Matamlay siyang pumasok kinabukasan. Mabigat ang kanyang katawan at parang lalagnatin yata siya pero pinilit parin niya ang kanyang sarili na bumangon para pumasok sa trabaho. Pagkadating siya sa opisina, nauna na si Ludy sa kanya. Nahihiya pa siyang naglakad palapit sa mesa nila nang maalala niya ang nangyari kahapon lang. "G—good morning, Miss Ludy," mahina niyang bigkas. "Good morning din sayo, Miss Vivoree," ganti nito. Tahimik siyang umupo sa kanyang pwesto at agad na pinagtuunan ng pansin ang mga gawain niya. Kalkulado niya ang bawat niyang galaw dahil sa nararamdaman niyang pagkaasiwa. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Ludy. Siguro iniisip nitong masama siyang babae o di kaya ay ginagamit niya ang kanyang katawan para makapasok sa kumpanya ni Tristan dahil wala naman siy

