Tfw7: Competition

1628 Words
Biglang nilalamig si Erica.Niyakap niya ang sarili dahil sa lamig ng dapyo ng panghapong hangin na ngayon na sumisigid sa kanyang kalamnan. Medyo nanginig siya. Kanina lang ay wala sa isip niya ang paligid dahil animo bumagal ang takbo ng oras sa hindi inaasahang paghalik ng binatang amo sa kanya. Para siyang naengkanto at pumasok sa kung saang dimensyon sa kagagawan ng pilyong amo. Hindi niya mawari ang motibo ng binata kung bakit siya nito hinalikan. Lumayo na siya ng tuluyan kay Harvey. Yakap ang sarili ay binaybay ang mababaw na parte ng palaisdaan at umakyat sa dike. Inabot naman ng ama ang kamay ng anak para tuluyan makaahon sa palaisdaan. Nagulat din ito sa nasaksihang eksena sa palaisdaan ngunit ipinagpaliban na muna ang mga katanungan sa anak na kasalukuyang naglalakad pabalik sa kanilang bahay. Tumuloy si Erica sa kanilang banyo para magbanlaw. Habang nagsasabon sa sarili ay binalikan ang eksena sa palaisdaan. Para siyang tanga kanina na nakamulat ang mata habang hinalikan ng pilyong amo. Hay! Nais niyang mainis dahil hindi naging maganda ang kanyang unang halik. At sino ang matutuwa kung ang isang napakahalagang kaganapan sa buhay mo ay mga isda ang saksi? Nagulat din siya sa biglang pagsulpot ng makulit na si Gavin at may bitbit pang bulaklak. Ayaw talagang pasupil sa panliligaw sa kanya. Nakikita niyang magkakaproblema sila ni Tinay kaya tatapatin na niya si Gavin na huwag ng umasa.Kasehodang maging bastos ang tingin ng binata sa kanya. Matapos magbanlaw ay nagbihis na din siya pati at nakadamit ng lumabas sa banyo. Mahirap na! Baka may sumulpot ulit na asungot at maglagay na naman siya sa alanganin na sitwasyon. Naiisip niyang sunod-sunod na kamalasan naman yata ang naranasan niya ngayong araw. Hindi siya nilubayan ng tatlo. Sana naman huli na ang naganap sa palaisdaan dahil quota na siya para sa araw na ito. Pumanhik siya sa kanilang bahay at sa kusina siya dumaan may tatlong baitang ng hagdan ang kanyang inakyat. Samantala, di naman mapuknat ang ngiti sa labi ni Harvey. Hindi niya inaasahang magugustuhan niya ang halik na ninakaw sa anak ng katiwala nila. Sakay ng kanyang Big bike ay binaybay ang daan pabalik sa mansion. Maliligo lang siya at magpapalit at muling babalik sa bahay ng katiwala. Bahala ng mabwisit ang dalaga basta hindi siya makapapayag na maungusan siya ng karibal na si Gavin. Ipinarada niya ang kanyang motor sa garahe at agad na tinawag ang kanyang Yaya Pacing. "Yaya Pacing! Pakikuha naman ng tuwalya, " sigaw niya na nasa bungad ng backdoor ng kusina. Lumingon ang tagapag-alaga at nanlaki ang mata ng makita ang alagang basa at may lumot pang kumapit sa kulay puti nitong Tshirt. "Nakung bata ka saan ka ba nag swimming at may lumot pa yang damit mo?" konsumidong sermon ng Yaya sa alagang pasaway. Lumapit ang isang kasambahay para iabot ang tuwalyang hinihingi ng binata. "Ito na po ang tuwalya Senyorito," abot ng kasambahay na si Cora. Inabot ni Harvey ang tuwalya at pumunta sa banyo ng nasa labas lang ng dirty kitchen. Habang naliligo at nai-imagine niya ang malambot na labi ni Erica. Napangiti siya sa kapilyuhang ginawa. Halatang walang karanasan si Erica kaya tuwang-tuwa siya. Kung hindi marunong humalik ibig sabihin ay wala pa itong