"Miss Vivoree!" Napapitlag siya at bumalik sa kasalukuyan nang pumitik sa ere ang daliri ni Ludy. "Nakikinig ka ba sakin?" Bahagyang napangiwi nitong tanong. Mabilis naman siyang tumango. "Oo naman!" Sandali siya nitong tinitigan bago napailing. "Ayaw na ayaw ni Sir Tristan sa mga empleyadong hindi nakikinig." Kagat labi siyang napayuko. "P—pasensya na..." "Sige, tuloy na tayo. Marunong ka bang gumamit ng computer?" Alanganin siyang tumango lalo na ng mapadako ang tingin niya sa mesa ni Ludy. Iba na ang itsura ng computer na gamit nito kumpara noon. "Susubukan ko, Miss Ludy..." Tumango naman ang babae bago itinuro ang isang silya katabi ng upuan nito. Parang isang delubyo ang lumukob sa kanya ng mga sumunod na sandali. Masyado palang maraming gawain ang isang sekretarya. Halos mahi

