Maagang nagtungo sa presinto si Vivoree kinabukasan para piyansahan ang kanyang kapatid. Mabuti na lang at mabilis lang ang naging proseso nila at mukhang wala naman talagang kaso ang kapatid niya. Sadyang nais lang yata silang pahirapan ng mga pulis at mismong nagdemanda kuno sa kanila. Gayunpaman, hindi na siya nakipagtalo pa lalo na't hindi rin naman siya mananalo sa mga ito. "Kung akala mo pasasalamatan kita sa pagpiyansa mo sakin pwes nagkakamali ka, dahil hindi naman ako humingi ng tulong sayo," malamig na ani Fabio nang nasa labas na sila. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago ito pinukol ng pagod na titig. "Hindi ko hinihingi ang pasasalamat mo Fabio. Alam mo kung anong hihilingin ko sayo? Magpakabait ka at mag-aral kang mabuti kahit para kay Nanay na lang. Um

