KANY "Knight, sigurado ka na ba? Baka pwedi sa susunod nalang. Baka magalit si Kuya." Kinakabahan na sabi ko kay Knight. Nasa tapat na kami ng bahay ni Kuya Jonathan. Pagkatapos namin ihatid si Val at Virgo, dito kami kaagad dumiretso sa bahay ni Kuya dahil disidido na talaga si Knight na magpaalam kay Kuya. "Moo, ako ang bahala. Ayaw ko na patagalin pa, gusto ko na sabihin kay Chief Jonathan para hindi ka na palaging kabahan. Saka ayaw ko ng patago na relasyon. Mahal kita at handa kitang ipaglaban." Seryuso na sabi ni Knight sa akin. Pinisil niya pa ang aking kamay. Kaya wala na akong magagawa kundi pumayag na magpaalam siya kay Kuya Jonathan. Malakas ako'ng bumuntong hininga saka niyaya na siyang bumaba ng sasakyan. Dahil alam ko'ng nasa loob ng bahay si Kuya at baka makita kami sa l

