Halos mabingi na si Vivoree dahil sa lakas ng kabog sa kanyang dibdib habang hinihintay ang hudyat na sinabi ni Ella para lumabas siya sa surprise box na kinaroroonan niya ngayon.
"I—ito ang isusuot ko?" Halos hindi makapaniwala niyang tanong.
"Yes, my dear friend. Alangan naman magsuot ka ng long sleeve at mataas na saya gayong stripper ang papel mo ngayong gabi," kaswal na tugon ni Ella.
Pinagmasdan niya ang telang kapiranggot lang. Isa iyong pulang t-back lace na may pulang pearls sa bawat detalye ng tela. Ang kapares namang pang-ibabaw ay maliit lang din na bra at kung tutuusin nga, ang dunggót na lang sa kanyang dibdib ang matatakpan.
"P—pero Ella... Tingin ko masyado yata itong malaswa," parang maiiyak na niyang wika.
Umirap ito sa hangin bago nagpakawala ng isang buntong hininga. "Eh yan ang request ng kliyente. Akala ko ba gusto mong kumita ng malaking halaga?"
"Syempre gusto pero—"
"Pwes tiisin mo yan. At tsaka balat at laman lang yang gurl. Yung iba nga naghuhubad sa harap ng madla at nagpapakapúta para lang sa pera. Isuot mo na yan at aayusan pa kita. Baka malate tayo, wala tayong kikitain ni isang kusing ngayong gabi," tila naiirita nitong sambit at ipinagtulakan na siya papasok ng banyo.
Wala na siyang nagawa kundi isinuot ang ibinigay ni Ella sa kanya. Nilagyan din siya ng bakla ng makapal na make-up at pinagsuot ng sandal na may mataas na takong.
Napukaw siya mula sa malalim niyang pag-iisip nang tumunog na ang isang pamilyar na saliw ng musika. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa loob ng surprise box kasabay ng tuluyang pagbukas nito. Mabuti na lang at marunong siyang sumayaw noong highschool siya kaya hindi siya nahihirapan ngayon.
Mariin siyang napapikit. "Para kay Nanay ang gagawin kong ito," pampalakas loob niya.
Marahan niyang inindayog ang kanyang balakang kasabay ng malanding saliw ng musika. Medyo dim light ang loob ng hotel na kinaroroonan niya at base sa mga boses na naririnig niya sa kanyang likuran, maraming kalalakihan ang kasama niya ngayon.
"Shít! Bakit may babae?!" Narinig niyang sigaw ng isang boses.
Unti unti siyang humarap sa mga ito habang pigil ang kanyang paghinga. Nais na niyang umiyak. Ni minsan hindi sumagi sa isip niya na aabot siya sa ganito para lang sa ngalan ng pera.
Nakita niya ang pagtakbo ng isa sa mga lalaking naroon patungo sa labas ng pinto. Sa hinuha niya, ang lalaking iyon ang groom na tatakutin niya. Gayunpaman, ipinagpatuloy parin niya ang pagsayaw kahit na umalis na ito.
"Sabi ko na tatakbo eh!" Natatawang saad ng isa.
Hindi niya alam kung namamalikmata lang siya, pero pakiramdam niya pamilyar ang isang lalaking nakaupo sa sofa habang tumatawa. Nagpasalamat na lang siya at mukhang hindi interesado ang mga ito sa kanya dahil hindi naman siya tinapunan ng mga ito ng tingin.
Pero maya-maya pa, naramdaman niyang may isang taong matiim na nakatitig sa kanya. Dahil medyo madilim ang lugar, hindi niya masyadong maaninag ang itsura nito. Huminga siya ng malalim at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa subalit bigla na lang may humiklas sa braso niya at kinaladkad siya palabas.
"Teka! Huy hindi mo pwedeng ilabas yan dude!" Dinig niyang sigaw ng isa sa mga lalaking naroon.
Pero mukhang walang balak na makinig ang sinumang humihila sa kanya at tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Ni hindi nga alintana ng lalaki na halos madapa na siya sa bilis at laki ng bawat hakbang nito.
Napaigik siya nang padarag siya nitong binitawan dahilan para tumama ang kanyang likuran sa malamig na pader ng elevator. Nang mag-angat siya ng tingin, halos panawan na siya ng ulirat nang mapagsino ang lalaking kumaladkad sa kanya.
Tristan...
Wala sa sarili niyang sinuyod ang kabuuan ng nito mula sa makapal at halos magsalubong na nitong mga kilay na nagbibigay ng maawtoridad na aura sa lalaki. Idagdag pa ang sing-itim ng gabi nitong buhok, matangos na ilong, medyo may pagkasingkit na mga mata. Mas tumangkad pa ito at tumikas pang lalo ang katawan. Kung gwapo ito noong panahong baliw na baliw pa ito sa kanya, mas lalo na ngayon.
Nakaramdam siya ng munting kasiyahan nang makitang nasa maayos kalagayan ang lalaki. Ilang taon na itong nawala. Ilang taong wala siyang balita sa binata. At ilang taon ng pilit niyang iwinawaglit sa alaala niya ang lalaki na kahit kailan, hindi naman niya nagawa.
