Kasabay nang pagkawala ng bulto ni Tristan sa paningin ni Vivoree ang panghihina ng kanyang mga tuhod. Pasalampak siyang napaupo sa sahig kasunod ng pagpatak ng pinipigilan niyang luha. Tahimik siyang napahikbi. Parang paulit-ulit na sinaksak ng patalim ang kanyang dibdib dahil sa sakit ng mga salitang binitawan ni Tristan para sa kanya.
Ilang sandali pa matapos kumalma ay tumayo na siya at pinindot ang elevator pabalik sa groundfloor. Dahil sa mga nangyari, hindi na niya kaya pang bumalik sa loob lalo na't mga kakilala pala ni Tristan ang naroon. Nagkalat na rin ang makeup na ini-apply sa kanya. Magmumukha na siyang katawa-tawa kapag nagpakita pa siya sa mga ito. Nagpasalamat na lang siya at wala siyang kasabayan doon nang sa ganun, siya lang ang bukod tanging nakakakita kung gaano siya kawasak ngayon.
Bumukas ang elevator kaya dali-dali siyang lumabas pero agad ring napahinto at nilingon ang nagkalat na pera sa sahig. Napalunok siya. Ayaw man niyang kunin ang perang iyon, alam niyang hindi sila mabubuhay kung pride ang paiiralin niya...
Tahimik na pinagmasdan ni Tristan si Vivoree habang pinulot nito ang mga perang itinapon niya sa mukha ng babae. Napailing siya. What he saw right now makes him question the judgement he has years ago. Paano ba siya nainlove sa ganung klaseng babae?
Nang makaalis na ito, nagtuloy na din siya sa labas ng hotel at sumakay sa kanyang sasakyan. Minutes after he drove away, he received a call from Xerxes.
"Where is the woman Tristan? Wala sa usapan namin ng contact ko na itake-out mo siya! Hanggang sayaw lang ang binayaran ko."
He chuckled before sighing. "Pinauwi ko na," tamad niyang sagot.
"What?! Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwala nitong tanong.
"Yes. So stop worrying about anything dude. Iuwi ko man yung babae o hindi, wala namang magbabago. She's just a random slút your contact had pick up," balewala niyang sagot.
"The hell! Ang talas ng dila mo ngayon. May regla ka ba?" Natatawa nitong komento.
He sighed as he focused on road. "Wala, ulol! Anyway, saan mo ba napulot ang babaeng yun?" Curious niyang tanong.
"Babae? You mean the stripper?"
"Yes. May iba pa ba?" Pabalang niyang ani.
Hindi naman siya ganito kung sumagot but meeting Vivoree again makes his blood boil on its limitation. Parang magdidilim ang paningin niya. Kanina habang pinagmamasdan niya ang babae, parang gusto niya itong sakalin hanggang sa malagutan ito ng hininga.
Kinapa niya ang kanyang dibdib but all he could feel is pure hatred towards her. He was disgusted with the thought that he fell inlove with a woman like her before and he even kneeled just so she would stay and choose him. Nakakasuka!
"f**k! Ang init naman ng ulo mo," reklamo ni Xerxes.
Kahit wala ito sa harapan niya, he knew he was pouting right now. "Just give me the number of your damn contact. May sadya ako sa kanya."
"What do you want from him?"
"It's something personal for you to pry on. Bigyan mo lang ako ng number. I need to talk to him."
Pinatay na nito ang linya kasunod ng isang mensahe na naglalaman ng number ng sinasabing contact ni Xerxes. Hindi niya mapigilang mapangiti habang nakasulyap sa screen ng kanyang cellphone.
Slowly, a devilish smirk formed in the corner of his lips. "It's your fault that you showed your face infront of me again, Vivoree Escalante. It's payback time..."
Halos madaling araw na ng makauwi si Vivoree sa bahay na inuupahan nila. Pagod siyang napaupo sa harapan ng pinto at walang buhay na sumandal doon. Napatingin siya sa pera na hawak niya.
Nasa sampung libo ang mga iyon. Hindi man sapat pero malaking tulong na rin para sa pagpapagamot sa Nanay Erlinda niya. Dahan dahan siyang tumayo at pumasok sa loob. Pagkabukas niya ng ilaw, tumambad sa kanya ang malungkot at tahimik na paligid. Marahan siyang umupo sa silyang gawa sa kahoy saka itinukod ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.
Maya maya pa'y narinig niya ang pagbukas ng kanilang pinto. Nang mag-angat siya ng tingin, mukha ni Fabio ang sumalubong sa kanya, ang nakababata niyang kapatid.
"Saan ka galing Fabio? Madaling araw na?" Malumanay niyang tanong.
"Ano bang pakialam mo?!" Pabalang nitong sagot.
Huminga siya ng malalim bago tumayo at hinarap ang binatilyo. "Nakatanggap ako ng mensahe galing sa teacher mo, hindi ka na daw pumapasok sa eskwelahan. Ano bang problema mo Fabio? Hindi mo ba alam kung anong pagsisikap ang ginagawa namin ni Nanay maitaguyod lang ang pag-aaral mo?"
Sarkastiko itong natawa bago umiling. "Anong problema ko? Tinatanong mo pa talaga yan? Ikaw ang problema ko! Dahil sayo kaya nagkandaleche-leche ang buhay natin!" Singhal nito.
"Maghinay-hinay ka naman sa mga binibitawan mong salita Fabio. Ate mo parin ako!" Bahagya na ring tumaas ang boses niya dahil sa halo-halong sama ng loob na natanggap niya mula pa kay Tristan.
