KANY Pagdating namin sa tapat ng convenient store. Pagka park ni Knight nang kaniyang sasakyan. Si Knight nalang din ang bumaba para bumili. Mabuti at open sila 24 hours kaya hindi hassle kapag may importante na bibilhin. Sumandal nalang ako sa upuan ng sasakyan habang hinihintay si Knight. Habang naghihintay sa kaniya, pumikit ako at napaisip ako bigla sa future namin ni Knight bilang mag-asawa. Excited na kinakabahan ako dahil nga sa trabaho niya. Bumalik sa alaala ko n'ong na baril sila ni Val dahil may nagtangka na kidnapin si Ate May. Katulad din nuon ang nangyari kay Kuya Jonathan na muntik na siyang mawala dahil na baril din siya. Parang gusto ko'ng sabihin kay Knight na tumigil na siya sa pagiging pulis niya kapag kinasal na kami. Pero parang hindi ko naman maatim na kukunin ko a

