KANY "Good morning Kuya." Magkasabay na bati namin ni Virgo pagpasok namin dito sa opisina ni Kuya. Malawak pa ang aming ngiti na dalawa. Tatlong araw mula nang sinabi ni Knight kay Kuya na kami na, at nagpaalam din si Val sa mga magulang ni Virgo na manligaw. At iyun nga dahil dahil sa lambanog na pinainum ni Tito kay Val. Nalaman din na may relasyon si Virgo at Val. Hindi naman nagalit si Kuya ngunit hindi na pwedi makapunta si Knight at Val sa bahay ni Kuya at sa shop. Kaya hanggang chat nalang kami. Ngayon nandito kami sa opisina niya para dalhan namin siya ng meryenda. Umangat ang ulo ni Kuya at tumigil siya sa kanyang ginagawa sa kanyang laptop. Kunot-noo niya kaming tiningnan ni Virgo. "What are you two doing here?" Kunot-noo na tanong ni Kuya. "Kuya may dala kaming meryenda p

