Hindi sila agad nakasagot sa naging tanong ng anak ni Mari. Inosente naman itong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang tatlo. Si Mari ang unang nakabawi at inakbayan si Kreios. "Hindi anak. Secretary ni Tito Pogi si Ate Vivoree," pagpapaintindi nito. Sandali pa siyang pinagmasdan ng bata bago tumango. "Then pwede po ba siya na lang si Tita Pretty. Gaya ni Pretty GrandMa, pretty din siya..." "Sure. Bakit naman hindi," pag-sang-ayon ng babae. Nahihiya siyang nagbaba ng tingin. Ayaw niyang makakuha ng masyadong madaming atensyon mula sa mga kaibigan ni Tristan at baka kung ano pa ang isipin nito at ibintang sa kanya. Isa pa, mas lalo lang siyang malulungkot sa tuwing nakikita niya ang anak ni Mari. Makakaramdam lang siya ng kahungkagan sa kanyang dibdib. Maya-maya pa'y dumating na ang p