karanasan. Biglang nabuhay ang kanyang dugo sa ideyang pumasok sa kanyang utak. Parang gusto nya din tumikim ng birhen. Sa lahat ng nakaulayaw niya ay hindi niya pa naranasan ang makipagtalik sa babaeng walang karanasan. Lahat ng naging fling niya ay pawang mga liberated. Kahit na ang naging nobya na si Honey na inaasahan niyang buo pa sa edad nitong disisais ay nagulat siyang hindi na pala. Isang palabas lang pala ang kanyang pagiging kimi at pakipot noon. Ang babaeng naging dahilan kung bakit muntik siyang ma-expel ay pinagtawanan pa siya noon ng sinabi dito na seryoso pa rin siya sa kabila ng nalaman niya na hindi siya ang unang lalaki sa buhay nito. Isang malaking dagok sa kanyang p*********i ng malaman niyang nasalisihan pala siya ni Gavin sa kanyang nobya na si Honey. Ang babaeng sineryoso niya sa unang pagkakataon ay pinaglaruan lang ang puso niyang hangal na nagmahal ng buong katapatan sa nobya. Ang masakit pa walang pagsisisi Honey sa kanyang ginawa. Aniya sino ang seseryoso sa lalaking walang direksyon ang buhay na kung hindi sa yaman ng pamilya ay hindi alam kung saan kangkungan pupulutin. Ininda niya ang unang kabiguan sa babaeng sineryoso. Kaya nang mag-offer ang mga magulang na doon na muna sila ni Trixxie sa America ay walang pag-aalinlangan siyang pumayag. Ninais niyang lumayo para maghilom ang sugat na nilikha ng salawahang nobya. Sa America niya naranasan ang makipag relasyon na walang halong responsibilidad. At nakalimutan niya kaagad ang babaeng nagpasama ng tingin niya sa mga dalagang taga-nayon. Akala niya kasi noon ay porke probinsyana ay puro walang karanasan pero nawindang siya kay Honey dahil agresibo pa nga ito kung ikukumpara sa ibang naging flings sa America. Nagbalik ang kanyang isip sa kasalukuyang paliligo ng buhat sa labas ay tinawag ng kanyang Yaya Pacing ang kanyang pangalan. "Senyorito Harvey, pagbuksan na muna at narito na ang inyong mga damit." Nagtapis lang siya ng tuwalya at binuksan ang pinto ng banyo. Kinuha niya ang mga damit at muling sinara ang pintuan. Lumabas na siya matapos magbihis. Nakasunod lang ang matanda at inabot niya ang ginamit na tuwalya matapos kuskusin sa huling pagkakataon ang may kahabaan ng basang buhok. "Yaya Pacing kapag hinanap ako nina Papa at Mama sabihin mo umakyat ako ng ligaw. Doon na ako maghahapunan kaya huwag nyo na akong hintayin sa hapag kainan," nagmamadaling bilin ng binata sa tagapag-alaga na hindi na nakaimik. Sumakay ulit siya sa kanyang motor at muling tinugpa ang daan patungo sa bahay ng katiwala ng palaisdaan. Sampung minuto pa ay Ipinarada na niya ang motor sa tapat mismo ng bahay ng tauhan matapos patayin ang makina ng sasakyan. Hinugot niya ang susi at sinilid sa cargo pants na kanyang suot. Siya namang pag dungaw sa bintana ni Erica. Nagulat siya dahil bumalik ang amo. May nakalimutan kaya itong bilin at bumalik? Pinagbuksan niya ng pintuan ang amo. Tuloy tuloy lang ito na pumunta ng kusina at binuksan pa ang kawali na may takip. Nilingon niya si Erica sabay sabi "dito ako maghahapunan." Naku, at hindi pa pala talaga natapos ang pambibwisit ng binata sa dalaga. Kahit surang sura ay walang nagawa si Erica kundi maghain na. Ang binatang amo ay prente ng umupo sa upuan na inokupa kaninang tanghalian. Utas! Gusto man magdabog