8 Years Ago… "Anong iniisip mo?" Napalingon si Tristan sa babaeng nakatunghay sa harapan niya habang nakaupo sila sa garden ng bahay na tinutuluyan niya sa States. Umiling siya at muling napatingin sa kawalan. It's been months since Pia last visited him at mula nun ay hindi na umalis ang babae sa tabi niya. Napasulyap siya sa kanyang mga paa na ngayon ay nakakalakad na. Si Pia ang nagtiyagang kumumbinsi na magpatherapy siya. Mabuti na lang at napilit siya nito. Now, he is able to walk on his own feet again without anyone's help anymore. "Tristan..." Malumanay nitong tawag sa kanya. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "Are you still thinking about her?" Napalingon siya kay Pia. Bakas ang kalungkutan sa mga mata nito. "I guess you are..." Napalunok siya para mawala