"So you've upgraded huh? Mga mayayamang lalaki na pala ang target mo ngayon and worst mga kaibigan ko pa?" Anito sa sarkastikong boses.
Napalunok siya ng ilang beses kasabay ng pagkalat ng pait sa kanyang sistema. Tama. Bakit nga ba mukhang nakalimutan niya ang posibilidad na galit ito sa kanya?
"What? Cat got your tongue?" Nakataas ang isang kilay nitong tanong nang hindi siya nakasagot.
Muli siyang lumunok. Halos manginig ang tuhod niya sa nakikitang panghuhusga at pandidiri sa mga mata nito.
"K—kung anuman ang sadya ko dito, wala ka dun Tristan," aniya habang pilit na tinatapangan ang kanyang itsura para ipakita dito na hindi siya apektado sa panghahamak nito. Paninindigan niya kung anuman ang iniisip ng lalaki sa ngayon. Bahala na.
"You dirty slút! At balak mo pa talagang akitin ang isa sa mga kaibigan ko? Bakit Vivoree? Kating kati ka na ba at dito ka napunta?" Naniningkit ang mga mata nitong sumbat sabay hiklas sa kanyang kanang braso.
Mariin siyang napapikit dahil sa sakit ng pagkakahawak nito. Kulang na lang ay durugin nito ang buto niya sa braso. "N—nasasaktan ako," nakangiwi niyang ani.
Pagak itong natawa bago siya marahas na binitawan. "I never expected to see you in this situation but look how fate played us..." Naiiling nitong bigkas bago siya hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa saka napangisi. "Your body still looks nice kahit na ipinapagamit mo yan sa kahit sinong lalaki."
Napakurap-kurap siya ng ilang beses habang kinakalma ang kanyang sarili. "Gaya ng sabi ko, wala ka ng pakialam. Buhay ko'to kaya gagawin ko ang lahat ng gusto ko. Magpagamit man ako sa kahit sinong lalaki, problema ko na yun—"
"You bítch," gigil nitong asik at marahas siyang hinawakan sa batok para tumingala sa lalaki. "You're still sharp-tongued just like before. Siguro sobrang galing mo na sa kama given the experience you had all these years," nakangisi nitong ani bago bumaba ang mukha nito sa leeg niya.
Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi siya agad nakagalaw nang maramdaman niya ang mainit nitong mga labi sa kanyang leeg pero maya maya lang ay unti-unti siyang napapikit nang pinatakan nito ng mumunting halik ang kanyang sensitibong balat.
Sobrang lakas ng tibók ng kanyang puso. Nagwawala. Nakakabingi. Mula noon hanggang ngayon, wala paring nagbago.
Napasinghap siya nang maramdaman ang malaki nitong kamay na sumakop sa kanyang isang dibdib. Nanunudyo. Nanghihibo. Nakakaliyo.
Patuloy ito sa paghalik sa kanyang leeg kasabay ng pagsipsip sa kanyang balat. Sigurado siyang mag-iiwan iyon ng marka pero wala siyang lakas ng loob na pigilan ang lalaki. Para bang naparalisa ang katawan niya.
Bumaba ang isang kamay nito sa pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan. Napaigtad pa siya nang hawiin nito ang suot niyang thong at hinagod ang pagkabàbae niyang unti-unti ng namamasa.
"Ohhh..." Halos pabulong niyang ungol.
Pero nagising siya sa kanyang kahibangan nang marinig ang pagtunog ng elevator. Nagising siya sa katotohanang mali ang ginagawa nila kaya marahas niyang itinulak ang lalaki. Nang mag-angat siya ng tingin, kita niya ang nakakalokong ngisi sa labi nito.
"You're skin still tastes good, kahit nilawayan ka na ng ibang lalaki. But as expected, malandi ka parin. Imagine you still get wet even when we are still in the elevator? You're a slut. Mababang uri ng babae—"
Hindi na nito natapos pa ang iba pang sasabihin nang dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito. Taas baba ang kanyang dibdib dahil sa mabilis niyang paghinga dala ng galit. "Wala kang karapatang insultuhin ako" Kulang na lang mabasag ang kanyang boses at tuluyan na siyang maiyak.
Unti unting lumingon si Tristan sa kanya habang sapo nito ang nasaktang pisngi. Mabilis naman nitong napindot ang button ng elevator nang bumukas iyon. Nakaramdam siya ng kaba dahil sa talim ng titig nito.
"You dared to slap me after you moan? You're unbelievable Vivoree. And for the record, I will insult you whenever I want because it's the truth," pagalit nitong wika bago may hinugot sa slacks nitong suot.
Humugot ng lilibuhing pera si Tristan mula sa wallet nito at itinapon iyon sa kanyang mukha. "Yan, diba babaeng bayaran ka? Siguro naman sapat na yan para sa ginawa ko," anito kasabay ng muling pagbukas ng elevator.
Lumakad na ang lalaki palabas pero agad naman itong tumigil at lumingon sa kanya. "Here, calling card. I'm offering you a deal Vivoree. You can be my slut. A bedwarmer to be exact. Gagamitin kita kung kailan ko gusto kapalit ng pera nang sa ganun, hindi mo na kailangan pang ilako yang katawan mo sa iba. Consider it as a favor from your ex-boyfriend. Call me if you already have an answer..."