ka ng annulment. Wala akong hahabulin sa salapi mo. Kaya kong buhayin ang anak na hindi mo kinikilala kahit wala kang ibigay kahit singkong duling! Abandonadang asawa ako pero may dignidad ako na hindi mo pwedeng apak apakan lang. At ako pa talaga sisira sa apelyido ninyo? Really Harvey? Ikaw ang may babae pero ikaw pa ang galit? Wow! "

Paano susuyuin ni Harvey ang asawang tumigas na ang puso sa ilang taon niyang pagpapabaya? May pag asa pa bang mabuo ang pamilya ng siya mismo ang nagwasak?

chap-preview
Free preview
Tfw 1:Bullied
"Pangit mo!" "Hampaslupa!" "Patay gutom!" sigaw ng mga bata sa patpatin at gusgusing si Erica. Kahit na dose anyos na siya mapagkakamalan lang siyang sampung taong gulang. Paano ba naman hindi ito tutuksuin ay pupunta ng paaralan na gusot ang damit? Pati ang buhok nitong gupit lalaki ay 'di yata nadaanan ng suklay. Nakaligo nga siya pero ang braso niya ay may bahid pa ng uling. Ang kanyang binti ay may putik pang nakakapit dahil sa pagmamadali. Madalas din itong paglaruan ng mga kaklase dahil wala itong baunan na maayos. Madalas na nakabalot lang sa dahon ng saging ang pananghalian nito na ang ulam ay kundi bagoong isda ay isang pirasong tinapa. Wala silang nakuha na reaksyon dito at tila walang narinig nang nag-umpisang maglakad papalayo. Nang may biglang bumato ng bato na kasing laki ng bola ng jackstone at nasapol ang kanyang noo. Parang nagdilim ang paningin nito dahil sa sakit ng may biglang tumulong pulang likido mula sa tinamaan na noo. Dugo! Namutla siya sa takot at biglang nagdilim ang kanyang paningin. Pulasan ang nga bata ng bumagsak sa lupa si Erica. Biglang dumating ang guro na si Mrs. Tagasa. Dinaluhan nito ang nahimatay na si Erica at nagpatulong sa mga estudyanteng kalalakihan na madala sa klinika. Habang nilalapatan ng lunas ang nahimatay na si Erica ay lumabas ang guro. Hindi nito muna pinauwi ang mga estudyante dahil gusto niyang malaman kung sino ang may kagagawan ng pananakit sa kanilang kaklase. "Makinig kayong lahat. Hanggang walang umaamin o walang magtuturo kung sino ang nambato ky Erica ay walang uuwi!" Ang galit nitong sabi habang sinisipat ang mata sa mga estudyante. May hinala na siya kung sino pero gusto niya ang konpirmasyon. "Walang aamin? Pwes, walang uuwi!" May halong banta na sigaw nito. "Ma'am, si Trixxie po ang may kagagawan,"sigaw ng isang estudyante. Napalingon ang lahat kay Trixxie pero 'di man lang ito natinag. Taas-noo pa itong nakatingin sa guro. ' Di makapaniwala si Mrs. Tagasa sa pagiging maldita ng anak ng pinakamayamang angkan sa Bayan ng San Bartolome. Napailing na lamang ito. "Miss Angeles, I want you to bring your parents to the guidance counsellor's office tomorrow. Is that understood?" Hindi na nakapag protesta ang dalagita. Padabog siyang umalis at pumunta na sa nag-aabang na sundo. Andun na rin ang kanyang Kuya Harvey. "Hey, what's up Sis? Bakit nakabusangot ang prinsesa namin?" Tanong nito habang nagpapalobo ng bubble gum sa bibig. "Bwisit na Erica dahil sa kanya ipapatawag ng guidance sina Mama at Papa bukas." Napapadyak sa inis si Trixxie. Lukot na lukot ang magandang mukha nito. "Ano resbakan natin?" Ang gagad naman ng pilyong si Harvey. Numero uno itong konsitidor ng kamalditahan ng bunsong kapatid. Isa rin itong sakit sa ulo ng magulang dahil disiotso na ito pero fourth year high school pa rin ito. Sumakay na sila sa kanilang sundong Ford F150 pick up na ang drayber ay si Mang Tomas. Samantala, dahil hindi maampat ang pagdurugo ng noo ni Erica ay napagpasyahan ni Mrs. Tagasa na dalhin na ito sa pinakamalapit na ospital ng Bayan. Kailangan tahiin ang noo nito dahil bumuka ng halos isang pulgadang sugat nito na tama ng matulis na bahagi ng bato. May inutusan na din itong estudyante na abisuhan ang ama ni Erica na si Mang Enrico para masundo ito. Nakaraan ang bente minuto ay dumating ang ama ni Erica. Humahangos ito sa pagmamadali pero kapansin-pansin na medyo lasing pa si Mang Enrico. Walang imik si Erica ng hinagod ng tatay niya ang kanyang buhok. Mahiyaing bata si Erica kahit pa na kabaliktaran naman ang kanyang Tatay Enrico na ubod ng daldal. Naiiyak si Mang Enrico dahil alam niya na kahit nasaktan ang kanyang nag-iisang anak ay hindi siya pwedeng magalit. Paano ba naman ang anak lang naman ng kanilang butihing amo ang may kagagawan ng sugat sa noo ni Erica. "Anak pasensya kana kung hindi ka maipagtanggol ng tatay." Naluluhang usal ng ama ni Erica. Tumulo lang ang luha ni Erica sa sinabi ng tatay niya. Ano nga ba ang laban nila sa pamilya ng amo ng tatay niya? "Hayaan mo na Tay. Malayo naman sa bituka ang sugat ko. Atsaka nasanay na ako sa Senyorita Trixxie." Ang tanging pampalubag-loob ni Erica sa tatay niyang lumuluha. Umuwi na sila ng matapos mabayaran ang naging gastos sa ospital.Nagsabi na rin si Mrs.Tagasa na pwede ng lumiban sa klase si Erica para makapag pahinga ito. ******* Samantala sa mansion ng mga Angeles ay tensyonado ang paligid dahil sa nagbabadyang sermon ng mag asawa sa anak na babae. Nakarating kasi kaagad sa kanila ang pamamato ng anak sa kaklase nitong anak ng kanilang katiwala sa palaisdaan nila. "What is it this time, Trixxie?" Namumula sa galit na tanong ni Senyor Arthur sa bunsong anak. "It was unintentional dad, kasalanan ko ba kung tatanga tanga siya. Hindi man lang umilag. Alangan namang ang bato pa ang kailangan mag adjust!"Ang palalong sagot ni Trixxie sa nangagalaiting ama. "And you blame her for your irresponsible actions!? My God. I can't believe we raised a devil incarnate!" Napahawak ito sa kanyang batok dahil pakiramdam nito ay sasabog ang kanyang ugat sa konsumisyon sa bunsong anak. "You are grounded! That means you are not allowed to use any gadgets, even TV. You are not allowed to leave your room until you realise your mistake and apologise to Erica!" Mataas pa rin ang tinig na wika ng ama. "But dad!" Protesta ni Trixxie. "Say no more. My decision is final! Babaliin ko ang sungay mo habang maaga!" May pinalidad na sabi nito at umakyat na ng library. "Ano Sis? Resbakan ko na ba?" Ang panunukso ni Harvey sa kapatid na galit na galit. Kinuha nito ang throw pillow na nasa sofa at iyon ang itinapon kung saan. Nasapol nito ang mamahaling Japanese vase nila at bumagsak at nabasag ito. Lumikha ito ng ingay at kaagad na lumapit ang kanilang mommy Anatalia. "Sakit ka talaga sa ulo Trixxie! Ikaw pa talaga ang may ganang magalit at magbasag!" Piningot nito ang tenga ng anak. "Mom, relax". Ang pang-aalo ni Harvey sa ina. "Isa ka pa!" Binalingan nito ang panganay. "Kaya naging matigas ang ulo ng kapatid mo dahil sa pangungunsinti mo sa maling gawain niyan! Diosko, ano ba ang naging kasalanan namin at binigyan mo kami ng mga anak na lapastangan?" Ang madramang hiyaw ng ginang. Umiiyak na umakyat sa kanyang kwarto si Trixxie. Nagkulong ito at di na nag-abalang kumain ng hapunan. Hindi rin siya inakyat ng kanyang mga magulang at kapatid na siyang nagpasidhi sa kanyang galit sa hampaslupang kaklase. Makikita ng Erica na iyon! Ipinangako nito sa kanyang sarili na magbabayad ito sa sakit ng loob na naidulot sa kanya. ****** Sa bahay naman ng mga Santillan ay kasalukuyan silang naghahapunan ng may kumatok sa kanilang pintuan. Pagbukas ni Mang Enrico ay nagulat siya sa mga panauhin. Paano ba naman bisita ng mag-ama ang kanilang amo na sina Senyor Arthur at Senyora Anatalia. "Magandang gabi, Enrico." Ang sabay na bati ng mga amo. "Tuloy po kayo, Senyor at Senyora. Pasensya na po kayo at medyo makalat ang bahay namin." Ang nahihiyang sabi ni Mang Enrico. Alam na niya ang sadya ng amo ngunit asiwa siyang sinadya pa talaga sila ng mga amo. "Walang problema Enrico, alam kong palagi kang abala sa palaisdaan kaya naiintindihan namin. May sadya talaga kami kaya nagawi kami dito." Alanganin na sagot ni Senyor Arthur. "Naparito kami ngayon para ihingi ng tawad ang kasalanan ng anak naming bunso. Alam ko naman ang mga kabataan ngayon mapusok" tila nahihiya nitong usal. "Naku, mga bata pa naman po sila. Atsaka malayo naman po sa bituka ang sugat ng anak ko." "Hayaan mong ipagamot namin si Erica sa isang dermatologist Enrico. Sayang ang ganda ng anak mo kung mapipingasan ng peklat ang kanyang noo." Boluntaryong sabi ni Senyora Anatalia at tiningnan pa ang nakayukong si Erica. "Kayo po ang bahala." Nagpaalam na ang mga amo nila at hinarap ni Enrico ang anak. Nahihiya siya dito dahil tiklop siya sa kabutihan ng mga amo. Maano at kung anong sutil ng mga anak ay siya namang kabaitan ng mga magulang. Napabuntong hininga siya. Natawa siya sa kanyang anak. Ulila na nga sa ina ay palagi pang na pag iinitan ng mga batang Angeles. Kinabukasan ay dinala nga ni Senyora Anatalia sa isang dermatologist si Erica para mapasuri ang sugat. Niresetahan si Erica ng ointment para sa sugat at cream pag gumaling na ang sugat para di ito magkapelat. Pinuntahan din ng mag-asawang Angeles ang guidance office para sa kasalanan ng anak nila. Andun din si Mang Enrico at Erica. Nagkaharap ang dalawang pamilya at kahit labag sa loob ay napilitan humingi ng paumanhin si Trixxie. Pagkauwi sa mansion ay diretso sa kanyang kwarto si Trixxie. Hindi na siya bumaba para maghapunan sa sobrang pagdaramdam niya sa sapilitang paghingi ng paumanhin sa gusgusing si Erica. Kaya isinumpa niya sa sarili na mas lalong magdurusa ang kawawang kaklase. Hindi niya matanggap na ang isang hampaslupang bata ay may kakayaning mapaluhod ang isang kagaya niyang mataas ang uri ng pamumuhay. Lintek lang ang walang ganti!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook