Huminto ang kotseng sinasakyan ni Vivoree sa harap ng isang ospital. Nagmamadaling bumaba ang babae at patakbong nagtungo sa loob. Kasunod namang lumabas ang taxi driver at hinabol si Vivoree subalit sa bilis nito, hindi na iyon naabutan ng lalaki. Agad siyang lumabas ng sasakyan para habulin din si Vivoree at tingnan kung saan ito pupunta. "Pambihirang buhay! Miss yung bayad mo!" Frustrated na sigaw ng driver nang tumapat siya dito. Nilingon niya ang problemadong driver. Agad siyang humugot ng isang libo mula sa kanyang wallet at ibinigay iyon sa lalaki. Gulat naman itong napatitig sa kanya. "Bayad yan nung babaeng tumakbo. Makakaalis kana," aniya bago ito tinalikuran at tumakbo na rin papasok. Hinanap ng kanyang mga mata si Vivoree. Dahil hindi naman ganun kalaki ang ospital mabili