"Ate? Simula ng mamatay ang tatay ko ng dahil sayo, kinalimutan ko na mayroon akong kapatid!"
"Nawalan din ako Fabio, hindi lang ikaw. Hanggang kailan mo ba ako balak na sisihin sa pagkamatay ni Tatay? Alam mong hindi ko sinasadyang mangyari ang lahat ng iyon," aniya at tuluyan ng napahagulgol ng iyak.
"Walang araw na hindi ko pinagsisisihan ang pagkamatay ni Tatay. Kung hindi niya sana ako iniligtas, sana nandito parin siya ngayon."
"Yun na nga eh!" Nanggagalaiti nitong bulyaw sabay duro sa bandang dibdib niya. "Ikaw ang dahilan kaya maaga akong nawalan ng tatay. Ikaw ang dahilan kaya sobrang hirap ang pinagdaanan ni Nanay noon na halos gumapang na kami sa hirap habang wala ka. Ikaw ang dahilan kaya naghirap ang pamilya natin. Ikaw ang dahilan kaya nagkasakit si Nanay ngayon! Kung hindi ka lang sana nakipaglapit at lumandi sa anak ng pamilyang iyon, hindi sana mangyayari ang lahat ng to!"
Hindi na siya nakasagot pa at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Tama ito. Siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap nila ngayon. Siya ang nagdala ng kamalasan sa buhay nila.
"Ngayon tinatanong mo kung hanggang kailan kita balak sisisihin? Habang buhay! Dahil hinding hindi kita mapapatawad. Hindi kita kapatid! Wala akong kapatid!"
Mabilis na tumalikod si Fabio at iniwan siyang mag-isa. Pabalibag nitong isinara ang kahoy nilang pintuan. Nanghihina siyang napaupong muli sa silya malapit sa kanya habang walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha.
Hindi niya masisisi si Fabio kung may sama ng loob ito sa kanya pero hindi niya rin maiwasang masaktan. Mahal niya rin si Tatay Ernesto kahit na hindi ito ang tunay niyang ama. Mapagmahal ito at maunawain na kahit sa kahuli-hulihan nitong hininga, kaligtasan niya parin ang inaalala nito. Sobrang sakit para sa kanya ang nangyari dahil hindi lang si Tatay Ernesto ang nawala, kasabay ng pagkamatay nito ang pagpanaw ng isang inosenteng buhay na tanging alaala niya sa lalaking bukod-tangi niyang minahal.
Hindi niya alam kung ilang oras ang ginugol niya sa pag-iyak. Ni hindi niya nga namalayang nakatulog pala siya sa silya habang nakaupo. Nang makita niyang maliwanag na, agad siyang napatayo at naglinis ng mukha. Kailangan niyang puntahan si Ella para kunin ang parte niya.
Tiningnan niya ang sarili sa salamin para siguraduhing wala ng make-up ang natira sa kanyang mukha. Kita niya ang labis na pamamaga ng kanyang mga mata dala ng pag-iyak niya kagabi. Huminga siya ng malalim bago nilisan ang kanilang bahay dala ang pera na nakuha niya mula kay Tristan kagabi at naglakad papunta sa apartment ni Ella nang makasalubong niya ang may-ari ng bahay na nirerentahan nila.
"Oy, mabuti at naabutan kita Vivoree," mataray nitong bungad.
Napalunok siya. Naalala niyang tatlong buwan na pala silang hindi nakakabayad ng renta kaya malamang maniningil ito.
"A—aling Fe..."
"Wag mo akong maaling Fe dyan! Nasaan na ang bayad mo sa renta. Ang haba na ng palugit na ibinigay ko ah! Pumunta ako dito kahapon pero wala kayo. Pinagtataguan mo ba ako!" Malakas nitong asik.
Napatingin siya sa paligid kung saan nakiusyuso na ang ilang kapitbahay nilang naroon. "P—pasensya na po Aling Fe. Nagkasakit kasi si Nanay at dinala ko sa ospital kaya—"
"Kaya ano?! Kaya hindi ka magbabayad, ganun ba? Hoy, sasabihin ko sayo ha, wala akong pakialam kung ano pa yang rason mo! Ang importante bayaran mo ako!"
"Aling Fe... Baka naman pwedeng sa susunod na lang," pakiusap pa niya.
Pinaningkitan siya nito ng mata. "Kung sa susunod ka pa magbabayad pwes sa susunod ka na lang din tumira sa bahay ko," masungit nitong sambit kasabay ng paglabas ng tatlong lalaki na tauhan ng ginang.
"Ilabas niyo lahat ng gamit ng babaeng to sa bahay na yan nang sa ganun magtanda at lumayas na," utos nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabilis itong pumasok sa pamamahay nila at sinimulang itapon sa labas ang mga gamit nila.
"A—aling Fe, baka naman pwede nating pag-usapan to—"
"Walang usap-usap dito! Anong akala mo sa bahay paupahan ko, charity ward?!"
"Magbabayad na po ako!" Mabilis niyang ani at hinugot ang pera sa kanyang bulsa.
Sinenyasan naman nito ang mga tauhan na tumigil bago hinablot ang sampung libo mula sa kanyang kamay. "Ideposit mo na lang itong extra na isang libo."
"Pero Aling Fe... Baka naman pwedeng dalawang buwan lang muna—"
"Mamili ka. Dalawang buwan o palalayasin ko kayo. Tandaan mong hindi ko na ibabalik tong pera kapag pinalayas kita..."
Wala na siyang nagawa pa kundi tumango na lang. Mabilis naman siyang iniwang ng ginang kasama ang mga alipores nito dala ang natatanging pera niya...