Tfw9: Balak

1195 Words
Maagang nagising si Gavin. Kailangan nitong mag-report sa trabaho at i-inspection ang mga materyales na darating mamayang alas diyes ng umaga. Pagkatapos kumain ng almusal bandang alas siete cuarenta y cinco ay gumayak na sya para pumunta sa site sa Bayan. Bitbit ang isang backpack na may lamang baon na pananghalian ay sumakay siya sa kanyang Yamaha r6 ay binaybay nito ang daan patungo sa bahay nila Erica. Habang nasa daan ay napansin nito si Tinay na papunta kina Erica. Hininto nito ang motor at binati si Tinay. Alam nitong may gusto sa kanya ang dalaga pero sadyang nabihag talaga ng una ang kanyang puso. "Umangkas ka na Tinay. Dadaan ako kina Erica, " anyaya nito sa dalagang naglalakad. Malapad ang ngiti ng isinukli ni Tinay sa binatang hinahangaan. Kahit medyo nasaktan sa kaalamang patuloy pa ring nanliligaw ang lalaki sa kaibigan ay mas minabuti na muna ng dalagang isantabi ang nasa isip. Ninamnam niya ang sarap ng pakiramdam na makaangkas sa magandang motor ni Gavin. Niyakap niya ng mahigpit ang binata. Nasasamyo niya ang banayad na amoy ng cologne nito na humalo sa sabong pampaligo na ginamit. Hay, sana bumagal ang takbo ng oras para mas matagal niyang makasama ang lalaking iniirog. Iyan ang tumatakbo sa isip ni Tinay habang nakaangkas sa sasakyan ni Gavin. Dama naman ng binata ang higpit ng yakap ni Tinay Pero hinayaan niya lang ito. Naiisip din naman niya si Tinay na alam niyang may gusto sa kanya. Halatang halata sa kilos nito tuwing lalapit siya dito. Ayaw pa naman nya sa babaeng nagpapakita ng motibo. Mas gusto niya pa rin na siya ang susuyo sa babaeng natitipuhan. Ilang sandali pa ay narating nila ang bahay nila Erica. Pero sa pagkadismaya ni Gavin ay nakita nito ang motor na gamit ng binatang Angeles. Nakasimangot siya sa kaalamang naunahan siya ni Harvey. Nakangiti si Tinay sa nakitang dismayadong mukha ni Gavin. Sa isip niya ay sana matauhan na si Gavin at ibaling na lang sa kanya ang panliligaw nito. Saktong dumungaw si Erica dahil may narinig itong motor na pumarada. Nakita niya ang isa pang manliligaw na angkas ang kanyang bestfriend. Natuwa naman siya dahil sadyang maginoo si Gavin. Kung disin sana ay kay Tinay na lang ito manligaw ay ikatutuwa niya. Kahit anong kapa niya sa damdamin ay pagtinging magkaibigan lang talaga ang kayang ibigay niya para rito. Napabuntong hininga siya sa yamot. Paano ba kasi ang amo niya ay kanina pa nasa palaisdaan. Hindi pa man sumisikat ang araw ay andito na sa kanila. Tinalo pa nito ang intsik na nanliligaw ng umagang umaga. Humingi pa nga kanina ng kape sa kanila. Hindi pa siya nakapag hilamos ay ang nakangiting mukha na ng amo ang nabungaran. Buti na lang at maagang nagising ang kanyang Tatay at may mainit na tubig na sa takure. Binati ni Erica ang bagong dating na kaibigan at manliligaw at inaalok na rin na mag kape. Magiliw na nagpaunlak ang dalawa at umupo na sa kusina at humigop ng kape. "Buti at napadalaw ka Tinay. Pupuntahan na sana kita sa inyo mamaya eh," panimula ni Erica. Ayaw niya kasi na pinapatagal ang pagtatampo ng nag iisang kaibigan. Hindi siya lapitin ng mga kaedad niya magmula pa pagkabata ni Erica dahil na rin pinapaiwas ng mga magulang na makipaglapit ang mga anak nila sa kanya. Hindi naman sa palaaway siya kundi hampaslupa ang turing ng mga ka-barangay sa kanya. Dahil siguro madungis siyang tingnan noon dahil napabayaan siya ng kanyang Tatay. Kung tutuusin ay mas lamang nga sila kung sa kabuhayan lang din ang pagbabantayan. Magka ganun pa man ay hindi nagtanim si Erica ng sama ng loob sa mga ka barangay. Matapos mag kape ni Gavin ay nagpaalam na ito sa kanila ni Tinay. Anlaki pa ngang ngiti ni Tinay parang walang tampo sa kanya sa nagdaang araw. Nang makaalis na si Gavin ay kinausap ng masinsinan ni Erica si Tinay. "Alam ko na napapansin mong napapadalas ang pagpunta ni Gavin dito sa amin. Pero huwag kang mag-alala dahil sa susunod na punta niya dito ay tatapatin ko na siya," wika ni Erica sa kaibigang di pa rin mawaglit ang ngiti sa labi. Para na itong timang na nangangarap ng gising. "Sorry na kasi nagtampo pa ako sa iyo. Alam ko naman na wala kang gusto sa aking si Gavin eh, " nakangusong bulong ni Tinay. Nais matawa ni Erica sa mukha ng kaibigan. Hay - ang nagagawa nga naman ng pag ibig! Ilang saglit pa ay umuwi na din si Tinay. Tila sinadya lamang ang kaibigan para sabihing hindi na siya nagtatampo. Pagkarating sa bahay nila ay diretso sa kwarto para muling humilata. Ganun ang nakagawian ng dalaga. Hindi na niya kailangan gumawa ng kung anuman sa bahay dahil siya yata ang prinsesa ng mga magulang.Ang pag aaral lang ang inaatupag niya. Nababasa lang ang kanyang kamay tuwing kakain at maliligo. Palagi din itong may natatanggap na allowance mula sa kanyang tiyahin na si Criselda. Sunod din siya sa uso kung sa damit at mga abubot din lang. Kaya hindi nakapagtataka na marami itong manliligaw sa eskwela at kahit pa sa kanilang barangay. "Ikaw Tinay, napapansin ko palagi kang dumidikit diyan kay Erica! Hindi ka ba naaalibadbaran sa pagmumukha niyang wala sa ayos?" Ang maarteng tanong ng ina sa anak na kasalukuyang nakahiga sa kama na de kutson. "Grabe ka kay Erica Nay. Samantalang okay naman kayo ng ipaalam niya ako sa iyo para makadalo ako sa sayawan," ang may bugnot na sagot ni Tinay. "Pumayag lang ako kasi nangako siyang babantayan ka. Aba dapat lang! Mukha lang naman siyang alalay mo ah. Ni wala sa kalingkingan mo ang babaeng iyon. Ewan ko ba sayo at nagtiyaga ka pa talaga na kaibiganin ang patay gutom na iyon!" sermon ni Aling Iska sa anak. "Grabe ka naman maka patay gutom sa kanya Nay. Kung tutuusin ay mas mapera naman sila sa atin. Sadyang simple lang talaga si Erica eh! "Naiinis na sagot ni Tinay sa inang pintasera. "Bakit hindi ko kaibiganin ang Senyorita Trixxie? Siya lang naman ang bagay mong maging kaibigan. Magkasing ganda at magka lebel kayo kaysa sa Erica na iyon."Hindi pa rin maalis ang disgusto ng ginang sa kaibigan ng anak. " Kaibiganin? Nay, at si Trixxie pa talaga ang binanggit mo? Eh, may sa demonyita ang ugali noon. Kung anong bait ng mga magulang siya namang kinasutil ng mga anak. Huwag na oy! Okay na ako kay Erica!" Naiinis na sagot ng anak sa ina. "Bahala ka sa buhay mo basta lumayo layo ka sa amoy isda mong kaibigan." Lumabas na ng kwarto ang ginang at nagtuloy sa kusina. Naiwan ang anak sa kwarto at patuloy na nag iilusyon sa kanyang iniirog. Nagpaplano na ito kung paanong masilo ang mailap na kinababaliwan na lalaki. "Magiging akin ka Gavin. Sa ayaw at sa gusto mo. Tingnan ko lang sa gagawin ko kung magkagusto ka pa sa kaibigan ko." Sumilay ang tusong ngiti sa mga labi nito. Kagabi niya pa iniisip ang solusyon sa problema niya. Walang kawala ang sinuman sa kanyang gagawin. Kung akala ng binata ay papayag lang siyang manuod at maghintay kung kelan siya nito papansinin ay nagkakamali siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD