"Pakiusap mga iho, bilang nakakatanda sa inyo ay gusto kong igalang ninyo ang grasya na nasa hapag. Ang anumang gusto ninyong pag-usapan ay mamaya na siguro pagkatapos kumain," mahinahon na pakiusap ni Mang Enrico sa dalawang binatang manliligaw ng anak.
Umikot ang mata ni Erica sa hiya dahil sa kagagawan ng dalawang binata. Kung siguro ay isang istriktong ama ang kanyang Tatay ay malamang pinalayas na ang mga asungot.
Nagpatuloy na silang apat na kumain. Pagkatapos ay nagligpit na siya at naghugas ng pinagkainan habang ang tatlong lalaki ay sandaling bumaba para mag
lakad-lakad.
Habang abala ang anak sa pagliligpit ay inaya naman ng ama ang dalawang binata na magpahangin sa labas. Gusto niyang malaman ang mga pakay at motibo ng mga ito sa kanyang nag iisang anak.
"Gusto kong maging tapat sa inyong dalawa Senyorito Harvey at Engr. Gavin. Kayo po ba ay malinis ang hangarin sa aking anak? Dahil kung hindi ay ngayon pa lang ay tigilan nyo na siya, " seryoso ang mukha ng ama ng dalaga at matamang sinusuri ang dalawang binata.
"Syempre naman po Mang Enrico. Seryoso ako kay Erica. Kung sasagutin nya ako ay handa ko siyang pakasalan sa lahat ng simbahan," sagot ni Gavin. Malapad ang ngiti nitong umabot hanggang sa mata na bakas ang kanyang mabuting hangarin.
"Ang OA mo talaga Mendez mula pa noon. As if naman sasagutin ka ni Erica, " kumpyansang sagot ni Harvey sa pag mamayabang ni Gavin.
"Nakakatawa ka talaga Angeles. Ano maniniwala ba ako o kami na seryoso ka kay Erica? E, kung i-bully nyong dalawang magkapatid si Erica ay ganun na lang, " paalala ni Gavin kay Harvey habang nakatingin ito kay Mang Enrico.
Napailing na lang ang ama ng dalaga sa dalawang binata. Tama nga ang sapantaha ng anak na ginawa lang nila na parang isang bagay na pinag-aagawan si Erica . Hahayaan na niyang magpasya ang anak kung may magustuhan man ito sa isa sa mga manliligaw.
Nauna ng umakyat sa kanilang bahay si Mang Enrico at sumunod na ang mga binata. Tapos ng magligpit si Erica ngunit tinaasan lang siya ng kilay ng anak. Akala siguro nito ay umuwi na ang kanyang manliligaw ngunit sa malas ay parang kailangan niya pa itong harapin kahit papaano.
Sumenyas ang ama sa dalaga na maupo na sa sala at asikasuhin ang mga manliligaw. Napasimangot naman si Erica at kahit napipilitan ay umupo na sa sala.
Pinandilatan ng ama ang anak ng makita na sambakol ang mukha. At waring nakaintindi naman ang dalawang binata kaya nagpaalam na silang umuwi.
Hinatid ni Mang Enrico sa pintuan ang dalawa dahil pumasok na sa kanyang kwarto si Erica.
Pagbalik ng ama ay hinarap ang anak.
"Anak naman nasaan na ang kabutihang asal mo? Taong humarap ang mga manliligaw mo ay dapat harapin mo ng maayos," ang mahinahon na paliwanag ng ama sa anak.
"Tay naman eh, halata namang ginawa lang akong parang trophy. Magkaribal kaya ang mga iyon simula high school. Tapos magulat na lang ako nagkagusto ng sabay sa akin?" natatawang susog ni Erica sa amang tahimik na nakikinig sa himutok niya.
Naiisip niya na sa susunod na balik ng mga ito ay babastedin niya ang dalawa. Kasi naman kung magpapaligaw siya kay Gavin ay magagalit si Tinay at hindi siya tatantanan ni Harvey. At pangalawa halata namang pinagtritripan lang siya ng binatang amo.
Maaring high school lang ang tinapos niya pero hindi naman siya ganoon katanga para kumagat sa pain ng sutil na amo.
Samantala, habang pauwi sa kanila ay nag-iisip mna si Gavin ng diskarte kung paano siya sasagutin ni Erica. Kahit na siguro paulit-ulit siyang bastedin nito ay paulit-ulit lang din siyang manliligaw hanggang mahulog ito sa kanyang karisma.
Siya yata si Gavin Mendez. Kahit laki sa hirap ay marami na rin naman siyang naging nobya. At lahat ng iyon ay naikama niya. Aaminin niyang nahamon ang kanyang p*********i sa pagtanggi ni Erica sa kanya. Kahit nga ang may kayang mga kolehiyalang Manilenya ay hindi nakatakas sa kanyang kamandag.
Sa kabilang banda, sa kanyang pag-uwi sa kanilang mansion sakay ang kanyang motor ay nag-iisip na rin si Harvey kung paano masisilo ang mailap na dalaga. Playing hard to get huh? Wala pang babaeng umayaw sa isang Harvey Angeles. Sa America nga ay mga babae pa ang nagbibigay motibo maikama nya lang tapos ay babastedin lang siya ng isang simpleng promdi? Hindi kayang tanggapin ng kanyang pride iyon. Kaya by hook or by crook ay dapat makuha niya si Erica. At may asungot pang Gavin Mendez? Akala siguro nito ay makakaulit pa ito sa pananalisi niya noon. Sisiguraduhin niyang siya ang magwawagi sa pagkakataong ito.
Pagkarating ni Harvey sa kanilang mansion ay Ipinarada ang motor sa garahe. Isinilid niya ang susi sa bulsa ng pantalon pagkahugot mula sa ignition ng motor. Pasipol sipol siyang naglalakad sa sala ng namataan siya ng mga magulang.
"Where have you been Harvey? At hindi ka dito sa atin nagdinner?" usisa ng mommy niya sa kanya at tiningnan siya nito pailalaim.
Hinalikan niya ang pisngi ng mommy niya at ngumiti.
"Would you believe Mom kung sasabihin kung umakyat ako ng ligaw?" pilyo niyang sagot sa inang animo detective sa pag usisa sa kanya.
"Really iho? At sino ang minalas na babae?" she laughed at her son.
"Mom? Really? Am I that bad at itinuturing mong malas ang babaeng magugustuhan ko?" may hinampo ang boses ng binata sa tinuran ng ina.
"Well, good luck sa kawawang babae! " ang malutong na halakhak ng Ginang ay dinig sa buong living room ng mansion. Naglakad na ito patungo sa ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang silid nilang mag-asawa.
Napaisip si Harvey sa sarili kung ano ang mali sa pagiging pilyo noong teenage years niya. Siya man ay natatawa sa mga nagawa niyang kabulastugan noon kay Erica. Naroong lagyan niya ng mga bato ang bag nitong gawa sa canvas noon.
Minsan nga ay itinago pa nilang magkapatid ang tsinelas nitong butas na at ang kawawang si Erica ay umuwi ng nakayapak lang.
Hindi niya sukat akalain na ang batang binubully niya noon ay may kung anong damdamin ang pinupukaw sa kanya. Is it amusement? Or is it fascination?
Ibang-iba ang Erica sa ngayon sa Erica na nakagisnan nya noon. Despite being garbed in the simplest way, litaw ang ganda nito. Even way more attractive sa matalik na kaibigan nitong si Cristina Mondejar na unang napansin niya sa sayawan. Baduy kung maituturing manamit si Erica kung ikukumpara sa mga kaedaran niya na dumalo sa disco. But the fact na napansin kaagad ito ng kanyang karibal ay ibig sabihin ay maganda talaga ito.
Napangiti si Harvey sa mga naiisip ng nadaanan siya ng kanyang ama. Binati niya ang kanyang ama at tinanguan lamang siya nito. Umakyat na siya sa kanyang silid para maligo at matulog na.
Meanwhile, si Senyor Arthur ay nagulat sa anak na nangingiti na parang may inii-imagine. Pag pasok sa silid nilang mag-asawa ay nadatnan ang esposa na si Anatalia na nagbabasa ng magasin.
"Mahal, may napansin ka ba kay Harvey?" tanong sa esposa na binubuklat ang pahina ng binabasa.
"Would you believe if I say may nililigawan ang ating unico Hijo mahal? Ang malas naman kung sino siya!" Hindi pa rin mawaglit ang ngiti ng ginang sa nalaman ukol sa panliligaw ng anak.
"Pero mahal, grabe ka naman sa anak natin. Atleast give him the benefit of the doubt!" sagot ni Senyor Arthur sa esposang nakangisi.
"Can you blame me? May pinagmanahan eh!"iritableng sagot ng una.
"At bakit napunta sa akin ang usapan na gayung si Harvey ang topic natin, " mahinang usal ni Senyor Arthur na nakanguso pa. Nag-iingat siyang huwag na ipaaala sa kanya ng esposa ang mga kabulastugan niya noong kabataan niya.
Tinalikuran ng ginang ang asawa at binaba ang magasin na binabasa at pumikit na para matulog. Napailing si Senyor Arthur sa kaalamang inihahambing ng esposa ang kapilyuhan ng anak sa kanya.
Sa kwarto ni Harvey ay nakahiga na siya sa kanyang kama. Napahawak siya sa kanyang labi at naalala ang inosenteng labi n Erica. Nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Hindi niya titigilan ang dalaga mapasagot lamang ito. He is doomed mukhang hindi siya magiging kampante kung hindi niya matitikman ang dalaga.
He get up from the bed and did the nasty thing in the bathroom when no one is there to be f****d.
He felt relieved and had a good night's sleep.