ni Erica ay pinigil ang sarili. Kawalang galang pa rin ang magpauwi ng hindi inaasahang bisita. Pabalik na siya ng lamesa na dala ang mangkok na may lamang adobong kangkong at scrambled egg na maraming kamatis at sibuyas ng pumasok ang ama. Kasunod nito ang isa pang asungot na si Gavin na may bitbit na plastic. "May bisita ka ulit Erica," ang bungad nito pero di matuloy ang ngisi nito ng mamataan ang binatang amo na nakapwesto na pala sa hapag kainan. "Magandang gabi Senyorito. May nakalimutan ba kayo at bumalik kayo?" alanganin na tanong ng katiwala sa amo na seryosong nakaupo sa hapagkainan. Hawak na nito ang kanyang kutsara at tinidor. Nakangisi lamang sa tanong ng katiwala at tila batang tinambol ang plato ng kutsara at tinidor. "Makikain at manliligaw pagkatapos Mang Enrico." Napatulala ang huli sa sinabi ng binatang amo. Kaninang umaga lang ay biniro lang ang anak ukol sa mga manliligaw. Ano ito at nagkatotoo pa yata ang biro niya? Ayaw niyang pangunahan ang anak. Kaya magmamasid na lang siya sa kilos ng dalawang manliligaw ng kanyang anak. "Erica, pakilagay nga din sa mangkok. Ulam natin yan. Bumili ako ng litson manok sa Bayan," singit ni Gavin habang inaabot kay Erica ang plastic na medyo mainit init pa. Napangiwi ang dalaga sa sitwasyon niya. Tinanggap ang plastic ng ulam at kumuha ng mangkok. Isinalin ang litson manok na umuusok pa na nakabalot sa dahon ng saging. Samantala, nagtatagisan ng mga titig ang magkaribal. Ang binatang Angeles ay walang pakialam sa bagong dating. Si Gavin ay tinaasan ng kilay ang binatang nakaupo at naghihintay sa pagkain. Napailing na lang si Mang Enrico sa kompetisyon ng dalawang binata mapansin lang ng kanyang anak. Nakaantabay lang siya kung sakaling magkainitan ang dalawa. Umupo na sila at nag umpisa ng kumain pagkatapos manalangin ni Mang Enrico. Pinauna ng mga binata ang ama ng nililigawan na kumuha ng mga ulam. Bumaling si Gavin kay Erica at kinuha ang pakpak ng litson manok at inilagay sa pinggan ng dalaga. Yumukod naman ang dalaga tanda ng pasasalamat. Hindi nagpadaig si Harvey at kumuha ng adobong kangkong sa mangkok at inilagay sa pinggan ni Erica. "Ito kainin mo Erica mas masustansya," sabi nito sabay kalahig ng pakpak ng manok para itabi sa pinggan ni Erica. Naningkit ang mata ni mata ni Gavin sa ginawa ni Harvey. Sumandok din ito ng scrambled egg at inilagay sa pinggan ng dalaga. "Mas healthy ang maraming spices na pagkain pampatibay ng resistensya," sabi nito na nakatingin sa karibal. Napundi na ang dalaga at tumayo na sa upuan sabay sabi "Pwede ba kumain kayo ng kayo lang. Hindi ako lumpo para ipagsandok ng ulam. Nakakainis!" dabog ng dalaga. "Erica! Nasa harap ka ng grasya nasaan ang iyong wastong asal?" paalala ng ama sa anak na nagmumuryot. Bihirang magseryoso ang ama kaya bahagyang natakot ang dalaga. Tiningnan ng ama ang dalagang anak para balaan ito sa kawalan galang sa harapan ng hapag kainan. Nakasimangot si Erica at tiningnan ng masama ang dalawa. Gusto niyang manakit pero di niya magawa sa babala ng kanyang ama na umakto ng wasto sa harap ng mga bisita. Ang mga binata ay nakayuko at nahiya sa inasal nilang dalawa. "Pasensya na po Mang Enrico," ang magkasabay na paumanhin ng mga binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD